SPADE'S POV:
One week later…
Nakabalik na ako sa trabaho ko bilang CEO ng Gentleman Suites. Magaling na rin ang pigsa ko sa pwet na pinisat ni Queen ngunit ayaw ko pa rin siyang pansinin. Dapat lang sa kanya iyon dahil sa ginawa niya. Ang sabi ay titignan lang eh bigla namang pinisat. Hays.
Maya-maya ay bigla namang bumisita ang tiyuhin kong si Kent Saavedra, siya ang kaisa-isang kapatid ni mommy.
“Uncle Kent, napasyal ka, anong ginagawa mo dito?”
Nakangiti siya sa akin at saka inilabas ang isang box at inilapag iyon sa desk ko.
“I came to deliver a package on behalf of Ms. Aldama and the Black Hyrax Group of course,”
“Galing ito kay Ninang Siobeh?” tanong ko na binuksan naman iyon at pagbuklat ko ay isang set ng baraha ang nakita ko kung kaya’t napa-smirk ako.
“It’s game time, Kiddo, follow the rules written on the cards. Siya nga pala, pakisabi kay Rosenda na kinakamusta ko siya.” saad nito at saka umalis.
Napasandal na lang ako sa swivel chair ko habang hawak ang isang set ng baraha na iyon.
Napatingin ako sa nakasulat:
“Wear white. Make it dreamy.”
Sa Gorgeous Men Bar iyon gaganapin. Isang gambling event ang nakatakdang mangyari.
Tinapos ko ang trabaho ko ng araw na iyon. Paalis na sana ako nang biglang iniluwa ng pinto si Queen.
Napakaganda niya sa suot na blue business suit at talagang lumitaw ang makinis niyang balat.
“Anong ginagawa mo dito? galit pa ko sayo.” saad ko sa kanya.
“Damn it Spade, pigsa lang iyon, galit ka pa din? grow up.”
“You grow up. Masakit kaya. Ano ba kasing ginagawa mo dito?”
“Wala, napadaan lang. Siya nga pala, nakatanggap ako ng invitation sa Gorgeous Men Bar. Kainer will perform tonight.”
Napakagat labi naman ako sa sinabi niya at tinignan ang barahang hawak ko.
“Are you suggesting that we should go together?”
“Well, if you don't mind. Wala naman kasi akong kasama eh.”
“Fine.”
“Dress code is formal white.”
“Got it.” saad ko na hindi na sinabi sa kanya na nakatanggap din ako ng invitation.
Dumaan kami sa mall upang bumili ng susuotin namin.
“Spade, how do I look?” tanong niya sa akin habang suot ang isang white na chub cocktail dress.
“Gorgeous.” saad ko naman dahil kahit anong isuot niya ay maganda siya. Napakaganda niya.
“Ito ba? ayos lang?” tanong ko habang nilalagay ang blue na necktie sa white suit ko.
“Hmm, parang hindi bagay yung blue, how about maroon?”
“Pwede.” saad ko. Kaagad naman siyang kumuha ng maroon na necktie at pinahubad sa akin yung blue at tama nga siya, mas lalong bumagay sa akin ang kulay maroon.
The best thing about Queen is that I can freely express to her everything and anything that I like at hindi ako nahihiya dahil magkababata kami. Marami man kaming pagkakaiba ay hindi pa rin nawawala ang pagiging magkaibigan namin. Para ko na siyang kapatid kaya hindi pwedeng lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya and besides… She will marry Kainer soon kaya sa tingin ko ay wala ng pag-asa.
GORGEOUS MEN BAR
Nang makarating kami ay inalalayan ko kaagad si Queen papasok ng Bar. Kaagad na ibinigay ni Queen ang invitation niya at dahil kilala na ako ni kuya guard ay pinapasok niya na lang ako.
Magsisimula pa lang ang show kung kaya’t ang mga manunuod ay tila naghahagilap na ng mapu-pwestuhan.
“I’m a VIP guest. Nagpa-reserve si Kainer ng dalawang chair.” saad ni Queen kung kaya't hindi na ko umangal pa dahil hindi naman ito ang pinunta ko dito kundi ang gambling event kung saan ako ay kasali.
Yes. I’m one of the players at maglalaro ako under ng Black Hyrax Group. Ang crime organization na pinamamahalaan ng mafia queen kong ninang na si Siobeh Aldama.
Naupo na kami sa harap ng stage kung saan magpeperform ang mga male entertainers. Habang nakaupo kami ni Queen ay bigla namang may tumapik ng balikat ko at pagtingin ko ay si Tito Samuel pala.
“Tito!”
“Nice to see you here, guys.” saad ni Samuel.
“Samuel, hi!” bati naman ni Queen.
“Nandito ba kayo para suportahan ako?” saad nito na tatawa-tawa.
“Si Kainer, binigyan kami ng invitation.” paliwanag naman ni Queen na ngumiti sa kanya.
“And you're okay with it now? because last time was a mess.” saad ni tito Samuel na tinutukoy ang pagbuhos ni Queen ng alak kay Kainer noong huli na nag perform sila sa stage.
“Yeah, Kainer explained everything to me and he said it was just a hobby so yeah, I’m fine with it.”
“Okay, cool! nga pala, tinatawag na kami, mamayang na lang, enjoy the show!” saad ni Tito Samuel na nagpaalam na sa amin dahil kailangan na nilang magready sa show.
Hindi naman ako mapakali sa upuan ko dahil magkatabi lang ang Bar at Casino at kitang kita ko na ang pag-aayos ng mga staff ng Casino sa gagawing gambling event kung kaya't nagpaalam muna ako kay Queen na pupunta lang sa restroom ngunit doon ako sa gambling event pumunta at tinanong ang nagma-manage doon.
“Uhm, Sir, anong oras yung grand gambling event? isa kasi ako sa mga players.”
Tumingin naman ito sa wristwatch at sinabing “Mamaya pang 11:00 pm, Sir.”
“Ah ganon ba, sige, salamat.” iyon lang at saka na ako bumalik sa upuan namin ni Queen dahil magsisimula na ang strip show ng mga male entertainers.
Nang maupo ako ay nakita ko siyang may hawak na cocktail drink. Bigla ko namang naalala ang tagpong nalasing siya at halos hindi niya ako makilala. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam na ako ang kahalikan niya ng gabing iyon at wala na akong intensyong sabihin pa sa kanya dahil baka layuan niya ako pag nalaman niya.
“Gusto mo?” tanong niya na inalok sa akin ang iniinom niya.
“Uhm, no. I’m good pero wag kang magpakalasing ah.”
“Ano ka ba naman Spade, cocktail lang ‘to at saka nandyan naman si Kainer. Ang sabi niya ay ihahatid niya daw ako pauwi. Hindi niya lang ako nasamahan pumunta kasi kailangan niya daw mag prepare dito sa show.”
“Ah ganon ba.”
Oo nga naman, nandito naman si Kainer. Nandito ang fiance niya kaya walang problema kung malasing siya ulit dahil may maghahatid sa kanya pauwi.
Damn it. Bakit ba bigla akong nalungkot at nainggit at nahiling na sana ako na lang?