THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 27 THE AFTERMATH PART 2 CHANTAL’S POINT OF VIEW. “BAKIT mo nagawa ‘yun, Chantal? You almost died! We almost lost you!” Napapikit ako sa aking mga mata ng sabihin iyon ni Mommy at muli ko na namang narinig ang kanyang pag-iyak. Dalawang araw ako sa loob ng ICU at na-coma ako ng isang araw. Ang sabi ng doktor ay nasobrahan na ng toxins ang aking katawan kaya tuluyan na itong bumigay ng nagpe-perform ako. Nalaman na din ng aking pamilya ang kalokohan na aking ginawa at ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa hospital. Muntik na rin na ipahuli ang aking kaibigan na si Christine at ang pinagkukunan ko ng pills na si Joshua nang malaman ni Mom ang totoo, pero ginawa ko ang lahat upang hindi ito natuloy dahil wala namang kasalanan si Christine at tinak

