QUEEN’S POV:
CLEMENTE MANSION
Pagka-park ko ng kotse ko ay kaagad na naka-abang si Mr. Clemente sa akin kung kaya't mabilis na akong lumabas ng kotse at kinuha ang mga dokumentong pinapahatid ni daddy. Ang nilalaman non ay mga proposals para sa mga upcoming projects ng mga Clemente at Xiu.
“Magandang araw ho, Mr. Clemente.” bati ko sa kanya.
“Queen, Darling, I told you to call me papa, right?”
“I'm sorry, I forgot, pa-papa.” iyon na lang ang nasabi ko na para bang nauutal pa dahil naiilang pa ako.
“Come on, we can talk about this in the living room.”
“Uhm, si Kainer po?” tanong ko dahil wala siya dito.
“Ah, may inaasikaso lang, you know, some mob works.”
“Uhm, Papa, may itatanong lang ako.”
“Ano iyon?”
“Hindi ho ba delikado yung mga ginagawa ni Kainer? I mean he can be killed.”
“Wag kang mag-alala, sanay na sanay na iyon. Bata pa lang ay pinasok ko na siya sa army. He was sixteen back then nung sinimulan ko siyang sanayin kaya tignan mo ang tigas ng bungo.”
“Yes, he is so capable and competitive.”
“So, don't worry about him, pero siguro ang magiging problema niyo lang ay oras pero kung madadaan niyo sa maayos na usapan ay magiging ayos lang ang lahat.”
“Oras?”
“Queen, Hija, doing mob works can be very dangerous and busy all the time. Alam mo naman yan, hindi ba? your Uncle, Mr. Rodney Xiu is a mafia right?”
“Yes po, pero malayo po kami sa kanila. I mean, hindi ko po sila nakakasalamuha palagi.”
“Mukhang nag work-out naman ang pagsasama nila ng asawa niya dahil hanggang ngayon eh, magkasama pa rin sila.”
“Uncle Rodney said that his wife is his soulmate, nakakainggit nga po eh. Hindi ko akalain na sa kabila ng wild and dark side nila ay ganon sila kung magmahal.”
“Hindi naman din talaga masama ang anak ko, Queen, delikado lang ang ginagawa niya pero may puso pa rin naman siya kaya wag kang mag-alala.”
“Papa, may tanong pa ako ulit pero masyadong personal.”
“Sige lang, ano ba iyon? wag kang mahihiya, pamilya na rin naman ang turing ko sayo.”
“Nasaan po ba ang mommy ni Kainer?”
“Sadly, it didn't work out quite well with me and Eris. Mahal na mahal ko siya pero pinalaya ko siya dahil napagod siya, naubos siya. Nahirapan siyang mahalin ako dahil nasasaktan ko siya ng paulit-ulit. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya nasira ang pamilya namin. Hindi niya gustong umalis pero… pinalaya ko siya dahil mahal ko siya. Nakiusap lang ako na wag niyang kunin sa akin si Kainer kaya hanggang ngayon ay nasa poder ko ang anak ko.”
Nahabag ang kalooban ko sa ikinuwento sa akin ni Mr. Clemente.
“Ako yung naging sira-ulo at gago. Wala namang ibang ginawa yung asawa ko kundi mahalin lang ako at tiisin yung mga ginagawa kong kalokohan pero pinalaya ko siya dahil mas doble yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko pero wag kang mag-alala. Hindi ko pinalaking katulad ko si Kainer, magkaibang-magkaiba kami ng ugali kaya makasisigurado ka na magiging maayos ang pagsasama niyo.”
Nang matapos ang usapan namin ni Mr. Clemente ay nagpaalam na ako at akmang lalabas na ng mansyon ngunit nagulat ako ng makita ko si Kainer na nakatayo sa pintuan at nakatingin sa akin.
“You're here. Come and take a walk with me.” saad niya sa akin na ginawa ko naman.
Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami naglakad-lakad sa napakalawak na hardin nila.
“Anong pinag-usapan niyo ng matandang iyon?” tanong niya sa akin.
“Kakarating ko lang din halos dito, hinatid ko yung mga documents na pinapabigay ni daddy para mapirmahan na kaagad ng daddy mo.”
“Ah ganon ba.”
“Oo.”
“Naghatid ka lang ng papeles pero bakit parang ang tagal niyo mag-usap? kanina pa ako sa labas eh.”
“Ah-eh- nagkwento pa kasi yung daddy mo eh.”
“Tungkol saan?”
“About your mom.”
“About my family's s**t? talaga yung matandang iyon, walang pinipili. Tss.”
“No Kainer, please don't get mad. Ako ang nagtanong kaya wag kang magalit sa daddy mo pero naiintindihan ko na ngayon kung bakit masama ang loob mo sa kanya.”
“No. Queen, you didn't understand because your mom died giving birth to you but my mom? she chose to leave me! and the worst part of it was she’s alive pero kahit isang araw man lang, hindi niya ako pinagbigyan, hindi niya ako sinamahan, wala siyang oras para sa akin, ni-hindi niya ako kinikilalang anak!” singhal sa akin ni Kainer na sumabog na sa inis.
“Please Kainer, wag kang magalit. Hindi totoo yan. Inamin naman sa akin ng daddy mo na siya ang may kasalanan eh kaya wag kang magalit sa mommy mo.”
“Bakit?! sino ka para sabihan ako na wag magalit sa nanay ko?! Bakit ka ba nakikialam?! Congratulations Queen, now you know that my father is a monster! tang’ inang buhay ‘to!”
“Kainer, wait! it doesn't matter, I’m here. Kakampi mo ako.”
“Can you just leave? Iwan mo muna ako, gusto kong mapag-isa.”
“I'm sorry.”
“Fine, just leave for now, baka mag-away lang tayo ng malala eh. Ayoko ng ganon. I’ll make it up to you, I just need some time alone.”
“Okay, if that's what you want.” saad ko at saka umalis.
I'm so upset pero hindi dahil kay Kainer kundi dahil sa sarili ko kung kaya't dumiretso ako sa isang Bar.
FUSION PARADISE BAR
Nasa counter ako ngayon habang nasa harap ko ang bartender na ginagawa ang drinks ko.
Sa tingin ko ay kailangan kong magpakalasing ng gabing iyon dahil sa sama ng loob.
Damn it. Queen. Bakit kasi tinanong mo pa ang nangyari sa pamilya nila? Nagalit pa tuloy si Kainer. That's very wrong. A very wrong move, girl. Dapat nanatili ka na lang tahimik pero dahil na-curious ka ay inungkat mo pa.
At ngayon ay galit sayo si Kainer. Ano na ngayon ang gagawin mo?
“Here's your martini, Ma'am, enjoy.” saad ng bartender kung kaya't kinuha ko iyon at ininom kaagad ngunit nagtataka ako dahil isang baso pa lang iyon pero hilong hilo na ako.
Nagbu-blurred na ang paningin ko at tila nanghihina na ako. Anong nangyayari?
Sinubukan kong tumayo ngunit na-a-out of balance ako. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.