Liwayway MATAPOS ang matinding pagsabog, muling bumalik sa akin ang pamaypay. Kitang kita ko na ang katunggali ko ay nagtamo ng malaking pinsala. Tama! Tumalab ang pag-atake ko sa kaniya dahil nandito kami sa tubig. Kapag nandito kami ay tatablan siya ng pisikal na kakayahan ko. Humanda na siya sa akin. Sirang sira na ang paligid. Kanina ko pa iniisip kung paano pahuhupain ang mga pinsalang tubig. Kasalukuyan kaming nakalublob pa sa ilalim tubig. Nagulat ako kung bakit nakahihinga ako ngayon, dahil siguro sa kapangyarihan ng pamaypay. Muling nakatayo ang kalaban ko, sa pagkakataong ito ay kailangan maging matalas ng aking pag-iisip. Lumikha siya ng dalawang matulis at matalim na espada na gawa sa tubig. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang papalapit sa a

