TDM-Chapter 4

1549 Words
Umaga na ng magising ako at siguro sa pagod ko na din sa pagtakas. Agad akong napabalikwas ng gising at tumingin sa kalapit ko pero ni-isang bakas wala akong nakitang tao doon. Hindi ba siya pmunta dito? Hindi ba siya natulog? Teka! Bakit ko pa iniisip ang isang iyon. Kinapa ko ang akin nakiramdam wala naman masakit. Aba'y mas maganda na sigurado tayo. Ako ma-i-issue na isang gaya ko na buntis. Kahit na sa edad 24years,old Hindi ako inosente sa bagay-bagay. Dun ko lang inilibot ang paningin ko sa paligid na nasisigurado ko na napakaganda at napakalawak pala nito? Napakunot naman ako sa nakabukas na bintana at 'wag mo sabihin na siya ang nagbukas niya? So, nakatulog nga siya katabi ko sa iisang kama? Napailing-iling na lamang ako at kinastigo ang ulo. Napaka muna Samantha! Mabilis akong bumaba sa kama at nakiramdam mukhang umalis na yata 'yung masungit. Tumabi kaya 'yun sa akin? Bakit ko pa iisipin ang baliw na 'yon. Dahan-dahan akong nag lakad sa pintuan ng makumpirma kong bukas ang pinto'y napangiti ako sa akin isipan. Siguro 'to na ang pagkakataon para tumakas, Samantha. Siguro'y sign na ito para makatakas sa isang masungit na iyon. Hindi kasi mahal ng magulang, kaya siguro nagka gano'n. Pagkabukas ko wala miski isa ang nagbabantay sa labas. Agad ako tumingin sa paligid malay kong may cctv palang nakatingin. Agad akong na buhayan ng dugo ng wala akong makita kahit isa dahan-dahan akong lumabas sa malaking kwarto at nagdali-daling lumabas. Tumingin ako sa hagdaan ng makarating ako kung saan kami dumaan nu'ng gabi na 'yun at hindi naman ako makakalimutin sa lugar. Halos natatandaan ko lahat. "Nakita n'yo ba 'yung magandang babae na kasama ni Young, Master." rinig ko nausapan ng mga katulong sa kusina. Umagang-umaga ba'y tsismisa ang pinapaumagahan nila dito? Hindi pa sila gumagawa? "Hindi. Bakit nakita mo ba Anna?" rinig ko ibang boses na siguro 'yon ang kausap nito. Rinig ko ang mga materyalis na sinyalis na may mga kasama pa ito. Dahilan na tumigil ang mga ito sa kanilang ginawa. "Aba'y oo naman, napakagandang babae parang prinsesa nga e. Alam mo bang madungis niya 'yung inuwi dito kagabi, maputi pa nga at ka'y kinis ng balat." Hindi ko makita ang mga reaction ng kausap niya pero nasisigurado ko na ako 'yun pinag-uusapan nila. Ako lamang ang dumating sa bahay na 'to kagabi. ''Atsaka may sugat 'yung babae. Alam ninyo bang nakakainggit talaga ang kutis niya.'' saad na naman ng boses na narinig ko kanina lamang. Pero kung may inuwi pa siya na ibang babae. Habang natutulog ako'y baka hindi ako 'yon. "Hala... Nakakainggit ka naman. Naku! baka girlfriend niya. Napakagwapo ni Young Master, matalino at mayaman napakakisig, masungit lang." sabi naman ng ibang boses at rinig ko ang malanding hagikgikan ng mga nag-uusap na hula ko'y mga bata pa. Dahilan sa paraan ng kanilang mga usapan. Pinagmasdan ko ang paligid nakatago lang naman ako sa isang malaking vase, at isiniksik ko ang sarili ko du'n na baka kasi bigla silang lumabas mahirap na mabuti na lamang talaga'y may bintana at malaya akong nakakapagtago sa malaki din kurtina. "Hoy, magsi-kilos na kayo't baka magising si Young Lady, wala siya makain gusto ninyo bang magalit si Young Master." Hula ko'y mas nakakatanda sa kanila sa pamamagitan ng boses. Rinig ko ang mga yabag ng mga paa nito sa pagsasalita ng babae na mukhang natakot pa yata sa sinabi ng matanda. Agad ako napamuwang ano pa bang hinihintay ko kailangan kong tumakas. Bakit ba at nakikinig pa ako sa mga usapan nila. Tsk, Napatingin ako sa pintuan at naglakad ng dahan-dahan ng makarating ako dun ay tumingin muna ako sa paligid. Nakakita ako ng bantay pero may naisip ako ng kalokohan. Mabilis akong dumampot ng bato at ihinagis sa malayo para du'n pumunta ang dalawang hula ko'y body guard rito sa mansyon. Mabilis na tumingin ang dalawa at inilabas ang kani-kanilang baril at pumunta sa kung saan ako nag-hagis ng bato. Pasimple akong nanakbo palabas sa gate na chempong pasarado galing sa pagkakabukas. Kaya't minabuti kong kumaripas talaga ng takbo. Halos matuwa ako ng makalabas ako do'n pinagmasdaan ko ang malalaking Building, kung saan kami pumasok. Kahapon at talaga nakakamangha. Naglakad ako ng parang normal lang pero dun ko lang napansin na wala pala akong pera at kung ano pa 'man. Kahit sapin sa paa'y wala ako pero kailangan ko makalayo dito. Nakapagdesisyon na ako kailangan ko lang mag sipag ito ang ginusto ko para sa buhay ko at maging simple lamang at kaya ko 'to. Ayoko makasal sa iba! Napahinto na lamang ako sa aking naisip. Pero na kasal naman ako sa Masungit na 'yon. Napatingin ako sa Singsing at tatanggalin ko sana'y hindi ko naman matanggal. Tsk, Hayaan muna nga sayang, puwede ko din 'to ibenta. Maganda ang singsing kung titignan at talagang may mga diamond na nakapaligid sa mga gilid na mas nakakaganda sa kamay ko. Atleast hindi ako namatay sa mga kamay ng masungit na iyon. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang Manila ang saya naman, ngayon ko lang naranasan ang maging masaya. Habang nagpaikot-ikot ako kung saan-saan. Ngayon lamang talaga ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko. Napapatingin ako sa mga nadadaanan ko mga nagtataasang mga gusali na ikinaningning naman ng mga mata ko sa tuwing nasisilayan ang nasa paligid. Halos mabusog ang mga mata ko sa mga nakikita ko na hula ko'y parke ang napuntahan ko ngayon. Nakita ko ang iba't ibang mga laruan, at ang mga mag-kakasintahan na hindi ko kailanman naranasan, ang mga ganito sa talambuhay ko, ang makalabas. Masaya akong naglalakad kahit na wala pang sapin ang paa ko meron nga nakatingin sa akin at 'yung iba naman natutulala na lamang sa paghabol ng tingin. Siguro'y iniisip nila na ang weird ko o mukha talaga akong baliw. ''Whoaa... Ang ganda naman pala dito.'' hindi ko maiwasan ang magsalita na ikinatingin ng mga bata sa akin na ikinalapit nila sa akin. May hawak silang kulay asul na para bang ulap? ''Bata, ano iyan?'' sabi ko dito na ikinatingin naman nito sa hawak niya. Kumagat naman du'n ang bata sa parang ulap ang weird naman ng pagkain na iyan. Masarap ba iyan? Nahimigan ko ang sikmura ko na halata ko naman ang pagpula ng pisngi ng batang lalake sa akin na ikinangiwi ko na lamang. Nakakahiya! ''Cotton Candy po,'' Aniya sa akin ang cute naman niya ang taba ng pisngi ng batang lalake at ang batang babae naman ay nakatingin sa akin ng parang naweweirduhan. ''Anong lasa naman ng c-cotton candy?'' saad ko dito na ikinatawa naman ng batang babae. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko pero, parang wala naman. ''Ate, are you homeless? And where your slipper?'' maarte sabi ng batang babae na ikinatapik naman ng batang lalake. Pinagmasdan naman ako ng batang babae at parang sinubukan pa nga niya akong amuyin. ''Mabango ka naman.'' saad pa niya na tumingin muli sa mukha ko at inikutan ako ng mata? really? ''But, you are homeless,'' Aniya na bigla na lamang na ninigaw? Ano naman kaya ang ugali ng mga 'to? ''Ano ba Mycah!'' saway naman ng batang lalake na tinapik ang kanyang kapatid na ikinalisik lamang ng mata ng batang babae. ''Let's go! sabi ni Mommy, don't talk the stanger hindi ba?!'' pasigaw na may diin naman nito na ikinangiwi ko kaugali ng batang ito si Mister Masungit. Nakita ko naman ang pagdila ng batang babae sa akin na ikinakunot naman ng kilay ko. Totoo ang weird din niya ano naman kaya ngayon ang ginawa ko? Hindi ko nga siya pinakikialaman diyan. ''Nagtatanong lamang ako'' saad ko dito na ikinataas naman ng kilay ng bata. payulan ko na ba siya? Gigil na ako sa batang ito, e. ''Bawal nga kasi kami makiusap sa hindi namin---'' ''Bakit mo ako sinasagot? Hindi mo dapat ako kinakausap hindi ba?'' saad ko naman dito na ikinahinto na lamang nito sa pagsasalita. Mahilig naman ako sa bata pero pag ganitong bata? Hindi ko na lamang alam talaga. ''Halika na kasi! Sabi ko sa'yo wag kang lalayo!'' saad nito sa batang lalake na ngayon ay nakatingin pa din ito sa akin. Magsasalita na sana ang batang lalaki ng may tumawag sa kanila na palagay ko'y Mommy nila, Napapaikot ang mata ko siguro'y mana sa ama ang batang lalake at dito naman sa batang babae ang ina niya. Tsk, ''Ang sabi ko sa ninyo huwag kayong lalayo?!'' rinig kong sigaw naman ng Mommy nila at habang nakatingin sa akin at talagang tinaasan ako ng kilay? ''Bye.. Ate! Maganda.'' kaway ng batang lalake sa akin na kinawayan ko naman. pero sinaway naman ng Mommy niya na ikinangiwi ko na lamang. Mukhang kakaiba ang ugali ng mga taga Manila at mukhang mahihirapan talaga yata ako sa pag-tupad ng pangarap ko. Hindi madali ang makatagpo ng isang mabuting puso. Hindi ko tuloy alam ngayon saan ako magsisimula. Napatingin ako sa nakakalulang mga building at hindi ako makapaniwala talaga na andito na ako sa labas naka-labas na sa kulungan ko nang matagal na din na panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD