THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 40 FELT BETRAYED CHANTAL’S POINT OF VIEW. “GOOD morning, baby….” Napakurap kurap ako sa aking mga mata at napatingin kay Jayden na nakayakap ngayon sa aking likuran. Nginitian ko siya at dinampian ko ng halik ang kanyang labi at humarap ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na magkasama na kami ngayon sa iisang bahay ni Jayden. “Good morning, Jayden. Wala ka bang trabaho ngayon? Malapit na mag alas otso ng umaga,” sabi ko sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Nakita kong sumimangot ang pisngi ni Jayden kaya bahagya akong nagtaka. “Oh, bakit ka nakasimangot diyan?” tanong ko sa kanya. “Jayden lang ba talaga ang itatawag mo sa akin?” Mas lalo akong naguluhan sa kanyang naging tanong sa akin ngayon. “Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Syempre, Jayd

