Liwayway
“Bakit nga pala may takot ka sa aso?” tanong sa akin ni Benjamin. Nakabalik na siya galing kusina. Hindi lang sarili niya ang dala niya ngayon kung hindi ang isa sa mga bagay na na-miss ko at ito ay ang ilang box ng light alcohol drink at iba’t ibang foods to serve as our pulutan. Binaba niya muna ang mga hawak niya table bago ko sagutin ang tanong niya.
“Nakagat na kasi ng aso when I was 5 years old. So, nagkaroon na talaga ako ng minor phobia when it comes with dog na malalaki at wild,” paliwanag ko.
Jusko mga ghorilya hinding-hindi ko malilimutan iyong experience ko na iyon. Akala ko ay katapusan ko na that day kasi alam niyo ba, hindi pa uso noon ang mga anti rabies kemerut although mayroon na pero hindi pa siya medyo maingay kasi ng probinsya vibes nga ganern. Mayroon namang alternative, Tawak pa ang tawag sa amin no’n, iyong hihiwaan ng marami ang binti mo ng blade tapos papaduguin at lalagyan ng bato. Kapag madikit ata eh, marami daw rabies ganern. Basta hindi ko na tandan ang buong proseso pero ghorl, masakit. Ibig-ibig ko ngang ipalamon sa babaeng naggagamot sa akin iyong blade na pinanghihiwa niya sa hita ko. Hindi recommended ang gan’on ng mga practice ng professionals pero mukhang effective naman sa akin kasi ilang taon na ako at still nandirito, buhay pa rin ang lola niyo!
“Ahhh… kaya pala, alam ko na ngayon,” saad ni Benjamin. Nag-umpisa na siyang magbukas ng dalawang bote ng alak. Mayari ay binigay sa akin ang isa. Napapansin ko na ang friendly niya but at the same time I also noticed na bakit wala siyang kasamang ni isang friend ngayong neeed niya ng presence nila? Hmmm…
“True, kaya no to dogs talaga ako. I mean, ayokong mag-alaga ng aso sa bahay ganern,” hayag ko. Hindi naman sa no to dogs na aabusuhin at sasaktan na sila. Basta iyong type na ayoko lang na malapit ang presence nila sa akin. Keri na iyong kita-kita lang pero distancing is a must.
Tumungga ako ng alak at dumukot ng ilang piraso ng pulutang hinain niya.
“Me? I am a certified dog lover forever!” pagmamalaki nito. Sino kayang may pake? Char!
“Halatang halata nga kahit hindi mo na sabihin,” ani ko. Parang ang hot lang tignan kapag may dog tapos naglalakad iyong may aring hot na lalaki then naka-topless. Tapos kinda some moments pa napapaliguan ang aso then may mga little water drops sa body ng amo. Huhu, my imaginations talaga.
Napansin ko na parang na sanay na sanay na si Benjamin sa pag-inom, tuloy tuloy ang pagtungga niya e. Binaba ko ang boteng hawak ko sa lamesa dahil may gusto lang akong tinanong sa kaniya.
“May tanong ako,” seryosong wika ko. Natigilan siya sa pag-inom, tumingin sa akin at nagpukaw ng ekspresyon na nagpapahiwatig na maaari ko nang ihayag kung ano man ang nais kong itanong sa kaniya.
“Wala ka bang friends?” maingat na tanong ko. Syempre maypagka-sarcastic ako minsan at ayokong maging insensitive ang tono ng pananalita ko ngayon dahil malungkot ang kasama ko. Buti nalang at naisipan ko ring itanong ito.
“Luh? Mayroon naman no. Bakit mo natanong?” sagot niya. Ayon, at mayroon naman pala adi tapos na ang usapan.
“Nothing, akala ko lang ay wala kasi parang sad boi ka riyan. Wala kang masabihan ng probs mo,” pag-amin ko. Kinuha ko muli ang bote ng alak sa lamesa at tumungga.
“Sus, hindi naman ako sobrang nerdy at lonely para mawalan ng friends. Trip ko lang sa iba makipag-usap, bawal ba iyon?”
“Oo nga no. Sabagay, puwede naman!” saad ko. Napangisi siya sa akin at dumukot ng tinga, char! Kumuha ng pulutan kineme.
“Nga pala, hatid nalang kita sa inyo mamaya ah,” malambing niyang saad. Aray, ang puso ko. Ang sweet niya. Feeling ko tuloy e magjowa na kami ng super instant gano’n. Shuta, ayan na naman ako sa day dreaming ko.
“Talaga ba?” paninigurado ko.
“Yup, it’s my obligation. Ako nag-aya sa iyo,” Ngumiti siya at ngitian ako. “Ayaw mo ba?” tanong pa niya.
“Hindi naman sa ayaw pero baka mamaya e malasing ka ng todo. Ma-aksidente pa tayong dalawa,” dahilan ko. Looking to a bigger picture lang mga mare pero sa negative side no, charot!
“Cheers nga,” wika nito. Pinaglapit namin ang hawak naming mga alak at pinagdikit. Hindi na niya sinaulo pa ang sinabi ko.
“Dami mong alam! HAHA!” Tumatawang salita ko.
“Funny nito,” saad niya and we laughed na nga through tick and thin. Sabe? HAHAHA. Wala!
“Ayon nag-smile ka na ulit, yiee!” pang-aasar ko. Nakakakilig siyang tumawa. Ang sharap mahalin. Emerut! HAHAHA!
“Oy, thank you ha dahil sumama ka sa akin kahit pa tayo gano’n magkakilala,” wika niya. I felt his genuine appreciation by the tone of his voice.
“Na-budol mo ata ako kaya ako napasama agad ako sa ‘yo,” pang-aasar kong muli. I want to make him laugh more. Gusto ko siya na maging masaya ngayon at ma-forget kahit paano ang pain all the pain he feels right now.
“Wow, chix ka?” tanong niya.
Ay gusto niya ng asaran ha! Puwes pagbibigyan ko siya. Alam niyo namang may PhD ako when it comes to gaguhan. ‘Di ba?
“Hoy, mukha kang alipungang nilalang!” sagot ko at inirapan siya. Napa-hagikgik ulit siya sa tawa. Muntik ko nang maiduwal ang alak na nasa bibig ko dahil sa reaksyon niya. Ini-relax niya muna ang sarili bago nagsalita…
“Grabe naman sa alipunga! Guwapo ko kaya,” depensa nito matapos ay nagkagat labi pa.
“Itchura mo, Benji Banana!” mahina ko siyang hinampas ng unan na nasa tabi ko. Lasing na ata kaming dalawa. Buti naman at go lang siya sa mga ganitong eksena.
“Naka-amoy ka na ba no’n?” tanong nito sa akin.
“Oo, sa akin. Bakit? Gusto mong amuyin?” pagmamalaki ko. Pero charot lang wala akong alipunga no. Kalandian mana pa mayroon pero alipunga ay wala nes. Bigwasan ko kayo riyan!
“Shet! Kadiri ka!” untag nito at tumawa ng malakas. Kung makatawa naman ire, akala mong magsusuklob na ang langit at ang lupa mamaya kaya nilulubos-lubos na ang kasiyahan.
“Masaya ka na niyan?” tanong ko. Hindi siya sumagot at apura lamang sa pagtawa. “Para akong kumakausap sa kahoy! Uuwi na ako,” dagdag ko pa at akmang tatayo na.
“Hoy, saglit lang,” Hinila niya ang kaliwang kamay ko at naging dahilan iyon upang matanggi ko ang isang bote ng alak na iniinom ko kanina. Tumapon ang natira nitong laman sa kanya at nabasa ang suot niyang short at damit.
“Sorry, hindi ko sinasadya,” hingi ko ng pasensya. Kinuha ko ang bote ng alak at pinatong ulit ito sa lamesa niya. “Nasaan ang basahan niyo, ako na ang magpupunas?” Nataranta tuloy ako habang lumilinga-linga sa paligid.
“Relax ka lang. Wala lang ito, nandito naman ako sa amin, hubarin ko nalang,” saad niya. Without any say, tumayo siya at hinubad na nga ang suot niyang pang-itaas sa harapan ko.
Instantly, ito at natunganga ako sa harapan niya. Nakakagutom ang katawan na nasisilayan ng mga mata ko ngayon. Why naman ganiyan ka-bless iyan? Kailangan kong pigilan ang sarili ko na titigan ang katawan niya kahit na alam kong anytime ay maaari na akong ma-ulol at sunggaban siya. Charot!
“Sarap ba?” nakangisi niyang tanong.
“Ih… anong masarap? Pangit kaya, puro libag!” pagkukuwanri ko para hindi halatang halata.
“Tsk. Diyan ka lang at kuha lang ako ng basahan.” Umalis siya sa harapan ko para kumuha ng basahan.