Paglalahad ng Manunulat KALAGITNAAN na ng gabi ngunit hindi pa rin mapakali si Agnes, hanggang ngayon ay wala pa rin ang kan’yang anak na si Liwayway. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari rito dahil sumugod siya sa labanan. Siya lamang ang tao sa bahay, nagpa-iwan si Benj sa bahay ng kan’yang amang si Leo. Lakad lang siya nang lakad ngunit wala naman itong direksyon na patutunguhan. Halos maikot na niya ang kabuuan ng bahay sa paglalakad habang kinakabahan at umuusal ng dasal. Minsa’y mauupo at muli ay lalakad. ‘Panginoon, huwag niyo pong pababayaan ang anak ko,” dalangin niya. Sa kabilang banda, ang binatang si Benjamin ay kasalukuyang patungo sa bahay nina Liwayway dahil gusto niya itong makatabi sa pagtulog, ibig niyang gumawa ng baby muli

