MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ “TIFFANY, KUNIN MO ANG PANYO,”sabi ng isang pamilyar na boses. Napatingin sa ibabang bahagi kapantay ng kanyang paa ang isang kamay na may panyo. “Alam kong ikaw iyan, iiyak mo lang iyan,” sabi pa nito. “Bakit ka pa pumunta rito? Baka kung ano ang isipin sa iyo ng mga estudyante na nandito ka sa loob ng comfort room ng mga babae,”aniya. “The hell I care!”pagalit nitong sagot. “Bakit ba sila ang iniisip mo? May sarili kang isyu kaya iyon ang isipin mo. Hayaan mo sila.” Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Kahit kailan talaga lagi itong galit magsalita. “Isyu ko nga ito eh bakit ka nandito? Isyu mo rin ba?”aniya habang pinupunasan ang mga matang hilam sa luha. “Ah…” Nahirapan ang lalaki na sumagot. “Ah, sino may sabi na isyu ko rin ito? Na- napada

