Chapter 32 - Reposted

1127 Words

NAGISING SIYANG WALA NG KATABI SA KANYANG KAMA. Nilingon niya ang orasan na nasa mesa. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makitang alas siyete na ng umaga! Tiyak na mahuhuli siya sa klase kung babagal-bagal pa siya sa pagkilos. Mabilis na tumayo at hinablot ang tuwalyang nakasabit sa kanyang tokador. Isinuot ang tsinelas at diretsong pumasok sa loob ng banyo. “Ah!!!” sigaw niya. “Ah!!!” sigaw rin ng lalaki. Kapwa sila nanlaki ang mga mata. Nang tumalikod ito ay tinakpan naman niya ang mga mata. “Ano ba ang ginagawa mo dito sa banyo ko?!” tanong niya. “Ano ba dapat ang ginagawa sa loob ng banyo?” balik tanong nito sa kanya. “Ang ibig kong sabihin ay bakit dito ka sa banyo naligo?!” inis niyang sabi. Buong akala pa naman niya ay umalis na ito at nag-iisa na lang siya sa bahay. Wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD