Napanganga ako sa daming mga iba't ibang klaseng damit, sapatos, bag at iba pa. Nakita ko siya sa sky blue na dress at du'n din na focus ang mata ko. Ang ganda kasi simple, pero kahali-halina sa mga mata.
Nilapitan ko ito at hinawakan ko ang tila napakaganda naman niya. Hindi mo masasabing mumurahin dahilan sa dress pa lamang ay masasabi mo na may class ang gawa dito.
''Iyan po ang mabenta sa amin. Miss, napakaganda at galing pa po iyan sa abroad.'' Napatingin ako sa babae na kanina pa sa amin sumusunod.
Mukha ba kaming hindi magbabayad? Kasi kanina pa talaga siya sumusunod.
Bigla naman sumulpot si Drake sa likuran ko at napatingin din sa hinawakan ko napangiti siya sa akin at tumingin sa babae na ngayon ay namumula?
''Are you sick?'' Hindi ko maiwasan ang mag-tanong sa babae na iinataas naman ng kilay nito. Ano naman masama mag-tanong?
''Masama bang mag tanong? Gusto ko malaman kung bakit namumula ka?'' saad ko dito na ikinayuko naman nito.
Narinig ko naman ang munting tawa ni Drake na ikinatingin ko naman sa kanya.
''Ano bang masama?'' saad kong harap kay Drake na ngayon ay hindi naman umimik. Ano bang talagang meron sa manila.
"Miss! Kukuhain ko 'to pati na 'to." sabi niya sa babae na sunod ng sunod sa amin.
Agad naman kinuha ng babae ang damit na iyon at mabilis na naglakad at tinanggal dahan-dahan sa pagkakalagay.
"Magbihis ka doon.. Oh!" sabi niya sa akin sa isang parang box at inabot ang nagustuhan kong damit naikinangiti ko na lamang.
Napatingin naman ako sa itinuro niya at hindi ko mawari ang nasa isipan ko.
"Ahmm..W-wala bang sisilip sa akin diyan?" sabi kong bulong sa kanya na tinitingnan ang takip ng manipis na puting kurtina.
Natawa na lamang si Drake at umiling sa akin at ginaya ako papunta dun.
"Wag kang mag-alala andito ako sa labas at babantayan kita." Ngumiti sabi nito sa akin.
Nang makapasok ako ay pinagmasdan ko muna ang paligid mahirap na baka may sumilip at hindi maari sa akin iyon.
Agad akong nagpalit at isinuot iyon at napamangha ako sa aking nakikita sa sarili. Ang ganda ko para na ako ngayon prinsesa, wait... Prinsesa nga pala talaga ako.
"Tapos kana ba?" sabi niya sa akin at agad akong lumabas. Kahit siya'y natulala pati na din 'yung mga babae sa loob kahit ang mga iilang tao na namimili din ng mga damit ay napatingin sa gawi ko. Kaya't napayuko na lamang ako sa hiya.
Hindi kaya bagay sa akin ang kulay? Ano kaya't bakit ganyan sila makatingin sa akin?
"Ahh... Bakit ang pangit ko ba? Hindi ba bagay 'yung dress?" sabi ko pa dito. Nakakahiya kasi, pero hindi ba't kahapon lamang ako naglayas? Bakit agad naman akong nag-mukhang homeless sa paningin ng iba.
Tumayo si Drake para lumapit sa akin at ginawaran ako ng halik sa aking mga kamay. Kagaya ng mga prinsepe sa na talagang nakakagalang.
"No. Te ves hermosa ese vestido." ''No. You're look beautiful that dress.'' nakatulala nitong sabi sa akin.
Pinamulahan naman ako sa kanyang sinabi. So, hindi naman pala ako mukhang homeless wala lang talaga silang masabi.
Para bang napakahusay din niya mag spanish? Sabagay para nga s'yang may lahi din.
Nakita ko naman ang iilan na tumingin sa gawi namin at namamangha sa sinuot ko na ikinayuko ko na lamang nakakahiya ang mga titig nilang ibinibigay sa akin.
"Wow.. Ma'am, nakakainggit ka naman para ka po'ng dyosa. Ang ganda ganda n'yo." kumento na saad ng babae na nakasunod sa amin kanina at ngumiti naman ako rito.
Nakita ko naman ang matang mapanuri, ito na hindi ko alam para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko? Nakikilala niya kaya ako. No!
"Para bang nakikilala kita.. Ma'am, parang nagkita na tayo somewhere?" Agad akong hinila ni Drake at niyakap para takpan.
Mabilis din akong nagtago at napailing-iling na lamang sa babae. Hindi kasi puwede na malaman nila o may makaalam na sino ako. At saan ako galing.
"Baka nagkakamali lang kayo, 'tong girlfriend ko'y hindi kilalang tao. 'Atsaka.. Hindi 'to pala labas." kumindat ito sa akin at ikinatawa ko lamang at tumango sinabayan ko ang trip niya. Pero sinusundan pa din ako ng tingin ng babae.
Nakita ko naman ang mga bulungan ng iba na hindi ko alam pero talagang gusto ko na din umalis dito baka mamaya andito na ang mga body guard ko na palaging nakabantay sa akin sa palasyo.
"Heto, ang bayad ng lahat ng kinuha namin." para kong malulula sa mga kinuha niya. Siguro habang nag bibihis ako ay busy naman siyang maghanap ng mga kailangan ko.
Mabilis naman kinuha ni Drake ang kamay ko at napangiti sa akin habang naglalakad kami paalis.
"Tara. Pagugupitan na natin 'yung buhok mo para 'di ka nila makilala." agad akong nalungkot buhay ko ang buhok ko.
"Why?" sabi niya na nag-aalala sa akin.
"Ahh... Puwede ba pa kulayan nalang natin ang buhok ko? A-ayoko.. Kasi magupitan ang buhok ko. Nasanay na kasi ako sa mahabang buhok." sabi ko dito at ginulo na naman niya ang buhok ko.
"Fine.. Papakulayan natin ng black ang buhok mo, okay lang ba?" sabi niya sa akin blonde kasi 'to. Kaya't hindi ako sure kung babagay ba sa akin ang kulay na 'yon.
Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Napakaganda ng mukha ko at lumitaw pa ang kaputian ko nang mapakulayan ang buhok ko. Ang ganda ko feeling ko'y mas bumagay sa akin sa maamo kong mukha.
"Mas bumagay sa'yo," Aniya sa akin na para bang namamangha sa nakikita niya sa pagbabago ng mukha ko.
Nahiya ako nang kumulo ang tiyan ko sa gutom at napayuko ako kung puwede lang lumubog ay ginawa ko na.
"Tari kana, na gutom ka siguro sa mga ginawa natin paglilibot." sabi niya sa akin at niyaya ako kung saan.
Pagkapasok ko pa lamang ay napakadaming tao ang nakatingin sa amin. Madami din bata at napatingin ako sa slide at nanakbo doon.
"Whoaa... Puwede ako makisali?" kalbit ko sa batang nakatulala sa akin ng lumapit ako sa kanila.
Gusto ko lang naman maranasan lahat. Gusto ko! Lahat lahat. Agad akong pumasok sa bahay na maliit at nakiupo doon.
"Ate! Prinsesa ka po ba?" sabi sa akin ng bata lalake na hanggang ngayon ay mga tulalang nakatingin lamang sa akin at kahit na ang mga iilan na bata'y tulala.
"Ahhh.. H-hindi ah!" pagmamaang-maangan kong sabi at napagala ng tingin sa paligid.
"Ang ganda-ganda n'yo po! Sana'y kasing ganda ko po kayo," sabi nito sa akin na ikinatawa ko lamang.
"Ano kaba, may kanya-kanya tayong ganda. Maganda ka naman ah." sabi ko pa dito at ngumiti.
Nagulat ako ng mag-ikot ang mga bata sa akin at nag-gawa sila ng parang bilog na ikinatingin ko nalamang sa kanila.
"Ikaw ang prinsesa namin, Ate. Ganda!" sabi sa akin ng batang lalake.
Kumanta sila at hindi ko alam pero nakikipalak'pak ako. Nagulat ako ng may nag-flash na camera at napatakip ako Agad naman ako hinila ni Drake at binalot ako ng jacket.
"Akala ko nawala kana. Bigla ka naman pumunta kung sa'n tari kana. Doon na lamang tayo sa kotse ko kumain." hila nito sa akin at tumango na lamang ako at kumaway sa mga bata.
Sarap na sarap ako sa pagkain at halos 'di ko tinigilan ang pagkain at tawa lang ng tawa ang kalapit ko.
"Para kang hindi prinsesa. Ang lakas mo lumamon." sabi nito at nabulunan tuloy ako. Hindi siya magkanda ugaga sa pagbigay sa akin sa mailiit na baso na kulay pula at ipinainom sa akin iyon.
"Sh*t! I'm sorry, here drink this." abot niya sa akin.
Nakahinga naman ako pagkainum ko no'n. Ang sarap din ng inumin ko nakakawili naman kumain sa ganyang lugar ano kaya ang tawag nila doon.
Kasi ako palaging sa mamahaling restaurant ako nakain. Hindi sa maraming tao at hindi sa mas madaming bata sa kagaya nung kanina.
"Ah, kahapon pa kasi ako 'di nakakain kaya sobra talaga gutom ko!" sabi ko at ngumiti lamang siya sa akin at ginulo ang buhok ko nakakasanayan na niya guluhin ang buhok ko na para bang aso.
Bigla naman akong nakaalala sa nakita ko kanina sa dalawang bata para bang may nag-uudyok sa akin na tikman iyon.
''Puwede bang punta tayo sa kung saan mo ako nakita? Gusto ko kasi tikman 'yung parang ulap na kinakain ng mga bata kanina... Ang sabi nila.. Ano hmmm..'' pilit kong inaalala ang tawag ng isang iyon.
''Cotton candy?'' sabi ni Drake na ikinalawak naman ng ngiti ko sa kaniya.
''Whoaa.. Ang sarap naman nito! Ang tamis.'' sabi ko kay Drake ng ibili niya ako andito lamang ako sa loob ng kotse siya na lamang ang lumabas sabi kasi niya na baka na naman daw mapunta ako sa kung saan. Naninigrado lamang daw siya. Nawala makakakilala sa akin dito.
''Tikman mo!'' nakangiti kong saad kay Drake na ngayon ay mabilis naman kumagat sa kinagatan ko at napatango na lamang siya.
''Masarap nga.'' sabi nito at binuksan ang makina ng sasakyan at niya na uuwi na daw kami sa mansyon niya. Naikinaexcite ko naman.