MALAKAS NA nagbuga ng hangin si Tiffany. Tinapos niya ang lahat ng unfinished homeworks at activities sa loob ng ilang oras. Kumbaga sa trabaho, rush. Hindi pala biro ang ganoon. Gusto na niya humilata sa higaan niya at saka matulog maghapon subalit may party pa siyang kailangang daluhan. Inayos niya ang gamit niya at mabilis na nagpaalam sa guro niya. Dire-diretso na siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang gate. Sakto at may dumaan agad na bus. Pagbaba niya sa bus ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang bahay at pumasok sa kanyang silid. Padapa niyang ibinagsak ang katawan kasabay ng pagpikit ng mga mata. Sobrang pagod talaga ang nararamdaman niya at ang tanging nais niya lang gawin ay matulog. Mamaya pa namang gabi ang party at may ilang oras pa siya upang makapagpahinga. I n

