THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 38 THE PAPER CHANTAL’S POINT OF VIEW. HANGGANG ngayon ay hinahanap pa rin kung sino ang nagtangkang lumason sa akin. Inaayos na rin ang mga papeles ko rito sa hospital upang tuluyan na talaga akong makaalis dito. Totoo na talaga na sa bahay ako ni Jayden titira pansamantala. Hindi ko alam kung bakit napapayag kaagad ni Jayden ang aking Mom at Dad, lalo na si Mommy na galit pa kay Jayden ng dahil sa nangyari sa akin. Kahit na doon na ako sa bahay ni Jayden ay tuloy pa rin ang therapy session ko sa aking mga paa upang tuluyan na akong gumaling. May personal nurse din ako doon sa bahay ni Jayden at ang si Jayden ang mag ha-hire ng nurse na tutulong sa akin. Ang sabi niya naman ay safe doon sa subdivision kung saan ang bahay niya. “You need to decide ku

