MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ ISANG NAKAHALUKIPKIP NA SI DION ANG TUMAMBAD SA KANYA MATAPOS BUKSAN ANG PINTO. Kitang-kita niya kung paano unti-unting kumibot ang labi nito. Ngumisi itong parang may napanalunan sa isang contest o di kaya ay sabungan o lotto. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya nakalabi. "Nandito ako para matulog," sagot nito saka nagtuloy sa pagpasok. "Mahirap na, baka kung ano ang mangyari sa iyo dito." "Hindi mo naman kailangang gawin ito Dion. Walang masamang tao dito sa amin," pangangatwiran niya. "Paano ka nakasisiguro? Isa pa, babae ka. Kahit na sino ay magkaka-interes na pasukin dito lalo pa at wala kang kasama." Diretso itong umupo sa mahabang sofa. "Okay, sige matutulog na ako." Inirapan niya ito. Wala na siyang magagawa dahil hindi rin naman

