THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 39 JAYDEN’S HOUSE CHANTAL’S POINT OF VIEW. NGAYON ang araw na lilipat na ako doon sa pamamahay ni Jayden, pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking isipan ang aking nakuhang sulat at nandito pa rin siya sa akin… hindi ko siya tinapon dahil baka magamit ko ito sa hinaharap. “Chantal anak, kaya mo bang maglakad na ikaw lang mag-isa?” tanong ni Mommy nang mapalapit siya sa akin at inalalayan niya ako. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Don’t worry, Mom, kaya ko pong maglakad na ako lang po mag-isa,” nakangiti kong sabi sa kanya. Paalis na kami ngayon sa hospital at didiretso na kami sa bahay ni Jayden. Bago ako makapag lakad ulit ay nakita ko si Jayden na nagmamadaling maglakad palapit sa akin at hinawakan niya ang aking bewang at ang aking braso ka

