Chapter 7: The Way

2349 Words
Liwayway             I just want to unwind muna myself from the revelations of ma’am Phinay kanina. Ang dami-dami kong nalaman na hindi ko expected na maririnig ko pala. Iyong sa mga bayaning pinatay ng mga Espanyol, iyong pamilya ni ma’am at most importantly, iyong edad niya na sobrang gurame na. Akalain mong immortal pala siya no!  Siya nga pala, hindi pa ako ready sa sinasabi ni ma’am Phinay na pagsasanay daw kung paano gamitin ang pamaypay na hawak ko para maging handa na rin kineme sa ng mga labanang magaganap. Kaya ito nag-lalakad muna palabas ng village para matanggal ang intindihin ko. Sa paglalakad ko ngayon ay pinagmamasdan ko ang pamaypay, napansin ko na parang wala namang kakaiba rito. Normal na pamaypay lang siya with touch of ancient features. It seems that, this pamaypay cannot kill a person. Hmmm…hayaan ko na nga siya. Stress free muna ako ngayon tungkol sa bagay na ito. Hindi pa talaga ako ready na pinasok iyan sa buhay ko.             “Psstttt…” Narinig ko na may bumabaswit sa likuran ko sa gitna ng paglalakad ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Ayokong maging feeler dahil baka mamaya e hindi naman pala ako ang binabaswitan niya. Hindi ba?             “Psstttt…Liwayway?” Nang tawagin ako nito sa pangalan ko ay na intriga na ako. So kilala niya ako? Mayaring makaharap ay makita kong si Benjamin ito. Nakangiti siyang naglalakad papalapit sa akin. Anong ginagawa niya rito? In all fairness, bagay sa kaniya ang casual outfit niya, sleeve less and sweat short ganern.             “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kan’ya nang makarating siya sa kinalalagyan ko.             “Ikaw ang dapat tanungin ko, ano ang ginagawa mo rito?” ani niya. Aba ako ang naunang nagtanong tapos ibabalik niya sa akin? Eh kung baliktarin ko kaya ang leeg niya? Charot!             “Ako ang unang nagtanong at syaka bakit naka-pambahay ka lang?” taray-tarayan ko. Gan’yan Liwayway, ipakita mo sa kan’ya na nakamove-on ka na sa past niyo kahit wala kayong past. Gano’n!             “Ang taray mo naman ngayon no! Mayroon ka siguro.” Ngumisi siya. “Taga-rito kasi ako,” wika pa nito. Taga-rito siya? Kaya pala naka-pambahay lang ang suot niya ngayon? Hay, Liwayway ang tanga mo talaga! So, same village lang sila ni ma’am Phinay? Okay!             “Ah kaya pala, sige,” saad ko. Kailangan kong umarte na parang cold at hindi interesado sa kaniya para pilitin niya ako na kausapain siya.             “Mamaya na, ito naman.” Pinigilan niya ako sa pag-alis ko.             “Anong mamaya na? Uuwi na ako. Ang init rito. Ano bang gagawin natin pinipigilan mo akong umuwi?”             Biglang nagbago ang reaksyon niya at mas lumapit pa sa akin. Mabilis akong na-stuck sa kinatatayuan ko ngayon at tila ba may pumipigil sa aking kakakiba at hindi ko maigalaw ang katawan ko. He made me paralyzed by simply doing this small thing. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko kung kaya’t mula doon ay naamoy ko ang masansang na amoy. Charot! Ewan ko pero bigla nalang akong napapikit dahil sa ginawa niya. Hahalikan niya ba ako kaya naghahanda mag-isa ang sarili ko?             “Ano bang gusto mo? Sabihin mo. Ako lang naman mag-isa sa bahay,” bulong nito sa akin. Ang init ng hininga niya na tila may baga itong kasama. Jusko, ako’y kinakabahan dahil baka malusaw pa ang tutule ko at maging luga pa ito dahil sa init ng hininga niya. Char! Bakit siya nagsasabi sa akin ng gan’yan? Hindi ko naiibigan ang ginagawa niya. Ih, pabibi.             “Anong sinasabi mo?” Nahampas ko tuloy siya ng ‘di oras. Imbernang lalaki ito balak pa atang pagsamanlatahan ang kahinaan na taglay ko. Inaasam niya bang bahiran ng dumi ang pagiging birhen ko?             “Aray naman!” inda niya habang hinihimas ang braso nito. “Sadista ka!” Ang over acting naman niya. Ang hina-hina lang noon.             “Ang libog mo kasi!” sigaw ko sa kan’ya matapos ay dinilaan siya na parang aso. Charot!             “Anong malibog? Wala naman akong ginawa sa ‘yo!?” depensa nito.             “Wala? Para sa iyo ay wala lang ang lahat ng iyon? Huh!? Sumagot ka!” Lumapit ako sa kaniya at winagwag ang braso nito ngunit ayaw niyang sumagot sa akin. “Che! Bahala ka nga riyan!” wika ko sa kan’ya sabay talikod.             “Tinanong lang naman kita kung anong gusto mo. Ang daming salita na agad ang lumabas diyan sa bibig mo,” salita niya sa akin habang nakatalikod ako. “Hayst, siya nga ang nag-iisip ng iba e.” Narinig ko pa ang bulong nito kaya napaharap ako ulit sa kan’ya.             “At talagang bumubulog ka pa ah! Kung sasabihin ko ba ang gusto ko, maibibigay mo ba?” paghahamon ko. Hindi manlang siya nagulat na marinig ang sinabi niya. Tignan natin kung gaano siya katapang. Wala namang dumaraan kaya keri lang.  Batid ko na pinaparinig niya talaga yung sinabi niya kaya medyo malakas ang pagkakabulong niya rito.             “Kung kaya namang gawin ay bakit hindi?” nakangiting sagot nito.             “Aba, palaban ka ha!” Ngayon ay ako naman ang dahan-dahan na lumapit muli sa kan’ya. Nang makalapit ako ay tinaas ko ang right foot ko sa harapan niya. “Kiss my shoes,” utos ko. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.             “Oh, akala ko ba fighter ka? Why can’t you kiss my shoes?” hayag ko pa nang nakataas ang kilay.             “Gago ka ba? Bakit ko naman gagawin iyon?” sagot nito sa akin. Ayan nairita na ata siya. Baka palipitin nito ang leeg ko.             “You are wasting my time!” Iripan ko sa siya sabay talikod ulit. This time hindi na talaga ako lilingon pa.             “Sandali lang.” Hinablot nito ang kamay kong nakahawak sa pamaypay ko. Bakit niya tinatarget ang lokasyon na malapit sa pamaypay? Hindi kaya kawatan siya? Ano na naman ba itong iniisip ko. As if naman may alam siya tungkol sa pamaypay.             “Bakit ba?” Kinalas nito ang paghahawak sa akin dahil sa naging reaksyon ko. Ang kulit niya ngayon. Ang chaka tuloy ng ganap namin. “Sorry kung naabala kita, gusto ko lang kasi ng kausap ngayon.” Lumungkot ang tono ng boses at ekspresyon ng mukha niya. May pinagdaraan kaya ang lalaking ito? “Bakit naman?” tanong ko. “40 days kasi ng kamatayan ng nanay ko ngayon,” sagot niya. “Sorry hindi ko alam.” Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Ang kinda sensitive ko kasi kanina. Maybe, he really needs someone to talk to today. “Okay lang iyon.” Ngumiti siya sa akin ngunit ramdam ko ang lungkot at pangungulila sa kan’yang mga mata na hindi kailan magagawang itago ng mga pekeng ngiti.Your eyes never lie. Iba man ang sinasabi ng bibig mo pero ang kinang ng mata mo ang nagsasabi ng tunay na nararamdaman mo. Kaya ramdam ko ang lungkot niya, ganoon din kasi ako nang bago-bago palang namamatay si father. “Nasaan ang father and siblings mo?” usisa ko. I don’t know if it’s okay to ask but I just wanna know kasi parang super lungkot niya at bakit wala siyang mapagsabihan ng lungkot na iyon.              “I am just alone now. I’m only child and my father left us when I was just a child,”  hayag niya. Aws, hindi ko alam na ganito ang sitwasyon niya. Paano siya nabubuhay, I mean kaya siya kumukuha ng allowances for school? Ako, wala na akong father pero ang suwerte ko pa rin kasi nand’yan sila mama at ate.             “Kaya ba pumasok ka sa pagiging rider to make your ends meet?” tanong ko sa kanya. Hindi kasi halatang hirap na hirap siya sa buhay. Noong nag-deliver siya sa akin ay ang porma niya at itong mga suot niya ngayon ay prang mga branded din. Kaya nagtataka ako kung bakit working student siya o baka naman pinili lang niya iyon dahil gusto niya pero hindi malaki pala ang rason niya for doing it so.             “Yes, ako nalang ngayon kaya kailangan kong sustentuhan ang pag-aaral ko. Hindi na kasi sakto iyong pera na naipon ni mommy na iwanan sa akin para matapos ko ang year na ito,” paliwanag niya. Alam niyo, nakikita ko si Merin sa kan’ya. Self-provider din kasi si bakla katulad ni Benjamin pero kagaya ni Merin ay alam kong matatag din siya. Pero minsan talaga ay hindi mo maiiwasan na malungkot kasi parte naman talaga iyon ng buhay ih.             Inaya niya ako sa bahay nila. Ang weird naman kasi kung dito sa kalsada nalang kami mag-uusap. Hindi ako nagdalawang isip at kusang loob nalang akong sumama sa kaniya. Ewan ko, maawain kasi talaga ako. Mukhang wala naman siyang gagawing masama sa akin dahil naku ipapanguya ko talaga sa kan’ya ng buo ang pamaypay na hawak ko. Makikita niya. HAHAH, charot!             Hindi kalayuan ang bahay nila mula kay ma’am Phinay. Medyo ilang bahay lang siguro ang pagitan. Malalaki ang mga bahay sa village na ito kaya hindi na ako nagtaka kung bakit malaki rin ang bahay nila Benjamin. Nasa labas palang kami ng gate ay naririnig ko na ang mga asong nagtatahulan sa loob. Marami siguro siyang alagang pusa? Charot!             “Pasensya na sa aso ha, maiingay,” wika nito.             “Oks lang iyon. Ito naman,” sagot ko. “Tara pasok na.” Binuksan nito ang gate at inaya akong pumasok sa loob.             “Shetttt!” Nagulat ako dahil sa laki nang aso na sumalubong sa kanya. Black and white ang kulay nito at nakakatakot ang dambuhala nitong bibig at malalaking mga ipin.  “Hoy, Benji Banana!? Ayoko nang pumasok sa loob ang daming aso,” wika ko sa kan’ya nang matanaw pa ng aking mga mata ang isang pang-aso na police dog ata iyon. Kulay brown siya, at ang laki pero nakakulong naman.             “Hindi iyan, nandito naman ako,” paglalakas nito ng loob ko. Medyo kinilig ako roon pero ayoko pa ring pumasok, natatakot kasi talaga ako sa mga aso.  Nagkamali ata na sumama pa ako sa kaniya. “Nandyan ka muna,” wika nito sa akin. Nakita kong hinawakan niya sa tali iyong isang husky upang mailayo sa daraanan ng prinsesa niyo.             “Anong gagawin mo?” Hindi siya sumagot pero nakita kong binuksan niya ang isang kulungan at pinasok doon iyong aso. Mas mabuti na ang ginawa niyang iyan. Humarap muli siya sa akin at inaya ulit akong pumasok…             “Sure ka bang wala nang asong naglipana riyan?” paninigurado ko. Baka kasi mamaya ay may biglang sumulpot na naman sa gilid-gilid at malaglag pa ang bahay tae ko. Char!             “Wala na. Nakita mo namang kinulong ko na ‘di ba?” Mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya pumasok na ako.             “Dog lover ka pala,” saad ko nang makalapit ako sa kan’ya.             “Oo. Totoo kasi ang kasabihan na your friends may leave you, but your dogs will not, unless nalang kapag namatay sila,” nakangiting sagot nito sa akin. Parang hindi na siya masyadong sad ngayon. Siguro iyong mga dogs niya ang nakakatulong sa kaniya upang mabawasan ang emotional pain niya.             “Tama naman! Bongga sa hugot no!” ani ko.             “Oy, wala ha!” depensa nito. Binuksan niya ang main door ng bahay nila at pumasok kami.             “Ikaw lang talaga mag-isa rito?” tanong ko. Ang laki kasi ng bahay para sa kaniyang mag-isa. Second floor ito at ang luwang luwang ng space tapos iisang tao lang ang nakatira? Hindi kaya siya natatakot dito na mag-isa?             “Oo, ako lang,” sagot niya. Nililibot ko ang paningin ko sa buong bahay haggang sa naisipan niyang paupuin ako sa kanilang living room. Doon ay napansin ko agad ang picture sa tabi ng altar na may dalawang kandilang naka-sindi sa magkabilang gilid nito.             “Siya si Mama.” Tinuro niya ang litrato na nasa tabi ng altar. Gano’n talaga kapag 40 days ay tinutulusan ng kandila ang litrato ng umayo. Maganda ang mama niya at magkahawig silang dalawa. Siya ang lalaking version. Kahit na medyo may-edad na ay angat pa rin ang angking kagandahan ng lola niyo.             “Saan nakaburol si tita?” tanong ko. Tita talaga? Oo naman, ano gusto niyo tito? Charot!             “South Memorial of North Cementery,” sagot nito sa akin.             “Ahh…doon din naka-libing ang papa ko, hihi.” Binanggit ko iyon dahil gusto ko lang na ma-realize niya na hindi lang siya ang nawalan ng magulang kaya the are still lots of reason to continue living.             “Oh, patay na rin ang papa mo?” gulat na tanong niya.               “Ay hindi buhay pa. Sinabi ko lang patay na kasi wala akong maisip na sasabihin at namamahinga lang siya roon. Bet niya kasing tumambay sa sementeryo after work. Shuta ka! Syempre yes, wala na si papa kaya nga naka-libing na e.”             “Tinatanong lang naman daming sinabi,” ani niya.             “Sinabi ko na kasi, paulit-ulit ka pa!” ako. Ngumisi siya at sumuko na sa pagiging makulit ko.             “Btw, do you drink ba?” tanong nito.             “Hmmm… yes, pero soft lang ah.”             “Nice! Anong gusto mong inumin?”             “Anything, basta soft lang,” ako. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakainom kaya parang gusto ko ngayon.             “Game na game ka ha! Sana lahat ay g lang,” nakangiti niyang saad. Napaghahalataan tuloy na mahilig siya sa alak.             “Mga more than a month na rin kasi akong hindi nakakainom kaya why not try ngayon ‘di ba?” dahilan ko.             “Oh, sure! Wait me there, kukuha lang ako sa fridge.” Tumayo siya at pumunta sa kusina niyo, ay nila pala. Hihi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD