bc

MARINO

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
family
fated
opposites attract
goodgirl
boss
mafia
heir/heiress
drama
bxg
campus
enimies to lovers
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Evan na hindi kapiling ang sariling ama, subalit isang araw ay nagpakita ito sa kanya para sa isang misyon; ang durugin ang pamilya ng kaaway nito. Tinanggap niya ang hamon kapalit ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Magawa niya kaya kung isa sa mga taong gagantihan niya ay may kaugnayan sa kanyang nakaraan?

chap-preview
Free preview
Cruise ship
1-Cruise Ship Kasalukuyang nakadaong ang isang cruise ship sa Barcelona, Spain. Isang bar steward si Evander Regala sa Virginia Oceana Cruise Ship. Graduate siya ng Mechanical Engineering pero dahil kapos sa pera ay hindi na siya kumuha ng board exam at nagtrabaho na agad siya at ng magkaroon ng oportunidad na makapag-trabaho bilang seaman ay hindi na niya pinalampas ito. Unang sampa pa lamang niya sa barko kaya pinagbubutihan niya ang trabaho. Ilan lamang siya sa mga asyano na nagtatrabaho sa cruise ship at mas marami ang mga puti at griyego. Madalas siyang mapagkamalan na Korean dahil sa kanyang hitsura. Ang totoo ay purong intsik ang kanyang ama at ang kanyang ina ay kalahating pinay at amerikana naman. Ipinilig niya ang kanyang ulo, hindi niya gustong iniisip ang tungkol sa kanyang ama. Marami na siyang problema at ayaw na niyang madagdagan pa. Hinarap niya ang pagpupunas ng mga kopita at baso. Malapit ng matapos ang kanyang shift at kinabukasan ay day-off niya. “Psst.” Isang sutsot ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Si Dimi at nakatayo ito sa gilid ng bar counter. Magkasama sila sa cabin at bedroom steward ang trabaho nito. Lumapit siya rito. “Bakit?” tanong niya. Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang bar counter kahit nangingintab na ito sa kakapunas niya para lamang hindi siya sitahin ng kanyang team leader at isipin na nakikipagdaldalan lamang siya sa oras ng trabaho. “Alam mo, ang weird ng mga turista ngayon.” Nakahawak sa kanyang ulo at napapailing pa si Dimi. Kumunot ang noo ni Evan, hindi na bago ang pagiging madaldal at palapansin ng mga nakikita sa paligid si Dimi. “Paanong weird?” “Puro na lang kahalayan ang nakikita ko kahit saan ako tumingin.” Hinihilot pa ni Dimi ang noo na wari bang masakit na masakit ito. Batid ni Evan ang ibig sabihin ni Dimi. “Wag mo ng pansinin. Di ba nasa rules natin… what you see, what you hear, leave it here,” wika niya kasabay ng pagturo ng hintuturo sa mesa. “Alam ko, Pre. Pero grabe naman, nagpapalit ako ng kumbrekama kanina, yung naka-check in na dalawang barako sa room, panay ang laplapan kahit naroon ako. Tapos paglabas ko sa pinto, nabungaran ko naman ang dalawang seksing babae, naglalaplapan din sa hallway. Hindi ako naiinggit, Pare. Literal na masakit sa mata at nakakasakit ng ulo.” “Wag mo na nga pansinin. Makulit ka.” Umasta pang hahampasin ng basahan ni Evan si Dimi. “Hay ewan ko ba sa mundong ito. Alam mo ba sabi ng Bisor ko?” Biglang humina ang boses ni Dimi. “Worldwide Association daw pala ng third s*x ang lahat ng turistang sakay ng Cruise ship na ito ngayon. Lahat ng klase, nagladlad man o hindi, millionaires, CEOs, politicians, actors, singers, models, etchetera. Lahat sila mayayaman. Kaya pala yung isang nakasalubong ko kamukha ng isang sikat na singer.” Biglang tumigil si Dimi ng may dumaan na isang banyagang crew. Bawal kasi sa kanila ang magsalita ng ibang lenguwahe maliban sa English. “Mabuti pa umalis ka na. Baka isumbong tayo ng dumaan na yun na nagkukwentuhan sa oras ng trabaho,” mahinang wika ni Evan. Ayaw niyang pagtuunan pa ng pansin ang mga nasa paligid dahil masakit din ang ulo niya sa sarili niyang problema. Bago tumalikod ay nagsalita si Dimi. “Bukas, day off natin. Punta tayo ng Sagrada Familia. Pangarap kong marating yun. Kaya nga ako nagtrabaho sa Cruise ship para makarating ng ibang bansa. At saka para maiba naman ang paligid natin. Oh, ano, sama ka?” “Hindi na. Mag-o-overtime time ako,” sagot ni Evan. Ang totoo ay gusto rin niya kaso mas kailangan niya ng pera. Naghihinayang siya sa kikitain kaya kahit day-off niya ay pumapasok siya dahil malaki ang tip ng mga turista sa mga barista. “Ano ka ba? Pagkakataon na natin makababa. Suwerte nga kasi day-off natin. Wag ka ngang kuripot. Magtira ka naman para sa sarili mo,” wika ni Dimi na waring nagsi-sermon sa kaibigan. Ngumisi si Evan at hinampas ng basahan si Dimi. “Hindi ako kuripot, Dimitrio Dimautangan. May pinaglalaanan lang ako.” “Binuo mo pa talaga ang pangalan ko. Diyan ka na nga. Manong kuripot.” Naiinis na lumayo si Dimi. Malalim na napa-isip si Evan. Totoo naman ang mga sinabi ni Dimi. Pero kailangan niyang magtipid para may maipadala siya sa kanyang nanay at mga kapatid. May dalawa siyang kapatid sa ina na nagsisipag-aral ng high school at college. Nasa huling buwan na siya para makumpleto ang isang taon niyang kontrata sa cruise ship. Pagbaba niya ng barko ay hindi pa niya sigurado kung agad siyang makakasampa pabalik. Napangiti siya ng maalala si Pamela, Malaki-laki na rin ang savings niya para sa pangarap nilang kasal. Mga ilang sakay pa niya sa barko ay matutupad na ang pangarap niyang pakasalan ang kanyang nobya. Kinabukasan nga ay wala na si Dimi sa higaan nito ng magising si Evan. Maaga itong umalis dahil excited sa gagawing pamamasyal. Nanatiling nakahiga si Evan at pinagkaabalahan ang kanyang cellphone. Malakas ang kanyang signal kaya naisipan niyang mag-video call kay Pamela kaso hindi ito naka-online kaya hindi niya matawagan. Tumawag naman siya sa kanyang ina at mga kapatid upang mangumusta. “Nay, kumusta naman kayo diyan?” Masaya ang binata kapag nakakausap niya ang ina. Pagkatapos ng twenty five years ay humiwalay na siya sa poder ng ina pero nangako siyang tutulungan ito sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid sa ina. “Okay naman kami dito, Anak. Nasa school pa ang mga kapatid mo. Ikaw ba? Kumusta ka?” Napansin ni Evan na malungkot ang mukha ng kanyang ina. “Okay naman ako dito. Maraming nakikitang magagandang tanawin. Nasa Barcelona kami, Nay,” wika niya sa masayang tono. “Ay, anak. Ang ganda raw diyan. Pa-picture ka.” “Opo, Nay. Kumusta pala ang check-up mo?” “Naku, anak. Hindi pa ako nakakapunta ng doctor. May field trip kasi ang kapatid mo. Nagamit ko yung pera.” Napasimangot si Evan sa narinig. “Nay naman. Ilang beses mo ng ipinagpaliban ang pagpunta sa doctor.” Eighty percent ng sahod niya ay napupunta sa kanyang ina pero kulang pa din sa mga gastusin. Pinagkakasya na nga lang niya ang natitira para sa sarili at ang kanyang overtime ang ginagawa niyang savings para sa kanila ni Pamela. “Yaan mo, nak. Next month magpapa-check-up na ako.” Nakakunot ang noo ng binata. Lahat na yata ng expenses ng kanyang pamilya ay sa kanya na nanggagaling.“Wala pa rin bang trabaho si Tiyo Carding, Nay?” “Meron na sana kaso ang baba daw ng pasahod kaya umalis.” ‘Mababa ang sahod o tinanggal?’ Ito sana ang nais sabihin ni Evan pero pinigil niya ang kanyang bibig. Alam niyang nuknukan ng kaartehan ang kanyang step-father sa pagpili ng trabaho pero mahal-na-mahal ito ng kanyang ina. Hindi niya naman isinasantabi na ang kanyang Tiyo Carding ang umampon sa kanila noong naging palaboy sila ng kanyang ina. “Sige, Nay. Next month na ang uwi ko diyan. Kailangan magpa-check-up ka na.” “Oo, Anak. Wag kang mag-alala.” “Nay, sige po. Tatawag pa ako kay Pamela.” Nang mawala sa linya ang nanay niya ay tiningnan ni Evan ang mga post sa socmed ni Dimi. Natatawa siyang mag-isa dahil lahat yata ng sulok ng Sagrada Familia ay may selfie si Dimi. Muli niyang binalikan ang socmed ni Pamela pero hindi pa rin naka-online ang kanyang nobya. Tumunog ang kanyang cell phone ni Evan at nangunot ang noo niya ng makita ang numero. “Hello.” “Evan, my son. How are you?” Isang masayang pagbati galing sa isang tao na hindi niya nais makausap. May punto ang salita ng kanyang ama dahil sa lenguwahe nitong kinasanayan. “I’m good,” pormal na sagot ng binata. Sinadya niyang hindi ito tawagin ng Papa. “Have you thought about it, Evan?” Malumanay ang tanong pero napahilamos ng kamay sa kanyang mukha ang binata. “I told you. I cannot,” naiinis niyang sagot. “Are you turning down a great opportunity, my son?” may himig lungkot ang tanong ng kanyang ama. Mas lalo siyang nainis sa narinig. “Look, Mr. Chan. I have a job. I can live by myself,” matigas niyang sagot. Pinutol ni Evan ang tawag ng kanyang ama. Kung ang ibang mga anak sa labas ay naghahabol ng sustento mula sa isang ama, pero hindi siya. Hindi siya natutuwa na hinanap siya ng kanyang ama. Ang pag-iwan nito sa kanila ang dahilan ng pagdurusa niya at ng kanyang ina. Naisip niya na sana pala ay sumama na lang siya kay Dimi. Lumabas ang binata sa cabin. Magpapahangin na lang siya sa pool deck. Pero ng umakyat siya ay punong-puno ang pool deck ng mga turista. Mukhang may party. Pinanood niya sandali ang mga kaganapan sa paligid. Tama nga si Dimi. Masakit sa mata ang lantarang kahalayan ng ibang mga turista. Magkukulong na lang uli siya sa kanyang cabin. Last destination ng Cruise Ship ay Copenhagen at isang linggo pa sila sa laot bago siya makauwi ng Pilipinas. Naglalakad na si Evan pabalik habang ang mga mata ay nakatitig sa kanyang cellphone ng biglang may umakbay sa kanya na lalake at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na niya namalayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.1K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook