Kenjie Hoffman

224 Words
Sa teleserye lamang napapanuod ni Cassandra ang kanyang naging kapalaran ng minsan magkaroon siya ng pagkakataon makilala ang isang sikat na modelo. Walang iba kundi si Kenjie Hoffman. Isa ito sa mga anak ng number one multi-billionaire business man sa buong Pilipinas. Lantaran itong ipinahiya ng ex-wife nito sa mismong kasal ng kapatid nito kaya naman to the rescue agad siya para sa kanyang prince charming upang isalba ito sa kahihiyan. Hindi niya akalain na doon magsisimula ang papel niya sa buhay ni Kenjie. Inalok siya nitong magpangap bilang nobya nito dahil sa kanyang ginawa nagkaroon ito ng idea kung paano nito makukuha muli ang ex-wife nito. Gusto nitong pagselosin ang ex-wife nito upang magkabalikan muli ang mga ito. Kahit sino naman siguro ang alokin nito ay talaga namang papayag! Aba para kang nanalo sa lotto! May libreng yakap at kiss pa siya. Ngunit hindi akalain ni Cassandra na sa kanyang pag payag sa kagustuhan nito ay itinaya niya ang buong puso niya. Enjoy now iyak later nga ba ang kapalaran niya? Or baka naman katulad sa mga teleseryeng napapanuod niya ay possibleng may happy ending rin sila? Lalaban ba siya kung wala siyang kalaban laban lalo na ng bumalik na talaga ang asawa nito! Paano na ang mga nangyari sakanila? Kakalimutan nalang ba nito ang bawat halik at maiinit na gabing pinagsaluhan nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD