Liwayway Nang makabalik si Benjamin ay maybibit siyang basahang itim. Tumayo ako para kuhain ‘yon sa kaniya.“Ako na magpupunas, nakakahiya.” “Ako nalang. Ako naman ang may kasalanan,” nakangiting wika nito. Hindi ko na siya napilit. Mabilis lang nang matapos niyang punasan ang likido na kumalat sa kanilang sahig. “Salamat,” saad ko. Nakakahiya naman, siya pa ang gumawa no’n. Alam kong bisita ako pero I want to do it kasi ako naman ang nakatabig sa bote. “Paraa saan?” tanong nito. “Kasi ang bait mo,” nahihiyang ani ko. Iyong ibang tao kasi kapag natapunan mo or nabasa mo ang suot nila ay magwarla na agad sa ‘yo. Buti nalang at hindi siya ganoon. “Sus, baka lumaki ulo ko niyan,” nakangising sagot niya. Tinabi niya ang ba

