Chapter 12

1038 Words
SPADE'S POV: Nagising ako na nasa kwarto na ako at nakahiga sa sahig. Walang hiya, sobrang lasing ko kagabi ay hindi na pala ako umabot sa kama pero sino ang naghatid sa akin kagabi? ang sakit ng ulo ko. Wala akong malala, kainis naman. Pagbaba ko ay nakita ko si daddy sa sala at nanunuod ng TV. “Dad,” ani ko ngunit hindi niya ako pinapansin. “Daddy.” saad ko pa rin ngunit nanunuod lang siya, ni-hindi ako nililingon. “Daddy!” sigaw ko dahil ayaw niya akong pansinin talaga. “Ano?! daddy ka ng daddy, masakit ang ulo ko!” singhal niya na inis na inis. “Sino naghatid sa akin dito kagabi?” “Tignan mo, lalasing-lasing ka tapos wala kang maalala kinabukasan, pulpol ka talaga!” “Sabihin mo na!” saad ko habang naghihilamos. “Si Samuel saka si Siobeh.” “Ano?! si Ninang Siobeh, nagpunta rito para ihatid ako?” “Aba, malay ko kung saan ka niya nakita, lasing na lasing ka kaya ka hinatid.” “Damn it!” “Good morning mga mahal ko!” masayang bati naman ni mommy. “Good morning, Ma.” saad ko na hinalikan siya sa noo. “Siya nga pala, malapit na umuwi si Rosaline. Mag-organize tayo ng welcome home party.” “Sige, Cupcake.” saad naman ni daddy. “Ang tanda-tanda niyo na, Cupcake pa rin tawag mo kay mommy?” “Bakit ba? wala kang pakialam!” sagot sa akin ni daddy, natawa lamang si mommy. “Nag-away pa kayong mag-ama, teka, magluluto ako ng almusal.” Maya-maya ay pumunta na sa garahe si daddy upang maglinis ng kotse. Weekends ngayon kung kaya't rest day ko pero wala akong maisip na gagawin. Pinuntahan ko si daddy habang naglilinis ng kotse. “Daddy.” “Ano na naman?” “May itatanong lang ako.” “Itanong mo na, busy ako.” “Paano ka nakakakuha ng maraming babae noon?” “Putang ‘ina, bakit mo tinatanong?! baka mamaya tumitira ka ng pokpok ah! wag kang titikim ng pokpok. Dirty bitches ang mga iyon!” “Hindi, pero paano nga kasi?” “Eh malamang gwapo ako saka madami akong kilala kaya nakakakuha ako ng chickababes.” “Ganon? eh paano ka nga dumidiskarte?” “Alam mo Spade, pagdating sa babae, you should be charming, gentle and a little bit free spirited. You know, give her gifts. Sabihin mo ang bagay na gusto niyang marinig gaya ng kung gaano siya ka-ganda. Ang mga babae, mababaw lang kaligayahan ng mga yan, just treat them nice and right and always put them first over other things.” “Ganon? okay.” “You know, your mom and I, palagi namin sinisigurado na may time din kami para sa isa’t-isa. Hindi ako naging mabuting boyfriend sa kanya noon. Never ako naging loyal, alam niya yan, magkasama kami pero sa ibang babae ako nakatingin kaya nung pinakasalan ko siya, bumawi ako ng matindi at saka nung mga panahon na lumalaki kayo ng kapatid mo mas lalo ko siyang minahal kasi kitang-kita ko yung pagmamahal at sakripisyo niya sa inyo.” “Alam ko naman iyon, Dad.” “ Bakit mo nga kasi tinatanong? may nagugustuhan ka ba?” “Wala!” saad ko at saka pumasok na sa loob. Napaka-boring ng araw na iyon dahil wala akong maisip na gawin. Literal na pahinga lang dahil ayoko muna ng trabaho. Maya-maya ay nasa kusina si mommy at daddy kung kaya’t naisipan kong pumunta din doon. Nagluluto si mommy ng dinner habang si daddy naman ay tumutulong sa pagbugas ng plato. “Ma, hindi ka maniniwala kung sino lang naman ang bagong investor natin sa Suarez Suites.” “Bakit? Sino ba?” “Si Alexander Romualdez lang naman, yung dati mong manliligaw.” Biglang nagpantig naman ang tainga ni daddy sa narinig. Lumapit siya sa akin na nakabusangot ang mukha. “Hoy! Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” “Yes, Dad, siya yung ka-meeting ko nung isang araw at nakapag contract signing na kami.” “Ano?! Ibalik mo ang investment ng walang hiyang ‘yan! Hindi natin kailangan ng pera niya!” “Wade, relax! Ano ka ba naman, ang tagal-tagal na non! Binasted ko nga iyon dahil sayo eh!” saway naman ni mommy kay daddy. “Kahit na! Baka mamaya nag-invest lang iyon dahil gusto ka ulit makita, wag kang lalabas ng bahay, dito ka lang!” “Ay grabe! Napaka-possessive mo naman!” “Talaga ba? Ayaw mo ng pera, Dad? Baka magulat ka kapag nalaman mo ang halaga ng investment ni Mr. Romualdez sa kumpanya.” pang- aasar ko pa kay daddy. “Bakit? Magkano?” “2.3 Bilyon lang naman.” “Ano kamo?! Ganon ka-laki?!” “Ano? Iurong ko na ba investment nila? Madali naman akong kausap.” saad ko na tatawa-tawa. “Iyon naman pala eh! Hayaan mo na, daddy, sayo lang naman ako eh, promise na promise.” “Hay naku, Rosenda, sa ganda mong ‘yan, hindi pa rin ako kampante!” “Ang baduy ninyong dalawa, dyan na nga kayo!” singhal ko sa kanila at saka umalis. Itinago ko na lang ang inggit ko sa mga magulang ko. Hays, mabuti pa sila ay nabu ubuhay ng tahimik, masaya at puno ng pagmamahal. Ang sabi nila ay minsan mo lang mahahanap ang taong itinadhana para sayo pero paano ba iyon hahanapin at paano ba iyon makikita? Pumunta ako sa treehouse upang maglinis ng konti doon. Sariwa pa rin sa aking ala-ala ng nakaraan namin dito ni Queen. Madalas namin itong tambayan noon pati na rin ng kapatid kong si Rosaline. Naging masaya ang pagkabata ko ngunit ngayon ay tumatanda na kami at nagkakaroon ng ibat-ibang reponsibilidad. Ikakasal na si Queen kay Kainer habang ako ay wala pa ring matinong plano sa buhay. Ang iba naming kaklase ay nagkaroon na ng sari-sariling negosyo at hanapbuhay. Ang iba ay nagka-pamilya na. Ang iba naman ay unti-unti na tinutupad ang kani-kanilang mga pangarap at pakiramdam ko ay napag-iiwanan na ako. I feel like I’m just an heir to my father's legacy. Siya ang naghirap sa lahat at ako lamang ang magtutuloy nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD