Palakad-lakad si Evan sa loob ng cabin. Nakatutop ang dalawang kamay sa ulo. Hindi niya mawari ang iisipin. Sa isang iglap ay may nangyari sa kanya. Tumigil siya saglit at humarap sa salamin at saka itinaas ang t-shirt. Nakabakat pa ang mga ngipin ng babae sa dibdib niya. Dalawang beses ba naman siyang kinagat. Napakagat labi din siya, nasarapan siya sa ginawa ng babaeng iyon. Pero sino ang babaeng iyon? Sino si Paw?” Sa kakaisip ni Evan ng nangyari sa kanya ay hindi na niya naalala ang tumawag kay Pamela.
Hapon ng bumalik si Dimi at marami na naman itong baon na kwento. “Sinasabi ko na sa’yo Pare. Ang ganda talaga ng Sagrada Familia. Ang sarap ng feeling na makita at marating ang ibang bahagi ng mundo.” Napatingin si Dimi kay Evan dahil wala itong kibo at reaksiyon sa mga kwento niya. “Oh, ikaw naman. Anong ginawa mo sa maghapon?”
“Wala.” Ang tanging sagot ni Evan habang nakahiga at nakatitig sa kisame.
“Yan ang sinasabi ko sa’yo. Puro na nga dagat ang nakikita natin, tamad ka pang bumaba kahit may chance ka na. Basta ako, pagdating ng Copenhagen, gagawa ako ng paraan na makababa. Pupuntahan ko ang Little Mermaid Statue at yung Nyhavn Harbor.” Muling napatingin si Dimi sa walang kibo na si Evan saka nagkibit balikat. Itinigil na niya ang kwento at kumuha ng tuwalya saka pumasok ng banyo para mag-shower.
Kinabukasan ay bumalik sa kanyang night shift duty sa bar si Evan. Pilit ang kanyang mga ngiti sa mga guest na lumalapit at umu-order ng alak. Pakiramdam niya ay nasa paligid lamang ang babaeng gumawa ng kahalayan sa kanya, o baka pinapanood siya at pinagtatawanan siya. Ipinilig niya ang ulo, marami na nga siyang iniisip ay dumagdag pa ang babaeng iyon. Bakit hindi na lang niya ituring na isang di inaasahan na experience sa buhay niya ang naganap. Ang mapagsamantalahan ng isang babae.
Pilit isinantabi ni Evan ang tungkol sa babae. Mas mabigat ang kanyang problema sa kanyang pamilya. May dinaramdam ang kanyang ina at taong-bahay lamang ito, at may dalawa pa siyang kapatid na nag-aaral. May step-father nga siya pero walang trabaho dahil nuknukan ng kaartehan sa pagpili ng trabaho. At ang isa pa niyang problema ay ang tunay niyang ama na naalala lamang siya dahil may kailangan at may gustong ipagawa sa kanya. At si Pamela, gusto na rin niya itong pakasalan. Naalala niya bigla, nakalimutan niyang tumawag kay Pamela. Baka magtampo at mag-away na naman sila.
Ipinangako niya sa sarili na tatawag siya pagkatapos ng kanyang duty.
Mabilis ang mga lakad ni Evan papunta sa cabin dahil inaantok na siya. Panay-panay ang kanyang overtime para lumaki ang kanyang kita. Bigla siyang napatigil sa paglalakad ng makita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang transman at may kaakbay itong isang seksing babae.
Sumikdo ang dibdib niya, baka ang babaeng kaakbay nito ang gumawa ng kahalayan sa kanya. Pero mukhang karelasyon ang babae ng transman at imposibleng mangyari ang iniisip niya. Ipinilig niya ang ulo. ‘Evan, tama na!’ Saway ng kanyang isip sa sarili niyang iniisip. Naiinis na siya at palagi na lang niya naaalala ang naganap. Mabuti pa, sasama na lang siya kay Dimi sa pamamasyal pagdating ng Cruise Ship sa Copenhagen. Dumiretso na siya sa Crew Mess para mag-agahan at mabilis niyang tinapos ang pagkain. Binuksan niya ang kanyang cellphone para tawagan si Pamela pero out of reach ito. Wala sa cabin nila si Dimi dahil pang-day shift ito. Nang mahiga siya sa kanyang deck ay nakatulog agad siya.
Napapaliyad si Evan sa sarap at kiliti habang patuloy ang paghalik sa kanyang dibdib ng kanyang katalik at siya naman ay hinahaplos ang buhok at ulo nito. Napapaungol at napapaliyad siya sa sensasyong nararamdaman at sa sarap ng ginagawa sa kanya. Mas lumakas pa ang kanyang ungol ng magsimulang umindayog ito sa kanyang ibabaw pero gusto niyang siya naman ang magpaligaya sa kanyang katalik kaya agad siyang pumaimbabaw dito. Walang tigil siya sa pagbayo kahit mapupugto na ang hininga niya. Malapit na malapit na siya.
“Evan, Evan! Gising!”
Pupungas-pungas si Evan. Kunot-noo na nakatingin sa kanya si Dimi.
“Umuungol ka at sumisinghap pa. Binabangungot ka, Pre. Bakit ka kasi natutulog kang nakadapa? Mabuti na lamang may kinuha ako dito kung hindi baka binangungot ka na,” wika ni Dimi habang may hinahanap sa loob ng kanyang cabinet.
Nagtaas ng ulo si Evan pero hindi siya bumangon. “Sobrang antok ko na kasi, Pre.”
“Sige, matulog ka na lang uli pero wag nakadapa,” wika ni Dimi at lumabas na ng cabin.
Inuntog-untog ni Evan ang ulo sa kanyang unan. Bwisit na panaginip yun. Bakit ba kasi bumabalik sa kanyang alaala ang ginawa ng babaeng yun? Tumihaya siya kasi baka nga mali ang posisyon niya sa pagtulog pero may nakapa siya sa harap ng kanyang shorts. Basa ang harapan ng kanyang shorts at naninigas ang kanyang junior.
Napabuga siya ng hangin. Binuhay ng babaeng yun ang kanyang pagnanasa. Matagal na siyang hindi nakikipagtalik mula ng maging nobya niya si Pamela. Iginagalang kasi niya ang nobya at hinihintay niya itong makapagtapos ng kolehiyo, na kasalukuyang nasa huling semestre na ng taon.
Dinanas niya rin ang maging mapaglaro sa larangan ng pakikipagrelasyon noong kabataan niya. Graduating na siya noon sa Senior High School ng mabinyagan siya sa ngalan ng pakikipagtalik. Minsan masaya ring balikan ang nakaraan, mga natatanging karanasan dala ng kanyang kabataan. Kung minsan ay naiisip niya kung dapat ba siyang matakot sa mga ganoong uri ng karanasan, yung bigla na lang nangyayari ng hindi inaasahan pero masarap. Katulad ng nangyari sa kanya kahapon.
Naging alerto na si Evan sa sarili. Iniwasan na niyang lumabas ng cabin kapag hindi na niya duty. Nang dumaong ang cruise ship sa Copenhagen ay napilit na siya ni Dimi na bumama rin ng barko at mamasyal. Yun nga lang, hindi sila magkasama ni Dimi dahil sa pangalawang araw pa ang kaibigan niya pwedeng bumaba kaya mag-isa lang siyang namasyal. Masaya niyang pinagmamasdan ang makukulay na building sa Nyhavn Harbor. Nag-selfie pa siya para sa kanyang socmed account at para makita rin ng nanay niya at mga kapatid at pati na rin ni Pamela.
Masarap sa pakiramdam ang mamasyal ng walang iniisip na problema lalo na kung maraming pera katulad ng mga sakay ng cruise ship na naglulustay ng pera araw-araw. Pero sa isang katulad niya na pinagkakasya lamang ang sahod sa kanyang pamilya, kahit nabubusog ang mga mata niya sa tanawin ay abala naman ang kanyang isip sa problema ng pagiging isang bread winner.
Tumigil siya sandali sa paglalakad ng may makita siyang rent-a-bike. Umupa siya ng bike at ginamit niya ito para makapag-ikot sa kalapit na lugar. Kung kasama sana niya si Dimi ay mayroon siyang kausap dahil madaldal ito at palakwento. May mga nagba-bike din na mga turista. Napatigil siya ng makita niya ang transman na bumihag sa kanya sa cruise ship.
Humigpit ang kanyang tiyan at huminga siya ng malalim. Nagbaba-bike din ang transman at kasama ang seksing babae na nakita niya sa cruise ship na kaakbay nito. Bumuga siya ng hangin. Bumalik na naman sa isip niya ang mga naganap. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Iginala niya ang paningin pero maraming mga turista at halos naman ay mga puti ang nakikita niya. Pero paano kung amerikana ang humalay sa kanya? Baka nga, sa isip niya. Ang transman lang ang nakakaalam kung sino ito.