Chapter 1

2098 Words
Chapter 1 "Juskooo mameee! Masusunog na ang buhok ng junakis natin kakarebond mo!" Napatili ang tatay slush nanay ni Cassandra na si Mame Dondey ng makita nitong nirerebond nanaman ng tatay slush nanay niyang si Mame Dora ang kanyang buhok Dalawang lalakeng may pusong babae ang nagpalaki kay Cassandra. Mag-kalive-in parter ang mga ito at ito ang tumayong magulang niya mula pa noong maulila siya. Kaibigan ng mga ito ang kanyang mga magulang na maagang umakyat sa langit. Hindi pa nga siya tinutubuan ng ngipin noon ng maaksidente ang magulang niya. She's Cassandra Nuggets aka cassy for short. Yes nuggets ang kanyang apilyedo dahil half american ang kanyang lolo. She's twenty years old single and always ready to jingle. "Makareact ka naman mameee wagas?" Taas kilay na sita ni Mame dora habang pinaplantsa nito ang kanyang mahabang buhok. Kasalukuyan silang nagrerebond ng kanyang buhok sakanilang mini salon sa ilalim ng kanilang bahay. Pag mamay-ari ng mga ito ang salon na iyon. Maliit lamang ngunit malinis at aircondition na rin. Magaling mag gupit ng buhok ang kanyang mga Mameee kaya maraming tumatangkilik sa salon nila lalo na ang mga kapitbahay nila. "Mame don't worry po. Matibay na po tong buhok ko" Nakangising sagot ni cassy sa Mame Dondey niya. "Nako nako jusmiyo ka. Mapapanot ka ng maaga niyan baby!" Nag aalala parin ito habang nakatingin sa buhok niyang pinaplantsa ni Mame Dora. Amoy na amoy nito ang chemical na ginamit ni Mame Dora sa kanyang buhok. Umuusok usok pa ang kanyang buhok. "Baby" parin ang tawag ng mga ito sakanya. Growing up with two beautiful gays is very wonderful. Napakasaya ng buong buhay niya dahil sa dalawang mame niya. "Mama dalaga na ang junakis natin! Hindi mo ba knows ang balita?" Chika ni Mame Dora sa Mame Dondey niya "Anong ganap?" Kunot nuong tanong tuloy ni Mame Dondey "May instant jowa na itong junakis natin!" Kinikilig na pagbabalita ni mame dora kay mame dondey. "Harujusko nakakaloka elaborate. Paano? Anyare?" Nalolokang tanong ni mame dondey "Ganito kasi yan mame. Kahapon po mame diba may raket kami may inayusan kaming buhok si Miss Alime. Kasal po kasi ng isang fafalicious Hoffman diba?" Nakikinig ng maayos si Mame Dondey. "So anong ganap baby? Paano ka naman nagkanobyo ng instant aber?" Pangiti-ngiti naman si Mame Dora habang pinaplantsa nito ang kanyang buhok "Ganito nga po kasi mame. Sinama kasi kami ni Miss Alime sa kasal nung Kenzo Hoffman. Tapos mommy ang daming gwapo kalerky! Umuulan ng fafalicious! Nakita ko na sa personal lahat ng hoffman as in! May picture rin ako sakanilang lahat--" "Anak naman ang dami mo ng chinika hindi mo na kinuwento kay mame yung nangyare" Singit ni mame dora "Oo nga anak. Straight to the point mo na nga kaloka!" "Okay okay sowie pows nakakakilig parin kasi! Ganito po talaga yun. Hindi ko po alam paano nangyari ang bilis kasi ng pangyayare---" Ikinuwento ni Cassy sa mga mame niya ang tunay na nangyari kagabi sa kasal ni Kenzo Hoffman. Flashback last night. "Huy Cassy ano yang nagbabalot ka pa talaga?" Napahagikgik si Cassy ng mapansin ni Heidi ang kanyang ginagawang pagbalot ng mga cupcakes sa dessert table. "Ngayon lang ako nakatikimz ng ganitech. Kaya ipapatikimz ko rin kila mame" Pasimple niyang ibinalot ang iba pang cupcakes sa ziplock na kanyang dala dala. Nakita niya lang naman ang ziplock na iyon sa bag niya kaya naisipan niyang dalhan ng pasalubong ang mga mame niya. "Nakakahiya cassy anu ka ba. Singit nga lang tayo dito eh" Bulong pa ni Heidi sakanya habang kinukurot pa nito ang tagiliran niya. Patingin tingin rin sakanila ang ibang bisita ngunit dedma lang iyon para kay Cassy. Ang mahalaga may balot siya! Akmang kukunin niya ang redvelvet cupcake na nag iisa nalang ng bigla iyon kunin ng isang lalake "Akin yan--" Babawiin niya sana ang red velvet cupcake sa lalakeng kumuha nito ngunit napatulala nalang siya sa kagwapuhan nito. Kanina pa siya nakakakita ng mga gwapong lalake sa paligid at busog na busog na talaga ang kanyang mata sa nagkikisigan at nag-gwagwapuhang nilalang na pinagsamasama sa kasal na iyon Ngunit naiiba ang kagwapuhan ng isang ito! Mukhang ito ang pinakagwapong lalake para sakanya! Tinitigan niya pa ito ng husto bago niya ito makilala. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ito! Habang ngumunguya ito ng red velvet nakatingin ito sakanya. Napanganga lang siya sa harapan nito dahil sa pagkabigla. Maski si Heidi ay natulala sa kagwapuhan nito. Kulay asul ang mga mata nito na walang kaemosyon emosyon. "Gate crasher kayo no?" Mayabang na tanong nito sakanilang dalawa ni Heidi habang kinakain nito sa harapan nila ang red velvet cupcake. Lumalabas pa ang dimple nito sa gilid ng mapulang labi nito habang ngumunguya ito. Doon siya napakurap kurap. Tama ba ang rinig niya? Gate crashers daw sila? "H-Ha?" Parang tangang tanong niya Tinitigan sila nito mula sa kanilang mga suot na itim na sapatos hangang sa kanilang mga mukha. Napa-iling pa ito bago tumalikod sakanilang dalawa "Gate crashers. Huwag niyong ubusin yung handa" Sabi pa nito bago tuluyan lumakad palayo sakanila "D-Diba si si si Kenjie Hoffman yun cassy?" Nangangatog na tanong ni Heidi sakanya at napakapit pa ito sa braso niya. Hindi niya halos maibuka ang kanyang bibig dahil sa kakaibang epekto ni Kenjie Hoffman sa kanya. Para itong aparisyon sa sobrang kagwapuhan nito. Yung tipong hindi ka talaga makakapagsalita kapag ito ang kaharap mo. "O-Oo siya nga yun! Ohmegee" Nanghihinang sagot niya kay Heidi "Na na nana nakakahiya cassy umuwi na tayo! Nahuli ka niyang nagbabalot ng mga cupcakes iniisip tuloy niyang gate crashers tayo" Napalunok siya. Parang gusto rin tuloy niyang lumubog sa kina-tatayuan nila. May ibang bisita rin na napapatingin sakanilang dalawa ni Heidi. "S-Smile ka lang Heidi invited tayo ditey no!" "Uwi na tayo Cassy nakakahiya--" "Wait Kenjie!" Lakas loob niyang hinabol ang lalakeng kung maglakad ay akala mo hari ng daigdig Napatigil ito sa paglalakad at lumingon sakanya Kahit nanghihina ang kanyang mga paa ay sinubukan parin niyang magmadali lumapit dito habang nasa likod niya si Heidi "H-Hindi po ka-ka-kami gate crashers--" "Who told you to call me my precious name?" Naniningkit pa ang mga mata nito habang tinatanong siya. Para tuloy siyang kutong lupa kung tignan nito. "Ha?" "What do you want?" Kunot nuong tanong nito "G-Gusto ko lang naman sabihin sayo na hindi kami gate crashers--" "Kenj ininvite ko sila dito" Singit ni Gabriel Hoffman sa likod nilang dalawa ni Heidi Pakiramdam ni Cassy nabunutan ng tinik ang kanyang puso ng dumating si Gabriel Hoffman at Alime sa likuran nila Nagkibit balikat lang si Kenjie "So?" Mayabang na sagot nito Napalunok tuloy siya "Her name is Cassy. She wants to meet you. She have huge crush on you kaya sinama namin sila" Derektang sabi ni Gabriel Hoffman kay Kenjie habang pangiti ngiti pa ito. Nanglaki tuloy ang kanyang mga mata sa diretsahang pagsasabi ni Gabriel Hoffman. Kung kanina gusto niyang lumubog sa lupa ngayon naman ay parang gusto niyang maglaho nalang na parang bula sa mga oras na iyon "Very funny" Walang emosyong sagot ni Kenjie bago nito kinain ang huling kagat sa red velvet nito "I'm serious. Her name is cassy" Tinignan siya ni Kenjie na para bang wala itong ka-interest interest sakanya bago ito tumingin ng masama sa kapatid nito "You're done Gab?" Supladong sita nito sa kapatid nito bago ito nag walk out palayo sakanila. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagpapakilala sakanya dahil iniisip nitong pinag-titripan lang nila ito. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Halo halong emosyon kasi ang nararamdaman niya. Ngunit ang nangingibabaw ay ang nararamdaman niyang kahihiyan. Hiyang hiya siya kay Kenjie Hoffman! Nilapitan agad siya ni Alime. "I'm sorry cassy broken hearted pa kasi yun si Kenjie pero mabait yun promise" "A-Ayos lang po miss Alime." Nahihiyang sagot niya "I told you babe iba ang type ni Kenjie" Bulong ni Gabriel kay Alime kaya hindi naman nila iyon narinig "Uwi na tayo cassy" Bulong naman ni heidi sakanya "Ayoko pang umuwi. Hayaan mo na heidi enjoyin nalang natin ang party" Dahil likas na makapal ang mukha niya nanatili parin sila sa kasal. Nakikain parin sila at nakihalubilo sa mga tao roon. Hindi na niya nakita si Kenjie mula ng mag walk out ito. Umuwi na rin si Gabriel at Alime dahil nagkaroon ng problema ang mga ito. Uuwi na rin sana sila ni Heidi ngunit napatingin silang lahat sa gitna ng stage ng may biglang nagsalita doon Napatigil tuloy siya sa pagtayo sa kanyang inuupuan dahil pamilyar ang boses na iyon "Cassy.." Halos lahat ng tao napatingin kay Kenjie Hoffman ng umakyat ito sa stage at inagaw nito ng microphone sa host Natahimik ang lahat Halatang lasing na lasing ito dahil mapungay na ang mga mata nito. Kumabog ng mabilis ang kanyang puso dahil nakatingin ito sa dereksyon niya. "Cassy i love you so much.." Mangiyak ngiyak na sambit ni Kenjie Hoffman Pakiramdam niya nakatingin ito sakanya ngunit napag-isip isip niya bakit naman siya sasabihan nito ng ganoon? Kaya naman unti unti siyang lumingon sa kanyang likod. May isang magandang babae sa likuran niya ang nakatingin ngayon kay Kenjie Hoffman Nilapitan agad ito ng mga camera man at ilang reporters. Inabutan pa ng microphone ang babae. Alam ng mga reporters na ito ang ex-wife ni Kenjie Hoffman kaya naman nilapitan agad ng mga ito "Pathetic" Walang ka-ano anong sagot ng babae kay Kenjie na para bang wala itong paki-alam kung masasaktan at mapapahiya ba nito si Kenjie Pakiramdam ni Cassy siya ang nasaktan para kay Kenjie dahil tumulo ang luha nito. Damang dama niya ang hapdi at sakit na nararamdaman nito sa mga oras na iyon Hindi na siya nag isip pa. Mabilis niyang inagaw ang microphone sa magandang babae. Nagtinginan tuloy ang lahat sakanya "E-Excuse me po. Ako po yung sinasabihan ni Kenjie ng i love you. Hindi ikaw gurl. It's me! Cassy! Hi i'm cassy rin po. I'm I'm kenjie Hoffman's new girlfriend! I love you more baby Kenjie!" Sigaw niya Nanlaki naman ang mata ni Heidi sa mga pinag-gagagawa niya! The next thing she knew, Nagkikislapan na ang mga flash ng camera sa harapan niya Nakatingin si Kenjie sakanya kaya sinenyasan niya ito na huwag ng tumutol pa. Mukhang nagets naman nito ang nais niyang iparating. Oh my God for the sake of my prince charming. Kawawa naman kasi siya eh. Bwisit tong ex-wife niya makapanakit wagas! Todo smile lang siya sa harap ng camera at pakaway kaway pa siya. Sunod sunod naman ang tanong ng mga reporters sakanya. Nataranta tuloy siya sa mga tanong ng mga ito. "Isa isa lang po ang tanong mahina ang kalaban kalerkey!" Sagot niya sa mga reporters Samantalang natatawa naman ng nakakainsultong tawa ang ex-wife ni Kenjie sa likuran niya. May katabi itong gwapong lalake rin ngunit para sakanya iba ang dating ng isang Kenjie Hoffman. Napakatanga nito upang ipagpalit si Kenjie sa katabi nitong lalakeng mukhang boxingerong gwapo. "Halika na cassy lukaret ka talaga umuwi na tayo!" Hinila na siya ni Heidi palabas sa event kaya naman nakatakas siya sa makukulit na reporters Napasulyap pa siya kay Kenjie dahil nakatingin parin ito sa ex-wife nito bago ito tinulungan ng kapatid nito makababa sa stage. End of flashback.... "Jusmiyo anak bakit mo naman ginawa iyon?" "Kaya nga ako nagpaparebond kay mame dora dahil ang daming kapit bahay natin ang gusto magpa-authograph sakin mame! I'm so excited! Instant celebrity na ako mame!" Trending kasi ngayon online ang kanyang ginawa sa kasal ni Kenzo Hoffman. Balitang balita sa buong Pilipinas na siya ang bagong nobya ni Kenjie Hoffman. Halos sumabog nga ang messenger niya sa dami ng mga chats sakanya. Naibalita pa iyon sa T.V show kaninang umaga kaya naman super feeling celebrity na siya. "Baby gulo yang pinasok mo---" Sabay sabay silang napalingon sa pintuan ng salon ng tumunog ang pinto. Sabay sabay din nanlaki ang kanilang mga mata ng makita kung sino ang napakagwapong lalakeng pumasok sa salon nila!!! Natalo ng perfume nito ang chemical na amoy ng pang rebond ni mame dora! Para itong diyos ng kagwapuhan na sinasamba ng mga kababaehan! "K-Kenjie" Tinangal nito ang suot nitong itim na shades pagkapasok nito sa salon nila Halos tumulo naman ang mga laway ng kanyang dalawang mame kung hindi pa niya kinalabit ang dalawang ito hindi pa ititikom ang mga bibig. Tumingin si Kenjie sakanya "Let's talk. I'll wait for you outside" Walang gana sabi nito sakanya bago ito lumabas ng salon Wala parin nagsasalita sakanilang tatlo kahit nakalabas na ito ng salon kung hindi pa nangamoy sunog ang kanyang buhok ay hindi pa sila matatauhan! "Mame ang buhok ko sunog naaaa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD