TDM-Chapter 5

1609 Words
Naupo ako sa malapit sa isang park at juskooo! Nagugutom na talaga ako mula kahapon pa ako hindi kumakain, kumakalaman na sikmura ko. Naalala ko naman ang mga bata kanina, ano kaya talaga 'yung kinakain nila na parang ulap? Cotton candy? Hindi kaya lasa nu'n? 'Yung cotton bands? Napailing-iling naman ako. Gawa ito sa aking gutom. Napahawak naman ako sa aking tiyan na para bang may gusto mag labanan sa tiyan ko! World war 3 na ang mga anak kong bulate. "OMG! Ang ganda naman na babae niyan," Napatingin ako sa pinagmumulan ng usapan at napansin kung ako pala ang tinitignan ng mga 'to kaya't napayuko na lamang ako. "Tingnan mo't wala pang sapin ang paa, baka baliw 'yan, sayang naman baka pagtripan lamang siya rito." "Ang ganda naman nabaliw niyan, pang-modelo 'yung kutis oh.. kabog!" "Mukha s'yang angel simpleng malaking t-shirt pero, talagang litaw ang ganda para s'yang dyosa." "Halika na't baka magalit sa atin 'yung boss natin. Masungit pa naman si Mister Nolan, baka matanggal tayo!" sabi pa nu'ng isa at parehas silang nangaripas ng takbo? Parang narinig ko na 'yung pangalan na binanggit niya. Saan ko nga ba 'yun narinig? pilit kung iniisip pero wala talaga akong maisip siguro ay sa gutom narin. Halos ang mga tao sa paligid ay tinitingnan ako at sinusundaan ako ng tingin, hindi ko alam kung madungis ba ako o ano pero wala naman akong dumi? Napatingin ako sa mga paa ko wala nga palang sapin sa paa ito nga pala ang sinabi nu'ng batang babae na homeless daw ako. Nakakairita pala ang gano'n bata. Ang sarap patulan. Pasalamat talaga sila hindi ako palapatol na prinsesa, mahaba ang pasensiya namin sa mga ganyan. Nagulat ako sa pagkulo muli ng tiyan ko at napahawak ako sa tiyan ko napatingin ako sa paligid. Nagulat ako sa lalaking nakatingin sa akin. Kaya't iniba ko ang aking tingin. Nakakahiya naman ang mga titig na binibitawan niya sa akin. May dumi nga kaya ako sa mukha. Naka-shades 'to at gwapo pa nga kung tutuosin. Nagulat ako ng ngumiti 'to. Kaya't ibinaling ko ang akin muli paningin sa iba. "Why would a Princess, like you be here and barefoot?" nagulat ako sa sinabi niya at napatayo. ''me estas entendiendo?'' (Are you understand me?) Napatingin naman ako sa kanya. Marunong siya mag salita ng spanish? ''No worries, nakakaintindi ako ng tagalog.'' saad ko sa kanya na ikinaningning naman ng mga mata niya. Pero paano niya ako nakilala? Kilala din ba ako dito? Napatingin ako sa paligid at yumuko, Ayoko umuwi 'di puwede. Tatalikod na sana ako ng pumunta ulit siya sa harapan ko at nag smile ang cute niya. "Relax, only people like me, ang nakakakilala sa'yo. 'Yung mga tao na may kakayanan bumili ng libo na magazine mo at mga taga-hanga mo lamang ang nakakakilala sa iyo rito at iilan lamang iyon dito sa Manila." Ngumiti 'to sa akin at tinanggal ang kanyang salamin. pinakita nito ang magazine at nakita ko ang mukha ko dun. Nabago palang, kinuha ko iyon at pinagmasdan. "You're beautiful there. Magaling ka pala managalog?" sabi pa nito na ikinatango ko na lamang. Ang ganda-ganda ko dito sa Magazine na-aamaze ako sa sarili ko napatingin ako sa lalake na hanggang ngayo'y nakangiti sa akin creepy niya lang. Napakaamo ng mukha niya. Nagulat ako ng kargahin niya ako at para akong bride na hindi ko malaman. Nakakahiya! "Mister, pasensya na pero hindi kasi ako sumasama sa hindi ko kilala--'' "Gano'n ba ako si Drake Montefalco, Isang businessman ng DM Company Empire. Idol kita alam mo ba 'yon?" sabi nito at tumingin sa akin. "Sige. Ganito nalang, ibabalik kita sa bahay n'yo para talagang malaman mong hindi ako masamang tao--" "Por favor, no me lleves a casa!" (Please don't take me home.) sabi ko pa dito. Nagulat 'to sa sinabi ko at tumingin sa akin ng seryoso. "Lumayas kaba?" tanong niya sa akin na ikinatango ko na lamang at yumuko. Tumawa siya habang pailing-iling. "Ano bang balak mo? Princess Samantha" Aniya sa akin hindi ko alam pero, napakagalang niya sa akin. Feeling ko'y ang bait niya pero hindi dapat ako nagpapaloko! Baka hindi ko pa siya kilala. Nililinlang niya lamang ako at may balak siyang masama sa akin. Napatingin ako sa mga tao na nakatingin din pala sa akin at hindi ko alam ay napasiksik na lamang ako sa kanya na ikinatawa niya lamang 'to. "Siguro'y kailangan na natin umalis sa lugar na 'to. Sumama kana muna sa akin alam 'kong wala kang tutuluyan." Napatingin 'to sa akin ewan ko ba't parang napakaamo niya at tunog mabait siya para sa akin, pero kailangan ko makasiguro. "Hindi mo ba ako ibebenta o sasaktan?" sabi ko at napapanood ko kasi sa television, malay ko kung totoo pala 'yon. "Aba't bakit mo naman naisipan ibebenta kita mukha ba akong nag-bebenta ng babae?" Aniya napatingin ito sa akin at tumatawa kulang na nga lang ay malagutan na siya ng hininga. Naikinanguso ko nalang sa kanya na ikinatawa niya ulit. "Wag ka nga tumawa!" hindi ko alam na tumawa na din ako. Napagala ang tingin ko ng makita ko ang mga nag-lalakihan building hanggang ngayon ay hindi pa din talaga ako makapaniwala na andito na ako at nakalaya sa kwarto na iyon. "Gusto ko lang maging simpleng babae sana at maranasan ang mga ginagawa ng simpleng tao!" masaya kong kuwento na ikinatango naman niya, na para bang naiintindihan niya ako sa mga sinasabi ko. Hindi ba siya nawewierduhan sa akin? ''Hindi kaba naweweirduhan sa akin?'' saad ko dito na ikinakunot noo naman niya sa akin at umiling. ''No. Humahanga nga ako sa'yo kasi isipin mo 'yon, prinsesa ka pero nakatakas ka ng gano'n-gano'n lang sa kanila." Aniya na para bang namamahangha sa ginawa ko na ikinapula naman ng pisngi ko. "Puwede bang ikaw ang tumulong sa akin? Ipasok mo naman ako sa trabaho tapos, gusto ko din maranasan ang byahe tapos, kumain sa simple lang." Agad naman napatigil ang kotse niya at para bang sinasabi niya sa akin nahihibang na ba ako at seryoso niya akong pinag-mamasdan. "Sigurado ka? marunong kaba sa lahat ng bagay, gawin bahay?" sabi niya na ikinailing ko na ikinatawa niya ng malakas, pero mayroon din naman akong alam na gawin. "Sige. Tutulungan kita pero sa isang kundisyon." Agad ako napalunok sa kapalit. Baka naman ang akin puri? Ang aking pinagkaka-ingatan. Agad akong napatakip sa akin katawan na mas ikinatawa niya pa lalo nito. "Relax kalang, mukha iba 'yang iniisip mo sa hihingiin ko. Wala akong intensyon gawin iyan sa'yo." sa pagkakasabi niyang iyon ay agad akong napahinga ng maluwag at ngumiti sa kanya. Mas maganda na sigurado. "Ano 'yung kundisyon?" sabi ko dito at ikinaseryoso naman niya. "Payagan mo akong bantayan kita at suportahan kahit saan bagay?" Sabi niya at ngumiti sa akin. Namula ako sa kabutihan niyan loob sa akin at tiningnan niya ako ang cute niya sa totoo lang hindi kagaya ng masungit na 'yun. Bigla kong naalala 'yung lalaking 'yun at napahawak sa palasingsingan ko na ikinatingin naman ni Drake. "Oh, are you married?" sabi niya na ikinamot noo niyang tanong, para bang sa mukha niya na lungkot siya pero baka malikmata ko lang 'yun. "Ahhh.. N-no.. D-design lang 'yan tingnan mo't ayaw na nga niya matanggal." sabi ko na tumawa ng pagak. Ayoko naman na mahiya siya, baka mailang siya pag nalaman niya nakasal ako. "Mamahalin 'yan di'ba? bagong labas lang 'yan?" sabi niya sa akin at napatingin ako sa singsing baka nagkataon lamang 'yon. Bigla kong ibinaling sa iba ang mga mata ko at naamaze na naman ako sa ganda ng paligid. "Whoaa.. Ano ang tawag n'yo sa malaking bilog na 'yun?" Naiing-ganyo kung sabi sa nakita kung malaking bilog na umiikot. "Ahh.. Moa.. 'yung malaking mall na ginagalaan ng madaming tao." aniya sabay ngiti sa akin. Para naman akong na excite, parang masaya diyan. Hindi pa ako nakakakita ng mall sa talambuhay ko kaya't Napatingin ako sa kanya. "Ahh.. puwede mo ba akong ipasok doon p-please?" nangkukumbinsi ko naman na pilit na ikinatawa niya at nagulat ako na lumiko siya papunta dun. Masaya akong bumaba ng makarating kami doon. Pero nagulat ako ng kinarga niya ulit ako at ibinigay sa akin ang shades at sumbrero. Naikinatingin ko lamang sa kanya at nginitian niya ako. "Baka may makakilala sa'yo dito. Mas maganda na 'yung sigurado tayo. 'Atsaka wala kapang sapin sa paa bibili rin tayo ng mga gamit mo." sabi niya na mas nagustuhan ko naman at napatango na lamang sa mga sinabi niya sa akin. "Pag nagka-trabaho ako, mababayaran din kita! Ngayon'y pautang na muna ako," sabi ko na nakangiti sa kanya. ''Hindi ko akalain na ang kagaya mo na pure spanish ay mas magaling pa talaga sa amin managalog.'' Aniya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko napasimangot tuloy ako para kung aso e. Madaming tao ang nakatingin sa amin at nag bubulungan kaya't bumaba ako sa kanya at masaya kung nanakbo. "Whoaa.. Ang ganda naman tingnan mo, oh," nakakita ako ng napakalaking bulaklak at natatawa ito sa akin. "Halika't dun! Ibibili kita ng damit mo at sapin sa magaganda mong paa." mabilis naman ako sumunod sa kanya at pumasok sa sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD