Chapter 14

867 Words
SPADE'S POV: FUSION PARADISE BAR It was 11 in the evening. Naisipan kong pumunta sa Bar dahil hindi ako makatulog. Wala akong ginawa maghapon sa bahay namin kundi asarin yung mga magulang ko eh kaya mag-u-unwind na muna ako ngayon. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang mga patay sinding ilaw pati na rin ang nakakalasing na music. Kaagad akong naglakad mula sa kumpulan ng mga taong nagsasayaw sa dance floor ngunit habang papunta ako sa bar counter ay naaninag ko ang isang babaeng parang nahihilo. Teka! parang kilala ko iyon. Naningkit ang mga mata ko at pilit sinisilip mula sa patay sinding ilaw ang babaeng nakikita ko. Si Queen ba iyon? Hindi ko makita ngunit may lumapit bigla na lalaki kung kaya't lumapit na rin ako at pagtingin ko nga ay si Queen. “Hey! that's my girl, she's with me.” saad ko sa lalaki dahil inaalalayan niya na tumayo si Queen. “Sorry, Bro.” saad naman ng lalaki at saka umalis. Inalalayan ko naman si Queen at saka kami lumabas ng Bar. Mabuti na lamang ay nakasalubong ko si kuya Michael. Manager na siya dito ngayon na dating bartender lang. “Kuya Michael!” “Oh, Spade, napadaan ka dito?” “Eh ito kasing si Queen, lasing na lasing na ata. Pwede pa-iwan yung kotse niya dito? balikan ko bukas.” “Sige, naka-park naman ng maayos, nakita ko kanina.” “Sige, salamat, pasensya na.” iyon lang at saka ko inilabas si Queen sa Bar. “Where are you taking me? let go of me, Kainer!” saad sa akin ni Queen na pinapalo ang aking dibdib. Nakahawak kasi ako sa bewang niya habang inilalabas siya. “I'm not your f****d up fiance, Queen! ano ba kasing nangyari at naglalasing ka mag-isa?!” saad ko na ipinasok siya sa backseat ng kotse ko upang makahiga siya. “Ang init init sobra, ang init.” reklamo niya. Hindi naman ako mapakali sa sinasabi niya dahil nakita kong nagtatanggal na siya ng sapatos niya. Maya-maya ay binuksan niya naman ang zipper ng suot niyang fitted dress. Napakagat labi ako dahil nakita ko ang malusog niyang dibdib na lumuwa sa binuksan niyang zipper. “Teka lang, sandali! wag kang maghubad dito!” “Eh, ang init, eh.” “What happened to you?!” “Nag- iinom lang ako and then suddenly I felt so hot and… tipsy. My head is spinning.” “Damn it. Mukhang hinaluan ng aphrodisiac yung inumin mo!” Habang nagda-drive ay natanaw ko na ang Gentleman Hotel kung kaya't mabilis akong nag-park doon. Binuhat ko si Queen pa-bridal style at saka pumasok sa loob. Dumiretso ako sa frontdesk. “Pahinging isang kwarto.” “VIP po ba Sir Spade or Deluxe?” “Kahit ano! bilis!” saad ko dahil nabibigatan na ako kay Queen. Nang maabot sa akin ang keycard ay nagmadali na akong pumunta sa elevator. Pahirapan pa dahil hindi ko maabot yung floor na gusto kong puntahan hays! bwisit! maglalagay na nga ako ng attendant dito! “Sir kailangan niyo ho ba ng tulong?” narinig ko ang isang staff ko at pagtingin ko ay si Dennis pala iyon at nasa likod namin siya. “Anak ng tinokwa, Densyo! nandyan ka pala kanina pa! bakit hindi ka nagsasalita?!” “Eh hindi niyo naman ako tinatanong Sir eh.” “Pindutin mo nga yung 5th floor.” utos ko na sinunod niya naman. “Ang init sobra!” reklamo pa ni Queen kahit na nakapulupot ang braso niya sa leeg ko at nakapikit. “Sir, mukhang may laban tayo ngayon ah.” “Gago! si Queen ‘to, kababata ko.” “Kahit na, babae yan oh, sige ka Sir, sayang.” “Manyakol! pagbaba mo nga pakisabihan yung mga staff doon na magluto ng pagkain dalhin sa kwarto ko kamo.” “Sige po, Sir.” “Brandy pala, isang bote rin saka maraming yelo ah.” “Opo.” Nang magbukas ang pinto ng elevator ay kaagad na kaming lumabas ni Queen at dinala ko na siya sa kwarto na kinuha ko. Diniretso ko siya sa kama ngunit gumapang siya papasok ng bathroom. “Queen! ano ba! wag kang malikot! baka madulas ka dyan!” pag aawat ko sa kanya ngunit nakarating na siya sa jacuzzi at doon ay sumampa. “Ang init init!” reklamo niya na hindi mapakali kung kaya't binuksan ko yung tubig sa may jacuzzi ngunit nauuntog-untog yung ulo niya sa may pader na naroon kung kaya't hinubad ko ang sapatos ko at saka sumampa doon at niyakap siya. Inilagay ko ang ulo niya sa balikat ko upang hindi na siya mauntog. “There, you're okay now.” “Kainer, is that you? I’m sorry, I didn't mean it.” Anong ginawa mo, Queen? bakit ka nagso-sorry kay Kainer? may kasalanan ka ba sa kanya? “I guess I’m not the only one who has a f****d up life too.” saad niya na natawa. Pinagmasdan ko lang ang maganda niyang mukha ng gabing iyon ngunit nagulat ako ng idampi niya ang mga labi niya sa akin. Damn it! paano ba ‘to iiwasan? ang hirap hirap naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD