Chapter 16

1225 Words
SPADE’S POV: Nagising ako sa tunog ng cellphone ko na nagri-ring at pagtingin ko ay si Kainer pala ang tumatawag kung kaya't sinagot ko kaagad. “Hey Bro, where are you?” “Bahay, bakit?” “Tara dito samin, sa shooting range.” “Anong gagawin?” “Malamang, ano pa nga ba.” “Sige, bihis lang ako.” Pagtingin ko sa relo ay nanlaki ang mata ko dahil alas sais na ng gabi. Maghapon akong tulog simula nung umuwi ako kaninang 5 a.m. galing Gentleman Hotel. Nasapo ko ang noo ko at kaagad na bumangon at naligo. Naanghangan pa ako sa toothpaste pagka-toothbrush ko dahil naparami ako ng lagay. Habang nagto-toothbrush ako ay muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Queen’s kiss. The way she moves her body to me. That lips so soft. Damn it. Mukhang hindi na ata maaalis sa sistema ko ang halik na iyon. Nang makapagbihis ako ay kaagad na akong bumaba at naabutan ko si mommy sa sala na may kausap sa phone ngunit nakita niya kung kaya't sinenyasan niya ako na wag muna ako umalis. Maya-maya ay ibinaba niya na ang phone at saka lumapit sa akin. “Saan ka pupunta, Anak? mukhang bihis na bihis ka ah, hindi ka daw pumasok kanina? kakauwi ko lang kasi galing boutique shop eh.” “Ah, masama kasi pakiramdam ko kanina Ma eh, pero ngayon okay na.” “Ah ganon ba,” saad ni mommy na hinipo ang noo ko para siguro tignan kung may lagnat ako ngunit napansin niya na may kung ano ako sa leeg. “Ano yan, Anak nasa leeg mo? namumula.” Napakunot naman ako ng noo at saka pumunta sa salamin at pagtingin ko ay nakita ko nga na may kissmark ako sa leeg. Damn it, Queen. “Hmm, ikaw Spade ah, mukhang nag inom ka na naman kagabi.” “Hindi Ma, may lamok kasi kanina sa leeg ko, pinatay ko kaya namumula.” “Kagat ng lamok pero ganyan ang hitsura? hay naku bata ka, papunta ka pa lang pabalik na ako.” “Ma, lamok lang talaga ito.” “Alam ko na yan, wag ka na magpanggap. Spade Anak, wala namang problema eh, at saka s*x is a man’s nature, basta use protection lang. Marami doon sa drawer ng daddy mo, pwede ka naman kumuha eh.” “Ma, hindi nga po ako nakipag-sex.” “Aysus! nahihiya pang aminin. Oh siya, sige na, mag-ingat ka kung saan ka man pupunta.” saad ni Mommy na nang-aasar pa sa akin. “Kay Kainer lang Ma, nag-aya yung loko eh,” “Sige lang. Use protection!” saad niya pa na tatawa-tawa, napa-iling na lang ako at saka umalis na. CLEMENTE MANSION- UNDERGROUND SHOOTING RANGE “Ano bang pumasok sa isip mo at bigla kang nag-aya dito?” tanong ko. “Wala lang,” “May problema ka, ano?” Ngumiti siya sa akin habang ikinakasa ang isang baril sabay sabing “Lagi namang meron.” “What is it this time, Bro?” “Babae, Pare.” “Sino? si Queen ba?” “Iyon na nga ang masaklap, isa na doon si Queen.” “Tss, ano na naman?” “May baliw na babaeng umaaligid sa akin eh nai-kama ko lang naman ng isang gabi.” “Ang lakas ng tama sayo. Baka naman binembang mo ng matindi.” Natawa naman si Kainer habang patuloy sa pagbaril. Sanay na siya kung kaya't hindi na siya naka-headphones. “Ganon naman ako sa lahat ng babae, syempre para hindi ako makalimutan pero ang isang iyon, matindi.” “Ah, talaga?” “Pero titigil din iyon, alam niya naman na engaged na ako eh.” “How about Queen?” “Eh yung magaling kong ama, kinuwento kay Queen yung tungkol sa nanay ko. Alam mo naman na ayokong topic iyon diba? mas lalo niya lang pinapalala yung sitwasyon.” “Bro, hindi mo naman maiiwasan iyon eh, Queen will soon be your wife and she will be part of your family kaya dapat lang na malaman niya.” “Ewan ko, gulong-gulo na ako. Ayoko lang talaga nababanggit ang topic na yan dahil masyadong bato ang puso ng nanay ko. Alam mo, buti ka pa, buo ang pamilya mo at mahal ka ng magulang mo.” “Wag mong ikumpara ang buhay mo sa buhay ko kasi sigurado naman ako mahal ka ng magulang mo kaya ka nga ipapakasal ng tatay mo sa maayos na babae.” “Yang mga babae na yan, pahirap sa buhay. Ayokong masira ang mga plano ko dahil lang sa putang inang mga babae na yan.” saad niya at saka kumasa. Kinalabit niya ang gatilyo at tinamaan niya ang target. Kaya pala nag-inom si Queen dahil nag-away sila ni Kainer pero itong gago na ‘to hindi alam na na-droga si Queen kagabi. Tsk. Pasalamat na lang talaga at nakita ko si Queen at nailigtas ko siya hays. “May dinner kami mamayang 8 p.m. dito sa bahay, pwede mo kaming saluhan kung gusto mo.” “Ah, hindi na, kailangan rin kasi ako ni Daddy sa Hotel eh.” “Ah sige, kumuha ka na ng baril mo. Mag-practice tayo.” saad niya na ginawa ko naman. “Nga pala, kamusta yung trabaho mo doon sa Gorgeous Men Bar?” “Ah yung kay Tita Siobeh ba?” “Oo.” “Part-time lang naman iyon, ginagawa ko lang pag nasa mood ako.” “Ah ganon ba, akala ko regular ka na nagtatrabaho doon eh.” “Hindi kaya ng schedule ko lalo na may mga illegal transactions na kailangan kong daluhan. Minsan nga pumupunta pa ko sa ibang bansa eh, katulad nung nakaraan kakauwi ko lang galing Beijing diba?” “Hirap naman kasi ng trabaho mo.” “Wala eh, andyan ang pera at kailangan natin ng pera kaya wala tayong magagawa.” “Inalok ako ni Ninang Siobeh ng trabaho eh, part-time lang din.” “Ah, talaga? Anong part-time?” tanong niya. Naalala ko kasi bigla ang usapan namin nung nakaraang gabi. Ewan ko ba kapag tungkol sa sugal ay ang bilis kong maka-alala. “Sa Casino niyo.” “Shareholder siya doon, anong kailangan niya sayo?” “She wants me to play for her.” “At pumayag ka naman?” “Hindi pa.” “Bro, I know you, kaya mo yan, magaling ka sa baraha eh.” “Titignan ko pa, nagagalit kasi sa akin si dad eh.” “Iyon lang,” “Tingin mo kaya ko?” “Oo naman siguro ang gawin mo na lang, i-sikreto mo kung gusto mo talaga.” “Balak ko nga rin kasi magtayo ng sarili kong Bar and Casino. Sinabi ko na iyon kay Dad pero mas priority kasi namin ngayon ang Gentleman Suites at yung Hotel.” “Kaya mo yan, focusan mo lang.” “Unti-unti lang, ayoko naman kasi sumunod sa yapak ni Daddy na wala akong napapatunayan sa kanya kaya gusto kong subukan mag-negosyo ng sarili ko.” “Tama yan, ganon rin naman ako eh, basta galingan na lang natin.” “Ano pa nga ba,” saad ko at saka kumasa at kinalabit ang gatilyo. Pinakawalan ko ang bala na siyang tumama naman sa target.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD