QUEEN’S POV:
Dito gaganapin sa Mansyon ng mga Xiu ang dinner namin ngayon kung kaya't abala sila sa pag-aayos.
Nagbihis na rin ako at nakaupo lang kami ni daddy sa sala habang naghihintay ngunit naunang dumating si Mr. Clemente.
“Oh, nasaan si Kainer?” tanong ni daddy.
“Ah, may inaasikaso pa.” ani nito.
“I think we should start the dinner, humabol na lamang siya.” saad ni daddy at saka iginiya kami sa hapag kainan.
Habang pinag-uusapan nila ang magaganap na kasal ay para akong bingi at wala sa sarili.
Parang may hang-over pa rin ako sa nangyari noong nakaraang gabi at hindi ako makapag-isip ng matino. Pilit kong inaalala kung paano ako napunta sa Gentleman Hotel.
Sandaling naantala ang pag-iisip ko ng biglang dumating si Kainer. Duguan ang balikat nito na kaagad na inilapag ang isang duguang baril sa lamesa kung kaya't napatayo kaming tatlo.
“Oh, anong nangyari sayo?!” tanong ni Mr. Clemente.
“Yung operation doon sa talyer, pulis pala yung nakikipag transact, putang ina!” saad ni Kainer na halatang nasasaktan dahil sa kanyang pang ngiwi.
Inalalayan ko siya at umupo kami sa sala. Kaagad kong kinuha ang first aid kit sa may kusina at mabilis na bumalik doon.
Hinubad ko ang suot niyang coat ngunit para bang ayaw niya na tinutulungan ko siya. Hinubad niya naman ang suot niyang puting polo.
Kumuha na ako ng bulak at alcohol at inilagay ko sa sugat niya.
“Aray! kung makagadgad ka naman ng alcohol, masakit!” angil niya na naka-ngiwi pa rin.
“Sorry, sorry!” saad ko dahil natataranta ako sa kanya.
Kinagat niya ang coat niya dahil nakabaon pa sa braso niya ang maliit na bala ng baril. Hindi ko alam kung anong gagawin niya ngunit hinugot niya bigla ang bala mula sa kanyang braso at nalaglag iyon sa sahig.
Nang matanggal ang bala ay saka ko ginamot ang sugat niya. Napatingin naman kami kila daddy ngunit biglang nawala ang mga ito at siguro ay may pinag-usapan ang dalawa.
“Okay ka na ba?” tanong ko kay Kainer.
“Galos lang yan.” saad niya.
“Anong galos? namumutla ka na nga.”
“I'm fine, okay? at saka wala naman sila daddy, hindi mo na kailangang magpanggap na concern ka.”
“I am concern, Kainer!”
“Really?”
“Ganyan na nga ang nangyari sayo hindi pa ako magiging concern?”
“I'm sorry about what happened last night. Alam kong hindi ako nakapag-ingat sa mga sinabi ko.”
“Okay lang.”
“Look, I really mean it, I’m sorry. Ayoko lang talaga pag-usapan ang bagay na iyon tungkol sa nanay ko pero hindi ko dapat pinaalala sayo na namatay ang nanay mo sa panganganak sayo.”
“I’m fine at saka… matagal na iyon, kahit naman namatay ang nanay ko masuwerte pa rin ako dahil maraming nagmamahal sa akin.”
“You deserve to love and to be loved, Queen. Unlike me. I’m sorry that you have to marry me just to fulfill my father's wish. Wag kang mag-alala, pag natapos ang lahat ng ito ay papalayain na kita.”
Kainer was sincere this time, tinignan niya ako ng malamlam sa aking mga mata at hinaplos ang aking pisngi. Lumapit pa ako sa kanya at inabot niya naman ang aking labi at inangkin iyon.
I was trying to recognize his kiss ngunit iba, parang may mali. Napadilat bigla ang aking mga mata habang hinahalikan ko siya. Hindi siya ang kahalikan ko nung gabing iyon sa Gentleman Hotel.
Pilit ko ng tinatanggal ang aking labi sa kanya ngunit ayaw niya, bagkus ay mas nilaliman niya pa ang paghalik sa akin ngunit kahit gaano pa kalalim iyon ay hindi ko natatandaan ang halik na iyon. Damn it. Sino ang kasama ko nung gabing iyon sa Hotel?
“Are you alright?”
“Yeah, I’m fine.”
“Something's bothering you.”
“Ah, wala, wala, wag mong intindihin iyon. Uhm… buti pa magpahinga ka para gumaling ang sugat mo.”
“I’ll guess I’ll see you some other time.”
“Yeah, sure, pwede ka namang dumaan sa office ko anytime, papapasukin ka na nila, alam na kasi ng lahat na fiance kita.”
“Thank you, Queen.”
“You’re welcome.” saad ko na napayuko na lang.
“Alright kids, mukhang sa ibang araw na lang natin ituloy ang dinner. Nakapag-usap naman na kami ni Harold.” saad ni Mr. Clemente.
“Okay, let's go home, dad.” saad ni Kainer at saka dahan-dahang tumayo. Inalalayan ko naman siya hanggang sa makalabas kami ng gate.
Nang makapasok na sa kotse si Kainer ay hinawakan niya ang kamay ko.
“Pag may problema, tawag ka lang, pupuntahan kaagad kita.”
“Sige.”
Iyon lang at sinara na ni Kainer ang pinto ng kotse at saka sila umalis.
Napahaplos ako sa aking labi. That kiss was different at hanggang ngayon ay nagugulat ako sa mga nangyayari.
Kung hindi si Kainer ay sino ang kasama ko ng gabing iyon?