SPADE'S POV:
“I want you.” saad ni Queen sa akin na pilit akong hinahalikan sa leeg.
“Queen, I’m not Kainer.” saad ko ngunit parang hindi niya ako naririnig at nagpatuloy lang sa pagyapos sa akin.
Maya-maya ay tinatanggal niya na ang butones ng suot kong kulay puting polo.
Nag-iinit na rin ang buong katawan ko dahil sa ginagawa niya.
“Kiss me…” saad niya, hindi ko iyon ginawa ngunit kinuha niya ang panga ko at hinalikan ako. It was a damn torrid kiss.
No, Spade! She's drugged and drunk! hindi ka pwedeng maging gago ngayon.
“Just kiss me…” saad pa ni Queen sa akin. Inilalabas niya na ang dila niya habang naghahalikan kami and I can't control myself. She's so damn hot.
Okay, just a kiss Spade. Just a kiss.
Hinaplos ko ang pisngi niya at saka sinunggaban siya ng halik, tinugon niya naman iyon at dumagan sa akin.
Damn it. Nasasabunutan ko na siya sa sobrang sensasyong nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang p********e niya sa kandungan ko.
I can't do this. Not to Queen. Isa siya sa mga babaeng ginagalang ko. Hinatak ko ang towel na nasa gilid at saka ko siya binuhat at ipinulupot sa kanya ang towel.
Dinala ko siya sa kama at nakatulog naman siya kaagad kung kaya't hindi na ako nag-alala pa.
Hay salamat! Nag shower ako at nagpa dry-clean. Ibinili ko na rin si Queen ng damit niya para naman may masuot siya bukas pag-gising niya ngunit dinalaw na ako ng antok at hindi ko na kayang tumayo dahil nakaupo na ako sa sofa kung kaya't nag-alarm na lang ako ng 5 a.m. para makauwi ako bago magising si Queen.
Ayokong malaman niya na ako ang nagdala sa kanya dito sa Hotel.
Nang tumunog naman ang alarm ko ay kaagad na akong nag-ayos at saka umalis.
Pagbaba ko sa lobby ay sinabihan ko sila na wag na wag sasabihin kay Queen na ako ang nagdala sa kanya dito sa Hotel. Binayaran ko na rin ang pag-stay niya doon para kapag lumabas siya ay wala na siyang po-problemahin pa at magdadahilan na lang ang mga staff ko sa kanya kapag nagtanong pa ng nagtanong.
QUEEN’S POV:
Nagising akong walang alam sa nangyari kagabi ngunit nagulat ako ng malaman ko kung nasaan ako. Nasa Gentleman Hotel pala ako ngayon ngunit ako lamang mag-isa.
Nakakita ako ng dress sa center table kung kaya't naligo ako at kaagad na nagbihis. Chineck ko ang aking sarili at mukhang okay naman ako pero napahawak ako sa aking labi na para bang may humalik doon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang labi ng kung sinong lapastangang humalik sa akin kagabi. I’m still a virgin at kung si Kainer man ang kahalikan ko kagabi ay nakuha niya na ang first kiss ko.
Posible kayang si Kainer iyon? pero kung siya iyon at nakipagbati na siya sa akin ay bakit niya naman ako iiwan dito mag-isa kung siya ang nagdala sa akin dito kagabi? Siguro ay masama pa rin ang loob niya tungkol sa nangyaring sagutan namin pero hindi fair iyon na iiwan niya na lang ako basta-basta mag isa dito. Hays.
Nang makababa ako sa lobby ay dumiretso kaagad ako sa front desk.
“How much yung room?” tanong ko sa mga staff na naroon.
“Ay, Ma’am bayad na ho at saka may promo po kasi kami ngayon kaya wala na po kayong babayaran.”
“Ah ganon ba, so, I’m free to go?” tanong ko.
“Yes Ma’am, thank you po!”
Weird. Bayad na daw.
Ipinagsa-walang bahala ko na lamang iyon at saka lumabas ngunit bigla kong naalala ang kotse ko. Damn it!
Kaagad kong hinalungkat ang bag ko at nakita ko ang susi ko kung kaya't para akong nabunutan ng tinik.
Pumara ako ng taxi at saka pumunta sa Fusion Paradise Bar at doon ay nakita ko nga agad ang kotse ko kung kaya't kinuha ko na iyon at saka nagmaneho.
XIU CORP.
Itinuring kong ordinaryong araw ang araw na iyon kahit pa naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. May business suit naman ako sa opisina ko kung kaya't doon na ako nagbihis at bagama't masakit na masakit pa rin ang ulo ko ay pinilit ko pa ring magtrabaho. Damn it! Mukhang naparami ang inom ko kagabi.
Nagpabili ako ng hangover pills at yelo sa secretary kong si Daphne at nag cold compress ako.
Hindi ako mapakali nung araw na iyon kung kaya't pa-tayo-tayo ako sa upuan ang pagmamasdan ang magandang view at ang sikat ng araw sa labas mula sa whole glass mirror ng aking opisina.
Gusto ko namang magtrabaho pero parang hinihila pa rin ni Satanas ang kaluluwa ko sa impyerno dahil sa nangyari kagabi.
Maya-maya ay nag ring naman ang cellphone ko at pagtingin ko ay si daddy ang tumatawag kung kaya't sinagot ko iyon.
“Hello, Dad?”
“Nasaan ka?”
Shit. Anong sasabihin ko?
“Nandito na sa office po.”
“Where were you last night, Darling? hindi ka raw umuwi?”
“Sorry Dad, nag overtime kasi ako dito sa office dahil tinapos ko yung outline nung project mo sa Manila eh… dito na ako nakatulog eh.”
“Hija naman. Don't overwork yourself. Magpapakasal ka na, dapat iyon ang iniintindi mo ngayon. Wag puro trabaho.”
“Opo Dad, pasensya na po.”
“Go home as soon as you can, wag kang mag overtime ngayon, may dinner tayo with the Clemente's again mamaya.”
“Okay.”
“Okay, ingat ka dyan, bye.”
“Bye Dad, see you later.”
Iyon lang at pinatay ko na ang tawag at saka isinandal ang ulo ko sa desk dahil pakiramdam ko ay lasing pa ako.
Itinabi ko muna ang mga papeles na kailangan kong pirmahan at saka kumuha ng U-shaped pillow at doon ay isinandal ko ang ulo ko at pumikit.
Dinner na naman mamaya. Ano kayang mangyayari sa amin ni Kainer nito.