MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ PASAKAY NA SIYA NG BUS NG BIGLANG TUMIGIL ANG ISANG MAGARANG KOTSE SA KANYANG HARAPAN. Sino naman kayang mayabang na nagmamaneho ng sasakyang ito? Tiyak na thirty minutes pa ang hihintayin niya para sa susunod na dadaang bus.’Teka, parang kilala ko ang kotseng ito?” Nag-slow motion pa ang paglabas ng isang lalaki na may suot na shades. Sa porma nito na nakasuot na jacket na tila lamig na lamig kahit mataas na sikat ng araw at ang relong nakita na niya dati! “Dion?!” Laglag na naman ang panga niya. May lahi ba itong kabute? “Ano ang ginagawa mo dito?” “That is a good question. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Hmmnn…” Sumandal ito sa pintuan ng dalang sasaykyan saka humalukipkip. “Don’t tell me hindi mo alam ang dahilan? O may dinaanan ka na nama

