Liwayway
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa kahabaan ng daan dito sa isang old village na matatagpuan kung saan man. Hinahanap ko ang bahay ni ma’am dahil sabi niya ‘di ba naise-send niya raw sa akin ang address niya at gorahan ko raw siya roon. May sasabihin ata siya. Ewan ko ba kay ma’am ang weird niya. Sunday ngayon at ako lamang mag-isa ngayong araw dala ang aking pamaypay at payong. Tanghaling tapat na at medyo mainit ang ihip ng hangin pati na rin ang sikat ng araw buti nalang at mayroon akong dalang proteksyon upang maging safe ang skin ko. Sayang kasi ang skin care kapag na expose lang sa harmful UV rays.
115 ang number ng bahay ni ma’am Phinay at nandito pa lang ako sa tapat ng bahay na mayroong 110 na number. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang matanaw ko ang malaking bahay na may number na 115. Ito na siguro ang bahay ni ma’am. Mukhang siyang sinaunang bahay ng mga mayayamang Pilipino noong sinaung panahon. Magara siya, simple pero tingining engrande. Dahan-dahan akong lumapit sa gate at nag-dorbell. Imperness ha! Kahit luma yung bahay ay may pa-doorbell si madam.
Matapos kong mapindot ang doorbell ay napasin ko ang ilang usok na nagmumula sa loob ng bahay ni ma’am. Nasusunog ata ang bahay niya? Hmmm… ano kayang eksena roon? Walang lumalabas sa bahay niya kaya inulit ko ang pag-doorbell ko.
“Nandyan ka na pala.”
“Wah!” Napahiyaw ako ng malakas nang may bigla nalang nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako rito at nakita kong si ma’am Phinay iyon. Omg, my heart.
“Nakakagulat ka naman ma’am. Paano po kayo nakarating diyan?” gulantang na tanong ko. Paano nga ba siya nakarating sa likod ko eh hindi pa naman nagbubukas ang gate nila?
“Galing ako sa palengke, gaga! Ito oh,” sagot nito sa akin at inangat ang mga dala niyang plastik. Ay shuta. Akala ko naman ay na-engkanto na si ma’am. Kinabahan pa ako kanina.
“Shuta ka po ng slight ma’am. Natakot po ako,” pag-amin ko. Kinuha ko na ang isang plastik na bitbit niya upang tulungan siya dahil alam kong mabigat iyon. Gentlewoman din ako minsan no! Minsan nga lang. HAHAHA! Charot!
“Ma’am , nasusunog ata ang bahay niyo. Bakit para pong may usok sa loob?” tanong ko kay ma’am na ngayon ay hinahanap ang susi ng gate nila. Ibig sabihin nito, kung nakakandando ang gate ay walang tao sa loob? Hindi ko napansin na naka-lock pala ang gate. Lutang ka, Liwayway! Lutang! Pero bakit may usok nga sa loob kung wala naman palang tao?
“Huwag mong pansinin ang mga usok. Hindi na iyan bagong gawain sa akin. Nag-aalay ako ngayon sa mga Diyosa,” seryosong wika ni ma’am. Ano raw? May sapak ba siya sa ulo? Sinong matinong tao ang magpapa-usok sa loob ng bahay nila at iiwanan itong mag-isa? Buti nalang at hindi nasunog ang bahay nila.
“Marahil ay nagtataka ka, hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat sa iyo mamaya sa loob,” dagdag pa nito. Binaba niya ang plastik na hawak niya upang matanggal ang pagkaka-lock ng gate at binuksan ito. Weird talaga ni ma’am.
Pumasok siya sa loob at sumunod nalang ako sa kan’ya. Oras na makapasok ako ay agad na bumungad sa akin ang mga green things, katulad ng mga maraming halaman na mayroong mga makukulay na bulaklak at iba-ibang refreshing things to be found in nature.
“Plantita rin po pala kayo, ma’am,” hayag ko habang paakyat kami ng hagdan patungo sa pintuan ng bahay niya. Hindi ito sumasagot sa akin bagkus ay patuloy lang sa paghakbang ang kaniyang mga paa. Hindi naman pala masyadong creepy sa bakuran ni ma’am. Pero baka sure ako na puno ng ahas ang kan’yang bahay dahil sa dami ng kung ano-anong uri ng halaman na nakapaligid dito.
Binuksan ni ma’am ang pintuan ng kaniyang tahanan at bumugad sa akin ang amoy ng usok. Wala pala itong amoy. Basta usok lang siya. Normal na usok lang gano’n. Madilim sa bahay ni ma’am dahil nakasarado ang mga bintana gayunpaman kakaiba ang amoy ng bahay niya gawa ng mga iba’t ibang bagay na mayroon sa loob nito. Puro mga antique pa ata ang mga gamit niya. Kaagaw-agaw ng pansin ang mga malalaking rebuldo ng tao na naka-display sa gilid sa pasilyo ng bahay. Alam kong hindi ito mga santo or related sa christian religious practices ganern. Basta para siyang inukit na tao sa kahoy at bato, tapos para silang may mga textures na tattoo sa mga balat nila.
Pina-upo ako ni ma’am sa sala niya at nagtungo naman siya sa kusina. Dahil ako lang mag-isa ngayon dito ay libre akong igala pa aking paningin sa bawat sulok ng bahay ni ma’am na maaabot nito. Sa harapan ay nakita ko ang mga pagkaing nakahain sa mga rebuldo habang may mga bagang umuusok sa gilid nila. Huh? Ano kayang trip ni ma’am sa buhay niya? Bored kaya siya?
Medyo mainit sa loob hindi naman kasi pinaandar ni ma’am ang electripan niya. Baka naman nakalimutan niya lang siguro, kaya upang hindi lumabas ang mga butil ng pawis sa aking noo ay puro pagpaypay ang ganap ko. Ano kaya ang ichichika sa akin ni ma’am at pinapunta pa niya ako rito ng mag-isa?
“Ang chaka mo! Ang chaka mo!”
Nagulat ako dahil may bigla na namang nagsalita. Sino iyon? Alam kong ako lang mag-isa ngayon dito at wala akong kasamang iba. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang ibong itim na nakakulong sa isang maliit na hawla. Siya kaya ang nagsalita?
“Chaka mo!” saad ng ibon. Confirmed siya nga ang nagsalita. Tataas ang presyon ko sa bahay ni ma’am. Parati akong nagugulat. Siguro ay Martines ang ibon na ito kaya may kakayahan siyang makapagsalita.
“Mas chaka ka, gaga! Itim itim mo!” sagot ko at inirapan pa siya. Itchuserang ibon na ito. Wala akong time sa kan’ya ngayon. Badtrip ako dahil ang tagal lumabas ni ma’am mula sa kusina. “Iyi-ihaw kita sa mga bagang na sa harapan kapag hindi ka tumigil riyan,” pananakot ko pa. Buti naman at hindi na siya sumagot pa sa akin.
Nang mapadako ang panginin ko sa taas ng kisame nila ma’am ay nakita ko roon ang isang malaking larawan ng mga sinaunang Pilipino na naka-ukit sa kisame. Baka naman nandiyan pa si datu Lapulapu? Jusko. Hindi maikakaila kay ma’am ang pagmamahal at passion nito pagdating sa kasaysayan ng bansa dahil kung susumahin ay pati design ng bahay niya, mayroong impluwensya nito.
Sa wakas ay nakita ko na katawang lupa ni ma’am na lumabas nang kusina na may dala inumin. Inayos ko ang sarili ko bago niya ako ma-sight.
“Handa ka na bang malaman ang pinunta mo rito?” bungad agad niya sa akin. Binaba niya ang inumin sa lamesa at inalok akong tikman ang hinanda niyang inumin. Tagal tagal niya sa kusina. Juice lang pala ang ipapainom niya!?
“Kayo lang po mag-isa dito ma’am?” usisa ko. Kanina pa kasi ako walang napapansin na kahit sinong tao sa bahay. Ni picture ng mga bata ngayong 21st century ay walang naaninag kaya ko naisipang itanong. Wala namang masama no, nais ko lang naman malaman. Matapos kong makapagtanong ay tinikman ko ang inuming dala niya. Matamis ito at malasa.
“Tama ka, ako lang mag-isa rito sa bahay. Siguro ay napansin mo ang pagiging tahimik ng bahay at pagiging kakaiba nito. Wala na kasi akong pamilya, mahigit limang daang taon ko na silang hindi kapiling simula nang patayin sila ng mga espansyol,” malungkot na ani nito. Muntik ko nang maidura ang iniinom kong juice dahil sa sinabi niya.
“Ma’am, anong Espanyol ang sinasabi niyo? Syaka anong mahigit sa limang daang taon na po? Ma’am napakatagal na no’n, what I mean po is that your contemporary family. I know na iyong mga families mo na pinatay ng mga Espansyol ay mga ninuno mo pa iyan ma’am,” mahabang paliwanag ko kay ma’am. Ayan kasi at pinagpapatuloy ang pag-aadik kaya gan’yan ang naging resulta sa kaniya. Char! Baka naman puyat lang si ma’am kaya naman kung ano ang lumabas sa bibig niya. Medyo may edad na rin siya kaya pagpapasensyahan ko nalang. I know, integrated na ang lesson na tinuturo niya sa tunay niyang buhay kaya ganern.
“Hindi ako nagbibiro at tama ang lahat narinig mo sa akin. Ang lahat ng mga tinuruan ko ay purong katotohanan at naka-akma sa aking mismong karanasan. Kaya walang lugar ang pagdududa rito,” seryosong paliwanag niya. Gusto kong matawa dahil ang convincing niya magsalita, gumagamit pa talaga ng karanasan kineme. Joke time pala ngayon nes.
“Ma’am, huwag niyo naman po akong okrayin diyan. Alam kong teacher kayo ng history ma’am kaya no doubts na maalam kayo sa ganiyan. Pero sinasabi ko lang na hindi kayo u-obra sa akin kapag ako po ang nag-okray sa inyo,” wika ko. Wala siyang naging reaksyon bagkus ay tumingin siya sa pamaypay na hawak ko. Seryosoba talaga siya sa sinabi niya?
“Kahit mahigit limang daang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nabubura sa isip ko ang deskripsyon ng pamaypay na iyan,” hayag niya habang pinagmamasdan ang hawak kong pamaypay. Ano bang pinagsasabi ni ma’am? Uuwi na nga ako! Iiwan ko na siya riyan. Baka mamaya ay gawin niya pa akong letchon dahil marami siyang baga ngayon. Charot!
“Ma’am? Okay lang po kayo?” pag-aalala ko. Nakita kong dumaloy bigla ang mga maninipis na luha sa kaniyang mga mata sa hindi ko malaman na dahilan. Wala akong ginagawa kay ma’am na kahit na ano para umiyak siya ng ganiyan. I am innocent. Ewan ko kung bakit bigla nalang siyang napahula. Napuwing kaya siya ng mga baga galing sa rebulto niya? Hmmm…
“Kung hindi lang sana sapilitang kinuha ng mga Espansyol ang pamaypay na iyan ay hindi sana tayo nasakop ng mga banyaga. Hindi sana maagang namatay ang mga mahal ko sa buhay, sina Dr. Rizal, Bonifacio at lahat ng mga dakilang bayani na buong tapang at lakas na ipinagtanggol ang ating inang bayan mula sa mga mananakop na gutom noon sa kapangyarihan at yaman. Sana ngayon ay mas responsible at maunlad ang mga Pilipino dahil napanatili natin ang ating tunay na pagkakakilanlan at mayaman na kultura,” mahabang wika ni ma’am.
Wala akong ideya kung ano ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Ngunit ayaw tumigil sa pagluha ng kan’yang mga mata. Ano naman kaya ang kinalaman ng pamaypay na ito sa pananakop ng mga banyaga rito sa ating bansa kung totoo nga ang sinasabi niya? Tila nakasama niya ang mga bayaning Pilipino kung maka-react siya ng ganiyan.
“Ang hawak mong pamaypay Liwayway ay isang makapangyarihang sandata ng sinaunang panahon. Ako ang kauna-unahang Pilipino na nakahawak niyan kung kaya’t hinding hindi ko malilimutan ang wangis nito. Ginamit ko iyan sa pagpatay ng mga kawal ni Magellan upang tulungan sila datu Lapulapu noong labanan sa Mactan. Ngunit bumalik ang mga Espansyol dito sa ating bansa na may mas malakas na puwersa at mga makabagong kagamitan pandigmaan kung kaya’t sapilitan nilang kinuha sa pangangala ko ang pamaypay na hawak mo,” pagkukuwento niya.
Makapangyarihang sandata ang pamaypay na hawak ko? Ano ba itong nangyayari kay ma’am?
“Ano po bang pinagsasasabi niyo? Patawad po ma’am pero naguguluhan po talaga ako,” pag-amin ko. Hindi ko alam kung tunay na bang baliw si ma’am or whatsoever. Char.
“Alam kong mahirap iyang paniwalaan, ngunit kailangan mong maniwala, Liwayway,” sagot nito. Ngayon ay tumigil na ang kaniyang mga mata sa paglabas ng mga maninipis na butil ng mga luha na nagpapahayag ng kaniyang emosyon ukol sa pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. Kinuha nito ang isang baso na puno ng tubig at uminom upang mapawi ang mga laway na nagamit niya sa pagkukuwento niya na hanggang ngayon, nakuha ko man ang ideya pero hindi pa rin ako naniniwala kung ito ba ay totoong nangyari.
“Ma’am, to test if you are saying the truth. Gimme an extensive explanation kung paano pong buhay pa kayo ngayon gayong base sa sinabi niyo kanina ay nandoroon kayo sa labanan nila Lapulapu at Magellan?” tanong ko.
“Simple lamang ng iyong tanong, ang dahilan diyan ay kung sino man ang gagamit sa pamaypay na hawak mo sa pakikipaglaban ay mabibiyayaan ng buhay na walang kamatayan,” maikling paliwanag nito pero it makes sense. Omg, bakit ba kailangan kong marinig ang mga impormasyong ito?
“So, matagal na po kayong nabubuhay sa mundong ito?” tanong ko pa.
“Tama ka riyan, 545 years-old na ako.” Ha? 545? Gurame ka na ma’am ah!
“Omg! So ilang taon po kayo nang dumating dito sa Pilipinas ang mga Espansyol?”
“46 years old lamang ako noon, at isa ako dating babaylan,” ani ni ma’am.
“True ba ma’am? Hala, you brain washed me na! Parang gusto ko na pong maniwala ng todo.” Napangiti ako, naramdaman kong hindi nga nagsisinungaling si ma’am. Kita ko ang pangungusap ng mga mata niya habang hinahayag niya sa akin ang lahat ng impormasyong batay mismo sa kaniyang nasaksihan.
“Maniwala ka na, wala namang mawawala sa iyo,” saad pa nito.
“Hmmm…. pero ma’am, may tanong po ulit ako…”
“Oh, sige ano?”
“Gwapo po ba ang mga sinaunang Espansyol? Nakita niyo po ang abs nila? Kasi ma’am sa internet ang daming kinemeng fafa na mga Spaniards. Nakakagigil ang hotness!” malandi at kinikilig na saad ko. Sana lang talaga ay huwag akong batukan ni ma’am.
“Ikaw, talaga Liwayway! Pero… oo, malalaki ang mga bututa nila kaso nakakatakot…” Huminto siya. “Pero sumubok din ako ng isa minsan,” pag-amin ni ma’am. Tila kinikilig at napahawak pa siya sa kaniyang labi. Oh tignan niyo, may ka-emehan ding taglay si ma’am!
“Ang hina mo naman ma’am, eh bakit isa lang po? Sayang naman po ang chance," usisa ko pa. I wanna hear more pa. Aws, I wished nandoon din ako ng time na iyon dahil nais ko ring makita ang mga malalaking batuta ng mga sinaunang Espanyol at magpa-ulila ng malugod sa kanila. Charing kineme!
“Hmmm… isa lang dahil magagalit ang aking nobyo,” salita niya. “Hay, ano ka ba! Nakaraan na iyan at huwag nang balikan pa,” paghinto ni ma’am.
“Coming from you po talaga ma’am na huwag nang balikan ang nakaraan?” hayag ko. Eh siya nga ang mahilig ungkatin ang mga makasaysayang pangyayari.
“Basta! Ayoko nang alalahanin pa ang pagtatalsik na ginawa sa akin ng isang Espanyol. Masaya at malaya na ako ngayon mula sa bihag ng pag-ibig niya,” paliwanag ni ma’am. Okay, madali naman po akong ka-usap. Siguro love ay din ang dahilan niya kung bakit nakuha sa kaniya ang pamaypay ng mga kalaban.
“Ma’am, bakit niyo po sinasabi sa akin ang lahat ng iyan?” nagugulahang tanong ko. Balik muli sa pagiging seryoso. Isasauli ko na lamang itong pamaypay sa kaniya, total naman e siya ang nagmamay-ari nito.
“Dahil na sa ‘yo ang pamaypay at ikaw ang napili niyang maging bagong tagapangalaga,” sagot niya. Bakit naman ako pa ang napili nito e I just ordered it accidentally from Shozada.
“Hindi ko po maintindihan, ma’am. Baka maging kumplikado lang ang lahat kaya mas mainam po kung isasauli ko nalang po sa inyo itong pamaypay, para makauwi na rin po ako,” wika ko.
“Para saan pa ba at maiintindihan mo rin ang lahat balang araw. May kakaiba akong puwersa na nararamdaman ngayon. Kung nakikita mo ay nag-aalay ako sa mga Diyos upang malinawan ako sa aking nararamdaman. Mula ngayon ay ikaw na ang mangangala ng pamaypay na iyan at hindi mo na maaaring isauli iyan sa akin dahil ikaw na ang bago, nasa iba ka nang henerasyon, Liwayway. Huwag kang mag-alala at tutulungan kita. Gagawin natin ang lahat upang hindi na muli mabawi iyan ng mga kalaban na purong masasamang nilalang,” mahabang saad ni ma’am na kahit paano ay nakapagpawala ng agam-agam ko.
Ay, so wala nang return ganern? Eh ibabalik ko nalang siguro ito sa seller sa Shozada parang bongga. Charot!
“Mga masasamang nilalang po? Totoo ba ang mga iyon?” tanong ko muli. Daming eksena ngayong araw ha! Nakakaloka, baka hindi na pumasok sa conscious mind ko lahat.
“Oo, totoo ang mga masasamang nilalang na mayroong lubos na kapangyarihan at nararamdaman ko na muli ang paunti-unti nilang pagkabuhay. Sa ngayon ay ihanda mo ang sarili mo dahil tuturuan kita kung paano gamitin ang pamaypay na iyan upang maging ganap na handa ka sa oras na dumating ang araw na sinasabi ko,” hayag ni ma’am Phinay.