Chapter 8

940 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 8 HER GRIEF "Kung nagawa ko lang saluhin ang mga bala." River~ Binuklat ko ang menu na iniabot sa akin ni Sora nang tumayo siya papuntang cr. Sa loob naman ng menu ay nakaipit ang maliit na papel, kinuha ko iyon at umalis na ng shop. JL NRT MNL 1435 Terminal 1 "Miss, may lighter ka?" Tanong ko sa naninigarilyong babae. "Eto." Inabot ko ang lighter at sinilaban ang papel matapos mabasa ang nilalaman nito. "Salamat." Matapos ang malaking insidenteng nangyari sa Great Queen at sumama si Sora sa D mafia ay dinadaan niya na sa pasikot sikot ang mga gusto niyang sabihin. Naging mas maingat siya ngayon at mas malihim, kahit ako ay hindi alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng isang fallen queen. Whatever she is planning, I think it is her way of moving forward-- of forgetting her miserable past. Dumiretso ako sa Black Swan Corp. Ang kompanya ni Solemn Raina, sa ngayon ay ang acting CEO ang pumalit sa kaniya. Maganda naman ang takbo ng lahat at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakahalata sa pagkawala ng tunay ng may-ari ng Black Swan. "Good morning, sir. You have an appointment with..." Napatigil ako nang mabasa ang pangalan ng kameeting ni Sir Antonio. Paanong nangyari ito? "With who?" Kunot noo akong nagtaas ng ulo at tinitigan ang acting CEO. "Sir, kayo po ang nagpalit ng bagong schedule na to?" "Ah, yes. I changed it last night when they called my personal number. Sumiyoshi Corp. is a partner company and their president wants to talk to me." "Sino pong president?" Mahina kong tanong, humigpit ang aking hawak sa portfolio habang hinihintay ang sagot ni sir. Sa di malaman na dahilan ay pinagpapawisan rin ito at nanginginig. "President Shin Phoenix Sumiyoshi." Parang sumabog ang aking utak sa narinig. He died. That is what we know. Kung ganoon sino ang pupunta ngayon para sa private meeting. The genuine Sumiyoshi or a clone? I snapped when a knock from the door interrupted my train of thoughts. Tinignan ko ang nakasarang pintuan bago lumipat sa acting CEO na sinesenyasan akong buksan ito. Muli akong tumingin sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan, behind this door lies the dead person that my boss miss the most. Tumambad naman sa akin ang dalawang pares ng itim na mga mata. "S-sir." Di makapaniwalang utal ko. Bahagya namang tumango si Mr Sumiyoshi sa akin bago ako lampasan. Paanong? "Let's have a lunch meeting outside, Mr Sumiyoshi. Saan mo gusto?" Aya ni sir Antonio, yumuko na lang ako at lumabas na ng opisina. "Anywhere is fine." Rinig ko pang malamig na sagot ng isa. Pinasadahan ko ng tingin ang nakasarang pintuan bago napagdesisyunang umalis para pumuntang terminal 1. Kung sino man ang susunduin ko roon ay hindi ko rin alam. At mas lalong di ko alam kung kilala ba ako ng taong iyon. Ano na ba talagang nangyayari ngayon? Everything seems more complicated than they are before. Sora~ Hindi ako tumigil sa pagmamaneho. Diretso lang ang tingin ko habang paliit ng paliit ang hi-way na aking dinadaanan. Nang makarating sa lugar na sobrang pamilyar sa akin ay doon lamang ako mabilis na bumaba ng sasakyan. I looked at the thick forest before me. Tahimik sa loob at dahil sikat pa ang araw ay madali lang ang tahakin ang daan papunta sa malawak na damuhan. Shin... Mapait akong napangiti habang nakatingin sa lugar kung saan ako tumalon noon. Ikinuyom ko ang aking kamao habang samu't-saring memorya ang tumakbo sa aking isipan. The pain. No matter what I do, it will never subside. Ang mga sugat na iniwan nito sa aking puso ay kailanman hindi rin maghihilom, dahil ang mga sugat na iyon ang magpapaalala sa akin na lahat. I will never forget nor forgive those people who hurt them. Huminga ako ng malalim at wala sa sariling napaluhod sa damuhan. Napakabigat ng aking dibdib at para bang may nakabara sa aking lalamunan. Shin... Hix... Mom... Dad... Everyone... I gritted my teeth and all of the bottled up emotion suddenly exploded. Sumigaw ako ng napakalakas habang ang luhang matagal kong kinimkim ay nag-uunahang umagos sa aking pisngi. "Shin! I hate you! I hate you so much! Bakit hinayaan mo akong mag-isa! Bakit?!" Sinuntok ko ang lupa at muling nagsisigaw. "I hate you! I hate you! You don't know how much it hurts right now. Madaya ka! I hate you, Shin! Naririnig mo ba ako?!" Humagulgol ako ng iyak at humiga na para bang fetus. I hate this kind of feeling yung magigising ka na lang ulit isang araw at wala na ang lahat sa iyo. Yung sakit ay nagdulot ng malalim na sugat sa puso mo. It's terrifying. Parang paulit-ulit kang sinasaksak, yung sugat palalim rin palalim hanggang sa imposible nang takpan ang lahat ng ito. "Bakit? Bakit hinayaan niyo akong mag-isa? Bakit niyo ako iniwan? Bakit mo kinakailangan bumitaw kung kailan hawak na kita? Bakit? " Kung pwede lang ibalik ang oras. Kung nagawa ko lang saluhin ang mga bala. Pero heto na ang nangyari at wala akong ibang magagawa kundi harapin kung ano ang meron ako ngayon. Masakit man pero ito ang magpapaalala na buhay ako dahil sa kanila. "Alam mo naman na ayokong nakikita kang umiiyak." Natigil ako sa paghagulgol sa narinig at nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa aking buhok. Idinilat ko ang mahapding mata bago naluluhang tinitigan ang lalaki sa aking tabi. Fresh tears started falling down my cheeks again. Humikbi ako at mahigpit na yinakap ang taong nasa tabi ko ngayon. "I... Miss you..." ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD