MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ “APO, BAKIT ANG DUMI NG DAMIT MONG ITO?”tanong ng kanyang lola nang makita nito ang nilagay niya sa laundry basket. Kakarating niya lang sa kanilang bahay at agad na dumiretso sa sariling silid upang magbihis. “La! Nakakagulat naman po kayo!”Nakatalikod siya kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng matandang babae. “Ano ka ba namang bata ka! Hanggang ngayon ba naman ay magugulatin ka pa rin,”sagot nito saka dinampot ang laundry basket. “Nadapa lang po ako kanina kaya nadumihan iyan. Ibababad ko na lang po yan para matanggal ang mantsa.” Kinuha niya ang hawak nitong damit niya. “La, ako na ang maglalaba niyan. Ayusin ko lang po muna ang mga gamit ko,”sabi niya. “Ako na apo. Kaunti lang naman ito.” Humakbang na ito palabas ngunit natigilan nan

