Chapter 11

1371 Words
SPADE'S POV: CLEMENTE MANSION Narito ako ngayon sa engagement party ni Queen at Kainer dahil inimbitahan nila akong dalawa. Nakatayo lang ako habang umiinom at tila nilalasing ang sarili ko. The truth is I like Queen. I care for her at sa tingin ko ay mahal ko na ata siya ngunit wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya. Lalo na ngayon na ikakasal na siya kay Kainer. Sa kaibigan ko pa talaga. Badtrip. Alam kong wala sa lahi namin ang torpe dahil babaero ang tatay ko ngunit hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. I can't tell her. I’m hopeless and definitely helpless. Wala akong kalaban-laban. Maya-maya ay inanyayahan na ng Emcee ang dalawa sa stage. Napakaganda ni Queen sa suot nitong kulay pulang gown at litaw na litaw ang napakagandang kurba ng kanyang katawan ng gabing iyon. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang si Kainer naman ay nakasuot ng full white na business suit. Ang lahat ng mga bisita ay matamang nakasubaybay sa kanila, maging ako ay halos matulala. Lumuhod si Kainer at inilabas na ang blue satin box na nasa bulsa niya at iniluwa non ang isang kulay asul na diamond ring. “Virginia Queen Xiu, alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayaring ito para sa mga buhay natin ngunit handa akong hamakin ang lahat. Maging akin ka lang at ngayon ay personal kong hinihingi ang iyong kamay sa lahat ng mga taong malapit sa buhay natin tanda ng paggalang, buong pagtitiwala at may labis na pagmamahal. Will you marry me?” “Oo, Kainer, pakakasalan kita.” Nang sambitin iyon ni Queen ay nagsihiyawan at palakpakan ang mga bisita. Damn it Queen, napakabilis mo namang bumigay, si Kainer lang naman yan. Tss. Animo'y parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko ng mga oras na iyon. Sobrang sakit sa dibdib. Natungga ko ang bote ng whiskey na kanina ko pa iniinom. Bakit ba nagkakaganito? wala na ba talagang pag-asang magbago ang lahat? Napagdesisyunan kong umuwi na dahil mas lalo lang akong masasaktan pag nanatili pa ako sa lugar na ito. Masyado ng nakaka-suffocate at parang hindi na ako makakahinga pa. Kinuha ko ang kotse ko sa parking lot at saka tuluyang umalis ngunit napadaan ako sa isang Casino na katabi ng Gorgeous Men Bar kung kaya't inihinto ko ang sasakyan ko at saka pumasok sa loob ngunit nang makarating ako doon ay nakita ko si Tito Samuel kasama ni Ninang Siobeh at naglalaro sila ng poker. Halos lahat ng mga manunuod ay nakatuon ang pansin sa kanilang paglalaro. Dumungaw ako at napansin naman ako ni Tito Samuel. “Oh, Spade, nandito ka pala, halika, manuod ka. Mukhang mananalo tayo ngayon, magaganda baraha ni Boss!” aniya. Nagbu-blurred na ang paningin ko ngunit pinipilit kong tignan ang mga barahang hawak ni Ninang Siobeh. “Teka, ba’t amoy alak ka? uminom ka ba?” tanong naman ni Tito Samuel. “Naaalala mo ba yung dalawa nating kaklase noon sa gradeschool? si Queen at Kainer?” “Ah, O-oo si Kainer, bakit? anong balita?” “Magpapakasal na sila ni Queen.” Nagulat naman si Tito Samuel sa sinabi ko. “Oh talaga?! congrats sa kanila kamo!” saad nito na walang ka-alam-alam. “Kaya ako lasing, galing ako doon. Ay, hindi pala ako lasing medyo nahihilo lang.” “Itulog mo yan, tsk,” Maya-maya ay narinig na namin ang malakas na hiyawan at palakpakan. “I won!” sigaw ni Ninang Siobeh na tuwang-tuwa. Napa-palakpak naman kaming dalawa ni Tito Samuel. “Wow, congrats Ninang!” Nang matapos sila sa laro ay inakay na ako ni Tito Samuel dahil mukhang naparami talaga ang inom ko. Susuray-suray na ang paglalakad ko at ramdam ko na ang bigat ng katawan ko. “Dala mo ba kotse mo?” tanong ni Tito Samuel. “Bakit lasing yan?” tanong naman ni Ninang Siobeh. “Galing sa party,” “Sige, doon mo na pahigain sa limousine tapos ikaw na ang magmaneho ng kotse niya. Ihatid natin, kawawa naman.” Gaya ng inutos ni Ninang Siobeh ay ginawa iyon ni Tito Samuel. Hays, ang tiyuhin ko, naging sunud-sunuran at alila na talaga kay Ninang Siobeh. Kawawa naman ‘to. “Hoy Spade, ihahatid lang kita sa inyo ah.” “Yes, Tita Ninang, actually, kahit hindi na pero napakabait mo naman ngayong gabi.” “Oo, pasalamat ka at good mood ako ngayon. Siya nga pala, napag-isipan mo na ba ang inaalok ko sayo?” “Parang hindi ko kaya Tita Ninang.” “Ano ka ba, kaya mo yun, gigiling ka lang at i-eentertain ang mga babae.” “Mahiyain ako eh. Nga pala, anong ginagawa ni Kainer nung isang gabi sa Bar mo at bakit siya nagpe-perform?” tanong ko dahil hindi naman ako sinagot ni Kainer noong isang gabi. “Just like Samuel. Inofferran ko rin si Kainer.” “Pero hindi ba’t pamangkin mo siya?” “Yes, he’s my nephew pero wala namang rules sa crime family na hindi niya pwedeng gawin iyon dahil kailangan niyang itago ang identity niya bilang mafia boss.” “Ahh, kaya pala.” “So, ano? payag ka na ba?” “Hindi ko pa talaga kaya Tita Ninang, pwede bang ibang trabaho na lang?” “Iba? hmm, sige, mag-iisip ako. What are your strengths?” “Well, I can gamble for you, if you want to. I’ll play and I’ll make sure that you will win.” “Hmm, parang pwede yan. Sige, subukan natin ang galing mo, pero sa ibang araw na kapag nahimasmasan ka na.” Iyon lang at hindi na ako kumibo at napatingin na lang sa bintana ng limousine. Umiikot talaga ang paningin ko. Damn it. Maya-maya ay biglang huminto ang sasakyan. “Oh, nandito na tayo! baba na! alangan akayin pa kita.” saad ni Ninang Siobeh kung kaya’t dahan-dahan akong bumangon. “Anak ng tinokwa!” rinig kong sambit ni daddy at pagtingin ko ay nasa labas pala siya at may hawak na baso ng alak. “Oh, yang unico hijo mo, naglasing, nakita ko lang kaya hinatid ko na.” paliwanag ni Ninang Siobeh kay daddy. “Salamat sa paghatid sa anak ko pero… talaga ba Siobeh? hinatid mo lang dito si Spade sa bahay?” “Oo bakit? ano pa nga ba?” “Long time no see ah, hindi mo ba ako nami-miss?” Putang ina. Ang tanda-tanda na kung makapagsalita dinaig pa ako. “Gago ka ba huh?! Wade?! ang tanda-tanda mo na mahiya ka nga! naririnig ka ng anak mo oh.” “Wala akong pakialam kung marinig niya. Come on, minsan ka lang nandito eh. Hindi mo ba nami-miss yung mga ginagawa natin noong kabataan natin?” “Tang’ ina mo talaga! bata pa tayo non Wade, mapupusok, wala na ngayon, tumatayo pa ba yan? baka hindi na nga tumitigas yan eh!” “Grabe ka naman magsalita, halika dito para malaman mo!” Hindi na ako nakatiis at napipikon na ako kaya sumigaw na ako. “Hoy! matandang hukluban! tigil-tigilan mo ang Tita Ninang ko! isusumbong talaga kita kay Mommy!” “Anong sabi mo?! kung maka-matamdang hukluban ka sa akin parang hindi ka galing sa t***d ko ah, tarantado ka!” Natatawa naman si Tita Ninang sa inasal ko. “Sige na, hinatid ko lang talaga si Spade dito. Gago ka talaga, wag mo na pagalitan ‘yang anak mo, tss!” saad ni Ninang Siobeh at saka sumakay na sa Limousine. Ipinark na rin ni Tito Samuel ang kotse ko. “Magpahinga ka. Itulog mo yan, sige na, next time na lang ulit.” saad naman ni Tito Samuel na tinapik ako sa balikat at sumakay na sa Limousine ni Ninang Siobeh. Pinagmasdan ko pa ang limousine habang tumatakbo iyon palayo. “Hoy, wag kang maingay sa nanay mo ah.” “Hinatid lang naman kasi ako kung anu-ano na pinagsasabi mo.” “Wala kang paki, sige na, umakyat ka na doon.” “Ikaw ang umakyat. Lasing ka na!” saad ko na tuluyan ng umakyat ng hagdan papasok sa aking kwarto at hinayaan ang walang hiya kong ama na mag-inom sa labas. Bahala siya kapag doon siya nakatulog, tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD