CHAPTER 33 – A SHARE OF TREAT KUNG ILANG BESES NIYANG NAHULI NA PANGITI-NGITI SI DION. Pakanta-kanta pa ito habang hinihintay na mailapag ang pagkaing inorder nila. Isang restaurant pala iyon na ang may-ari ay isang Chinese at Filipino katulad ng angkan ng lalaki. Kabisado nito ang lahat ng nasa menu booklet. Suki na yata ito sa lugar na iyon. Nang magtama ang kanilang mga mata at agad siyang bumaling sa ibang direksyon. Pero mukhang huli na. Nakita na siya nito. “Let’s eat,” aya nito sa kanya. “Mas masarap kumain kapag mainit pa,” dagdag pa na sabi nito. Tumango lang siya saka itinuon na ang pansin sa pagkain. Kahit na nahihiwagaan siya sa ikinikilos nito ay pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan. “Kain ka lang. Ang dami ng mga ito oh,” anito. “Sige, salamat.” Muntik na siyang m

