MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ DUMAAN SIYA SA ELITE ROOM NGUNIT NAKA-LOCK NA IYON. Marahil ay wala roon ang tatlog umuukopa ng silid. Mabilis niyang kinuha ang notebook at tiningnan ang schedule ni Dion sa araw na iyon. Kailangan niya lang na i-double check ang mga activities na pinangungunahang pamahalaan ng lalaki at ang event na iyon ay ang acquaintance party. “Nasaan kaya si Dion ngayon?” “Tiffany,” tawag sa kanya na agad niyang ikinalingon. Si Zack kumakaway habang papalapit sa kanya. May ipinapahiwatig ang mga ngiti nitong nakakahipnotismo. “Ikaw pala Zack. Hindi mo ba kasama si Dion?” tanong niya. Lalo niyang ipinagtaka ang pagtikhim nito. “Bakit?” Dahan-dahan itong gumilid at tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Tyron na gumilid din sa kabilang bahagi saka lumit

