Chapter 10

843 Words
QUEEN’S POV: CLEMENTE MANSION Dumating ang araw ng engagement party namin ni Kainer at halos ang lahat ay abala na. Umaga pa lang ay nandito na ako sa Mansyon nila dahil ang sabi ni Daddy ay magandang maaga pa lang ay pumunta na kami. Hindi ko alam kung bakit mas excited pa siya kaysa sa akin. Malamang ay nakuha talaga ni Kainer ang loob ng daddy ko. Habang abala ang lahat ay nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay si Kainer pala iyon. May dala siyang plato ng chocolates. “Hey, what are you doing?” tanong ko sa kanya ngunit sumenyas siya sa akin na wag akong maingay. Dinala niya ako sa hardin. Mayroong gazebo doon na napakaganda at inilapag niya ang plato ng chocolates sa lamesita na naroon. “Here, eat. You need a lot of energy and sweets.” “Not a fan of chocolates.” “Masarap ‘to ito yung sikat na chocolate ngayon yung pistachio bar.” “I know.” “Here, just one bite.” saad niya na pinipilit ako kaya wala na akong nagawa kundi kainin yung nilalapit niyang chocolate bar sa bibig ko. “Uhm. Hindi ka ba natatakot masira ang figure mo? matamis ito.” tanong ko sa kanya. “Tss, hindi naman ako tumataba kahit anong kain ko ng matamis. Ganito na talaga katawan ko.” paliwanag niya. “Ganon.” “Wait, you have chocolate on your lips.” saad niya ngunit nagkatinginan kaming dalawa. His stare. His scent. Damn it. Akmang hahalikan niya na ako ngunit bigla naming narinig ang bodyguard niya. “Sir Kainer! Sir! Where are you?!” Natawa na lang siya at sinenyasan ulit ako na wag kaming maingay. Kaagad niyang kinuha yung kinakain niya at nagtago kami sa may pinakasulok ng garden. “Bakit mo ba pinagtataguan yung mga tao niyo? baka mamaya importante iyon kaya ka hinahanap.” “Eh busy ako.” “Busy? saan ka busy?” “Sayo.” saad niya pa na ngumiti ng nakakaloko. “Alam mo, maloko ka talaga kahit kailan ka.” “Kilala mo naman ako ganito na ako bata pa lang tayo at saka hayaan mo sila maghanap sa akin. Ang sarap sarap ng kain ko dito eh, mga istorbo sila.” “Eh bakit sinama mo pa ako? baka hinahanap din ako ni daddy, alam mo, lagot tayo!” “Akong bahala sa tatay mo.” “Hay naku, Kainer. Sayang lang oras natin dito! halika na kasi!” “Eh ayoko! ikaw na lang kung gusto mo, iistorbohin lang nila ako doon eh saka mamaya pa yung party, madami pang oras.” saad niya habang kumakain. Napakaraming chocolate nung platito niya at wala siyang tigil sa pag-nguya. “Bakit kasi sinama mo pa ako dito?” “Bakit? Maganda naman dito ah at saka mabo-bored ka lang doon, wala ka namang gagawin papanuorin mo lang sila magprepare ng lahat.” Sabagay ay tama siya. “Saka ayaw mo ba nito? may kasama kang gwapo.” “Gwapo na ubod ng yabang?” “Aba, bakit? wala ba akong maipagyayabang?” saad niya na tumaas pa ang kilay sa akin at tila nananatya. “Hindi ko maintindihan Kainer, bakit pumili sila ng katulad ko para mapangasawa mo? hindi ba pwedeng anak ng ibang crime family? para sana same kayo ng propesyon? yung mafia din, you know, for strong partnership.” “Alam mo naisip ko din yan pero pinaliwanag kasi sa akin ni daddy na kailangan daw yung mapapangasawa ko ay may solid profile ng malinis na company as facade.” “Facade?” “Yes because I’m a mafia boss pero walang dapat makaalam ng identity ko, low profile lang tayo kaya siguro ang pinili ni dad ay hindi anak ng ibang crime family. Sa ganong paraan iisipin din ng mga circle of friends at mga kakilala mo na businessman din ako. Nage-gets mo?” “Oo, ibig sabihin gusto ng daddy mo na makapag-established ng malinis na negosyo at malayo sa mga illegal transactions ng crime family, tama?” “Yes, clever girl, pero hindi ibig sabihin non na titigil na kami sa mga illegal negotiations lalo na’t doon halos umiikot ang source of income namin.” “Pero hindi ka ba natatakot? I mean, you can be killed.” “Heh, sanay na. Tignan mo ‘to,” saad ni Kainer na itinaas ang coat at polo niya, tumambad sa akin ang malaking peklat niya sa tagiliran. “Whoa, what happened to that?!” tanong ko dahil napakalaking peklat non. “Samurai. Muntik na akong ma-chop.” saad niya na tatawa-tawa pa. “Sira ulo, masaya ka pa, huh!” “Wag kang mag-alala, masamang damo ako kaya matagal pa akong mamamatay.” saad niya sabay kindat sa akin. This is an unforgettable memory for me na hindi mapapalitan ng kahit ano man. Kainer is fun to be with too ngunit hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi dapat mahulog ang loob ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD