QUEEN'S POV:
Naiwan naman kami ni Dad sa sala. Nakaupo siya at tila nakatingin sa huling litratong meron siya ng aking inang si Carmela.
“Daddy, mahal na mahal mo si mommy, ano?”
“Yes but it ended too quickly. Hindi ko man lang nalaman agad na buntis siya sayo.”
Nilapitan ko so Daddy at saka umupo sa tabi niya at yumakap.
“Nangarap din naman ako na makasama siya sa hirap at ginhawa ang kaso nga lang ay maaga na siyang kinuha sa atin but I’m always thankful that you're here with me.” saad niya sabay hawak sa aking kamay.
“It must have been so hard for you. I’m thankful too, Dad.”
“You are my lifeline, Darling, don't ever forget that.” saad nya at hinalikan ako sa noo.
“Goodnight, Dad.”
Iyon lang at tumayo na si daddy at saka umakyat sa taas. Naiwan naman ako sa sala na tila gulong-gulo sa mga nangyayari.
Napabuntong hininga na lang ako.
KINABUKASAN ay nagpunta ako kila Daddy Wade at naabutan ko si Tita Rosenda na nakaupo sa sala at tila inaayos ang center table na puno ng mga photo albums at magazines.
“Good afternoon po.”
“Oh, Queen, napasyal ka?”
“Mangangamusta lang po, uhm, si Daddy Wade po?”
“Ay, kakaalis lang hindi mo naabutan nasa Gentleman Hotel at may meeting daw sila. Wait. I heard kasama ang daddy mo sa meeting. Wala bang nabanggit sayo?”
“Uhm, wala po eh, si Spade po?”
Natawa naman bigla si Tita Rosenda bago nagsalita, “Nandoon sa kwarto niya, nagpapagaling.”
“Nagpapagaling? bakit ho?”
“Eh… may pigsa sa pwet.”
“Ho? pigsa?” nagulat ako habang si Tita Rosenda ay tila nagpipigil ng tawa.
“Sabi ko nga sa kanya puputukin ko na para gumaling na eh, ayaw, masakit daw.”
Natawa naman ako at kumuha ng babasaging baso sa kusina nila.
“Ako na gagawa, tita.” saad ko na humahagikgik pa, hinayaan naman ako ni Tita Rosenda at saka ako umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ni Spade.
Kumatok ako ng tatlong beses.
“Bukas yan.” saad niya.
Pagbukas ko ay nakadapa siyang nakahiga sa kama niya.
“Queen? anong ginagawa mo dito?” tanong niya na animo'y nagtatakip ng mukha at nahihiya.
Tinago ko naman ang baso sa likod ko upang hindi niya makita ang maitim kong balak sa pigsa niya sa pwet.
“Wala, bumibisita lang. Tita Rosenda told me that you're sick.”
“Ah lagnat lang ‘to mawawala din.” saad niya pero alam ko na hindi iyon lagnat kaya umupo ako sa gilid ng kama niya at sinapo ang noo niya.
“Wala ka namang lagnat ah,”
“Oo medyo magaling na.”
Tss, sinungaling hays.
“Wag ka na mag sinungaling, sinabi sakin ni tita Rosenda na may pigsa ka daw sa pwet.”
“Si mama talaga.”
“Ano ba kasi ginawa mo bakit ka nagkapigsa sa pwet?”
“Ewan ko pag gising ko na lang bigla na tumubo.”
“Alam mo ba kung saan mo nakuha?” tanong ko habang inilalapag yung baso sa gilid ko dahil hindi niya naman nakikita.
“Eh nasa Casino kasi ako noong nakaraang gabi, natalo na naman ako ng libo rin kaya nag inom ako eh nalasing ako naupo ako sa may gutter. Baka doon ko nakuha. Bwisit kasi yan lagi na lang ako natatalo.”
“Iwasan mo na kasi magsugal kaya ka napapagalitan ni Daddy Wade eh. Patingin nga ng pigsa mo.”
“Ayoko!”
“Patingin lang naman eh.”
“Ayoko! nakakahiya!”
“Sa akin ka pa nahiya eh magkababata naman tayo.”
“Kahit na! matatanda na tayo ngayon, hindi na tayo bata.”
“Kaya nga, patingin na kasi ako.” saad ko na akmang bubuklatin yung shorts niya.
“Ayoko! wag kang makulit! isa! masakit!”
“Titignan ko lang wala naman akong gagawin.”
“Isa! Queen! umuwi ka na nga sa inyo! umalis ka dito! wag mong tignan yung pigsa ko, masakit na nga eh.”
“Titignan ko lang.”
“Sige…” saad niya na halatang natatakot ngunit ibinaba ng bahagya yung short niya.
“Oh, eh, pagaling naman na pala eh.”
“Talaga?” tanong niya ngunit nakita ko nga na kailangan putukin ang pigsa niya para gumaling.
“Oo konti na lang, gagaling na ‘to.” saad ko na binigla ang pagpisat ng pigsa niya gamit ang baso.
“Arraaaaayyy!!!” sigaw niya. Napa-akyat naman si Tita Rosenda.
“Oh diba, sabi ko sayo gagaling na yan.” saad ko na tatawa.
Tawa rin ng tawa si Tita Rosenda na nakasilip sa kwarto.
“Ang sakit. Bakit mo naman biglang pinisat?” tanong niya na nanghihina at nangingiwi.
“Para gumaling ayaw mo kasi ipapisat eh.”
“Bahala ka dyan, kala mo papansinin kita. Ang sakit sakit ng ginawa mo.”
Tawang-tawa kami ni tita Rosenda.
“Galit ka sakin? okay lang.”
“Aba, pasalamat ka tinulungan ka ni Queen, ayaw mo papisat sa akin eh.” saad naman ni Tita Rosenda.
“Bahala kayo dyan. Umalis nga kayo dito, nagpapahinga yung tao eh.”
“Hmp, sunget.” saad ko sa kanya at saka bumaba dahil may importante akong sasabihin kay Tita Rosenda.
“Tita, I have a favor to ask.”
“What is it, Darling?”
“Pwede bang ikaw mag design ng wedding dress ko?”
“Sure, no problem. Pwede na kitang sukatan ngayon pero.. kamusta ba ang puso mo? papayag ka talaga sa arrange marriage na yan?”
“Wala naman akong magagawa tita.”
“Alam mo dati din sinubukan ako ipa-arrange marriage ni Daddy Joaquin ko pero against talaga ko dahil mahal ko ang Daddy Wade mo and it turns out na kuya ko pala yung balak ipagkasundo sa akin noon.”
“Opo, nakwento nga po sa akin yan ni Daddy Wade noon.”
“Pero ikaw ba? okay lang sayo? I mean, you don't love the guy.”
“But I think it will help the company.”
“Maybe you should think about it pero susukatan na kita ngayon.” saad ni Tita Rosenda na kumuha ng medida at inilagay na sa balikat at bewang ko.
“Dahil ang kasal ay isang sagradong bagay at isang beses lang yan mangyayari sa buhay ng isang tao kaya yung partner mo dapat pipiliin mong mabuti. You should marry for love not for money or stupid negotiations.” saad ni Tita Rosenda na ngumiti sa akin.
“Salamat po sa advice, Tita.”
“You’re going to be a lovely bride. Naii-magine ko na.” saad niya sa akin habang nakangiti. That smile was so genuine na para bang nararamdaman ko ang pagmamahal ng isang ina.