Chapter 2

1470 Words
Chapter 2 Kahit may hair cap pa sa ulo ni Cassy ay dali-dali siyang lumabas ng salon nila. Paano ba naman kasi dinumog na ng mga kapit bahay nila ang kotse ni Kenjie Hoffman. "Padaan ho!" Nakipagsiksikan pa siya sa mga usesero at useserang nakapalibot sa itim na kotse ni Kenjie Hoffman. Ang iba sa mga ito ay mga teen agers na babae at may pagtili tili pang nalalaman. "Padaan ho. Ako ho yung jowa please padaanin niyo ako anu bey.." Hinila na niya ang damit ng isang matabang babaeng nakaharang sa pinto ng kotse ni Kenjie Hoffman "Casandra totoo nga ang balita! Anak ng putsa. Sa itsura mong yan? Aba! Nakadale ka ng mayaman!" Sabi pa ng isang kapitbahay nila Sinimangutan niya lang ito at nilagpasan. Marami pang kung ano anong sinasabi ng mga kapitbahay nila ngunit hindi na iyon mahalaga para sakanya. "Bakla ang gwapo ng jowa mo!" Pabiro siyang sinabunutan ng isang kapitbahay nilang bakla na kaibigan rin niya. Natangal tuloy ang hair cap na suot niya Ngumiti siya dahil nagtinginan ang mga kapitbahay niya sakanya "Kaya padaanin niyo ako hinihintay nako ng jowa-erz ko!" Proud niya pang sabi sa mga ito "Feel na feel di naman siya maganda ang baho pa ng ulo" Bulungan ng dalawang babae sa gilid naamoy kasi ng mga ito ang chemical na gamot sa kanyang buhok. "Tse." Inismiran niya pa ang mga ito bago siya tuluyan nakalapit sa pinto ng kotse ni Kenjie Hoffman Tinted ang salamin ng kotse ni Kenjie kaya hindi niya ito nakikita. Ngunit sigurado siyang nakikita sila nito. Kinatok niya ang bintana ng kotse nito. "Jowa it's me" Pilya niyang sabi habang kinakatok niya ang bintana Maya maya pa narinig niyang nagbukas ang pagkakalock ng pinto. Nagmadali agad siyang pumasok sa loob ng kotse ni Kenjie bago pa man makasilip doon ang mga kapitbahay niyang mga chismoso at chismosa. "Eww what's that smell!" Maarteng puna agad ng isang babae sa likod ng kotse ni Kenjie. Tila nasusuka pa ito ng maamoy nito ang gamot sa ulo niya. Gamot iyon pang rebond at may sunog pa siyang buhok ng kaunti kaya naman talagang mangangamoy iyon sa loob ng kotse ni Kenjie dahil airconditioned ang loob. Nagtaka siya kung sino ang napakagandang babaeng ito na naka-bra at panty nalang ata dahil sa iksi ng suot nitong damit Napalunok siya ng makitang katabi ito ni Kenjie sa likod ng kotse nito habang ang isang kamay pa ni Kenjie ay nakapasok mismo sa loob ng maiksing palda ng babae Nanlaki ang kanyang mata. Napatingin naman ito sakanya at napansin nito ang kanyang reaksyon "What?" Maangas na tanong nito sakanya dahil nakatingin siya sa kamay nito na ginagalaw galaw nito. Muli siya napalunok "My Gosh Kenjie sino ba kasi yang babaeng yan! Ang baho niya super!" Maarte pa ulit na reklamo ng babae "mag-drive kana mang-Nestor" Utos nito sa lolong driver nito. Agad naman iyon sinunod ng matandang driver. Binusinahan pa nito ang mga kapitbahay nilang nagkakagulo parin sa labas upang magsitabi ang mga ito. Nata-meme ata siya dahil sa kanyang nakita. Akala pa naman niya si Kenjie lang ang naghihintay sakanya sa loob ng kotse ngunit may kasama pala itong ibang babae! Higit sa lahat ang malikot nitong kamay ay nasa loob mismo ng palda ng babaeng nakabukaka pa. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganitong sitwasyon kaya naman napatulala lang siya sa mga ito. "Stop staring" Puna ni Kenjie sakanya at doon palang siya tila nagising sa pagkakabigla Nag iwas agad siya ng tingin sa mga ito. "Ma'am seat belt niyo po" Utos sakanya ng matandang driver "M-Manong ibaba niyo nalang po ako sa kabilang kanto. Jowndi po akez pwedeng lumayo--" "We need--Uhmm to talk uhmm" Nanlaki lalo ang kanyang mata dahil sa boses ni Kenjie. Tila napapa-ungol pa ang pasaway na lalakeng ito! Hindi na niya gustong tignan kung ano man ang ginagawa ng dalawa sa likod ng kotse at ayaw na niyang isipin pa iyon. Naririnig niya pa ang paghigopan at supsupan ng mga labi ng mga ito. "M-Mag mag mag chikanez nalang tayo pag di kana busy. Kalerky ka" Pautal-utal niyang tugon kay Kenjie habang pinupunasan niya ang nanlalamig niyang pawis sa kanyang nuo. "Uhmm! Kenj i like it!" Ungol naman ng babae na mas lalo pang nagpalaki sa kanyang mga mata. Kinikilabutan tuloy siya. Samantalang wala namang reaksyon ang matandang driver. "B-Bababa na po ako manong please doon po--" "Uhmm i said wait." "Kenj don't stop please--" "Uhmm i have important things to do right now. Mag taxi ka nalang." "Noo please don't stop Kenj--" "Stop the car mang Nestor" Doon palang hininto ni mang Nestor ang kotse sa gilid ng kalsada "What? W-What do you mean?" "Get out" Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito. Nakikiramdam lamang siya. Tila pinapababa ata ng kotse ni Kenjie Hoffman ang kalandian nito sa likod. "Oh my. I can't believe this. Are you sure you want me to get out?!" Halata na sa boses ng babae na naiinis ito "Yeah get out. Bilis" Utos pa nito sa babae Isang malutong na sampal ang narinig niya kasabay ng isang malutong na pagmumura ang sumunod na narinig ni Cassy kaya doon palang siya napalingon sa likod. Nakahawak na si Kenjie sa pisngi nito. Napatingin si Kenjie sakanya ng lumingon siya. Napalunok siya dahil napakagwapo talaga nito. "Pu$2'rbk-ina asshole!" Binalibag ng babae ang pinto ng kotse ni Kenjie pagkababa nito "Lumipat ka dito. Mag uusap tayo" Masungit na utos ni Kenjie sakanya "H-Ha?" "Wala ka na ba ibang alam sabihin kundi ha ha ha? I'm sure you heard what i just said" "D-Dito nalang ako dahil amoy gamot yung ulo ko nakakahiya naman sayo. Bilisan lang din natin mag chika kasi masusunog na itech sa gamot tong hairlalu ko" Napasimangot si Kenjie dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita. Anong magagawa niya ganon naman talaga siya mag salita dahil namana niya na iyon sa dalawang mame niya. Huminga ito ng malalim. Kumuha muna ito ng tissue bago pinunasan ang mga daliri nito. Ayaw man niyang isipin kung ano ang likidong pinupunasan niyo sa daliri nito ay alam niya parin kung ano iyon Sinusundan niya lang ng kanyang mga mata ang bawat galaw ni kenjie. Nakatitig rin ito sakanya ngunit blanko ang expresyon ng gwapong mukha nito. Tinapon lang nito sa gilid ng kotse nito ang wet tissue dahil may maliit na basurahan doon. "Fine. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I like what you did last night." Unti unti naman siyang napangiti at halos i-twinkle eyes niya pa ang kanyang mga mata habang nakikipagtitigan siya kay Kenjie Hoffman Ibig bang sabihin nagustuhan nito ang ginawa niyang pag salba rito sa kahihiyan? Pakiramdam niya tuloy may mga nagliparan na paro-paro sa kanyang paligid "I want my wife back." Unti unti rin agad naglaho ang mga paro-paro na nalaglag sa lupa at natapaktapakan pa. "A-Anong ibig mong sabihin?" "I like what you did last night. Sa tingin ko nagselos ang ex-ko sayo because she texted me this morning. It's a good sign na may epekto sakanya ang ginawa mo kagabi. Lalo na nagtrending tayo sa socmed. So i'm offerring you a wonderful job. Be my pretend girlfriend hangang sa bumalik ang ex ko sakin" "E-Echusero seryoso ka?" "Yeah i'm willing to pay you one million pesos kapag natulungan mo akong makuha ulit ang asawa ko. Our contract will last for only three months" Nakatulala lang siya kay Kenjie habang nagpapaliwanag ito sakanya. Marami pa itong rules na pinagsasasabi ngunit hindi na niya yun naiintindihan. "Eklavoo ka! Ngayon ngang umaga may chikababes kang kasama--" "You have no rights to my private life gatecrasher lady" Masungit nitong pigil sa mga sinasabi niya "E-Eh ang gulo mo kasi. Gusto mong bumalik yung asawa mo sayo pero ngayon ang aga aga pa may kasama kang chikababes." Pasimpleng natawa si mang Nestor ngunit pinipigilan nito dahil baka mapagalitan ito ni Kenjie "Side chicks ko lang yun. Iba parin ang asawa ko" She roll her eyes. "Kalerkey! Ang Babaero mo super duper as in. Kung ako yung asawa mo hindi kita babalikan no!" "You want the job or not?" Mukhang naiinis na si Kenjie sakanya Napa-isip tuloy siya. Lalo na ngayon gipit na gipit pa naman sa pera ang mga mame niya. "Surelaluu ka bang one million pezonez talaga ang bibigay mo sakin kapalit ng pagpapaselos natin sa asawanez mo?" Paninigurado niya "Yeah kung babalik siya. Pero kung after 3month hindi parin siya bumabalik sakin half million lang ibibigay ko sayo." "Cool! Sige ba! Basta katulad sa pelikula ha? May libreng kiss and hugz akech sayo. Tapos huwag kang ma-iinlove sakin kasi diba ganon yung sa mga pelikula? Bandang huli sila nagkakatuluyan" Biro niya upang mabawasan ang kaba sa kanyang puso. Napansin niyang napangiti si Kenjie. "Don't worry. You're not my type" Napatabingi tuloy ang kanyang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD