Chapter 5: Stalking

1644 Words
Liwayway I found Benjamin’s display photo, he’s wearing an engineering org shirt. So engineering ang course niya kasi naka-suot siya ng pang-engr? Malaking porsiyentong yes, no. Ay tignan niyo ito, ang flawless niya sa pictures niya. Hindi man sobrang lakas ng dating pero nakaka-wet pa rin. Aminin niyo na may mga gan’yang boys. ‘Yong simple lang pero mawawarak ang puday niyo for sure. Emeng guard!             “Here are your orders mga baklang walang jowa,” ani ni Merin sa amin at binaba nito ang mga orders namin sa table. Nakatingin ako sa phone sa may bandang sahig kaya nakita kong apat ang paa na naka-apak sa sahig. Gusto lamang nitong ipahiwatig na dalawang tao silang nagdala ng orders namin. Dahan-dahan kong inangat ako ulo ko at nag-ipon ng sapat na enerhiya upang puksain ang baklang may jowa!             “So, ikaw ba ang jowa nitong si Merin?” nakangiting tanong ko sa lalaking kasama ni bakla. No pressures no. In all fairness, may itsura rin siya. Mukhang pagong ganern. Ems.             “Don’t tryna’ deny! We saw you earlier kissing him on the lips! We are like CCTV cameras kaya wala kayong kawala!” si Pitu. Dami namang sinabi nito.             “Ano, so ikaw nga!?’ tanong ko ulit.             “Speak!” nanglalamong wika ni Pitu. Eksena talaga siya no, napapansin niyo rin ba? Inirapan ko siya ng bonggang bongga dahil inaagawan niya ako ng ganap.             “Paano siya makakapagsalita e, apura ang say niyong dalawa. Tumahimik muna kayo,” si Merin.             “Ito kasing baklang Pitu, eksaherada!” Inirapan ko ulit si Pitu.             “Tumahimik ka na no!” Tinapik ako ni Pitu sa kamay ko. Okay. Sabi niya e. Siguro ay gulong gulo na ang mundo nitong kasama ni Merin dahil sa gulo naming magkakaibigan.             “So, mag-jowa nga ba kayo?” Baling niya kay Merin at sa kasama niyang super puti at matangkad. Warak na warak si bakla rito. Hala! Ang bad ng little purity mind ko.             “Are they your best friends, sweetheart?” tanong ni boylet kay Merin. Tinutukoy nito kami. Sweetheart talaga ang tawagan nila? Ang tamis wah! Pero teka, conyo siya?             “Yes, sweetheart ko,” matamis na sagot naman ni Merin. Talande. Dito pa talaga sa harap namin maglalampungan ang dalawang ito.             “Hey, Gabriel here, boyfriend ng best friend niyo,” masayang pakilala sa amin ni boylet. Wala nang etchos. Sila na nga ni Merin. Inalok niya kami ng shakehands at nagpakilala rin kami.             “Liwayway, is it wonderful name?” nakangiting saad ko.             “Just call me, Pitu. That’s it, no more chorvas!” siya namang pakilala ni baklang pitu.             “Nice to meet you, guys! Enjoy your foods,” saad ni Gab. As I analyze his physical features, napansin kong makinis ang balat nitong si Gabriel. Hindi naman sobrang kaguwapuhan pero bagay na bagay siya para kay Merin. Syempre, feel ko rin naman na his has this pure intentions sa kaibigan namin. Nararamdaman naming mga bakla iyon if the man is serious or not for his feelings towards you. Ito pa, feel ko lang mukha siyang mayaman. Pero bakit nagwowork pa siya rito? Pampalibang lang ganern?             “We also, ‘di ba?” galak na saad ko at bumaling kay Pitu. Nakangiting sumang-ayon naman ito sa akin.             “Sige, mga ghorls! Goes na kami sa station no, enjoy your foods!” paalam na ni Merin. Ngumiti kaming dalawa sa kanila bago sila tuluyang lumarga. Nasa work kasi sila kaya bawal pagtagalin ang pagchika sa amin. Kahit small chika lang, ang mahalaga ay nalaman naming may jowa pala siya.             “Parang yayamanin si Gab no?” tanong ni Pitu matapos makaalis sila Merin.             “True, same tayo ng feelings,” wika ko sa kan’ya habang binabalibag ang mga in-order namin sa buong paligid. Charot! Dumampot siya ng frice at kinain iyon na parang asong ulol.             “Kamusta nga pala iyong mga seeds mo?” Timikman ko ang dakila hagdosa at bongga, tama si ate, masarap nga ito. May ganap siyang maalat-alat pero creamielious.             “Ayon bakla, nag-germinate na. So happy si baklang Pitu alam mo iyan as I set my newly bloomed plants as my babies. Minsan try mong gumora sa housing project para makita mo personally,” pagkukwento niya. Tinikman niya rin ang dakila hagdosa. “Kapuri-puri ang lasa nito ah!”             Matapos ang kalahating oras ay nagpaalam sa akin si Pitu na hindi raw siya makakasabay sa akin umuwi dahil bibili pa siya ng fertilizer sa mall. So, ayon medyo tinatamad naman akong sumama kaya uuwi nalang ako.Tinext ko nalang si Merin para magpaalam sa kaniya na gogora na nga kami, nasa loob kasi siya quarter nila kaya can’t do it personally. Hindi na rin ako magpapasundo pa kay mama. Maaabala pa siya. Mag-taxi nalang ako.             Para safely na makapaghantay ng sasakyan ay naghanap ako ng waiting shed. Habang naghihintay ay may biglang huminto sa harapan ko na isang motor. Syempre may driver na kasama. Alam niyo namang umandar mag-isa ang motor. Char. Inaninag ko kung sino ang driver at nakita kong si Benjamin iyon. Wala siyang suot na helmet.             “Pauwi ka na?” tanong nito sa akin. Naka-uniform pa rin ang loko. Kakatapos lang din siguro ng klase niya. Bakit niya tinatanong kung pauwi na ako? Isasakay kaya niya ako sa motor niya? Ih, gusto ko sa kan’ya ako sumakay e. Hihi!             “Ahh…yes, waiting lang ng taxi? Ikaw pauwi na rin?” nakangiting sagot ko. Same kasi kaming naka-uniform pa kaya feeling ko ay bagay din kami.             “Oo e. Kakatapos lang klase namin. Kapagod nga.” I love his voice. It’s tender but juicy?             “Kami naman medyo kanina pa. Eh hindi ba may work ka pa?” Hmm… bakit ayaw niyang bumaba sa motor niya? Paano tuloy ako sasakay sa kan’ya?             “Ah… oo mayroon pero kanina pa tapos iyon medyo kaunti lang kasi ang parcels na binigay sa akin dahil first day ko pa lang. Alam mo naman kapag first time ay dapat hindi binibigla.” Napangisi siya. May sense of humor din siyang kausap. Bet ko iyan. Mukhang magkakasundo kaming dalawa.             “Sabagay, tama rin naman!” sagot ko at bahagya siyang nahampas sa braso niya. Impernes matigas ha! Naging feeling close tuloy ako nito. Siya kasi e!             “Mahilig kang manghampas?” nakangisi niyang tanong.             “Ha?”             “Wala. Sabi ko sa iyo ay umangkas ka na sa akin dahil ihahatid na kita sa iyon. Tanda ko pa ang bahay mo,” alok nito.             “Ang bait mo naman pero bakit naman ako agad magtitiwala sa ‘yo?” pabebe ko. Syempre ayoko rin naman agad magtiwala sa kan’ya. Hindi ko pa naman siya gaanong kakilala.             Sasagot na sana siya kaso ay may sasakyan huminto sa amin at biglang bumisina. This car looks familiar, parang kay kuya Steven ito? Bumaba iyong bintana ng sasakyan, at hindi nga ako nagkamali, nakita ko nga ang pinakaguwapong lalaki sa aking paningin, si kuya Steven at naka-uniform pa ito na pang-pulis.             “Pauwi ka na, Liwayway? Sumabay ka na sa akin,” bungad ni kuya. Hala, ina-alok niya rin akong sumakay sa kaniya? Lemme think vividly muna, dalawang machete ang nag-aalay ng kanilang sarili sa akin ngayon. Who would I choose? Naku…             “Opo, kuya!” nakangiting sagot ko. Siguro ay nagtataka si Benjamin kung ano ang role ni kuya Steven sa buhay ko.             “Sige po sir, mauna na po ako sa inyo,” magalang na paalam ni Benjamin. Umalis na siya nang hindi tumingin sa akin. Ano nangyari roon? Creepy, parang badtrip! Sumakay na nga ako sa kotse ni kuya Steven.             “Off muna kuya?” tanong ko kay kuya nang maka-sakay ako sa kotse niya. Ang hot niya sa police uniform na suot niya ngayon. Jusko!              “Yup!” sweet na sagot niya. Wala, tapos na. Laglag na ang panty ko.             “Adi tired ka naman niyan kuya? Bakit hindi ka pa kasi mag-asawa para may nagmamasahe sa pagod mong body after work mo,” mungkahi ko. Anong pinagsasabi mo Liwayway? Huwag mo siyang pangunahan, buhay niya iyan.             Napatawa ng mahina si kuya sa sinabi ko. “Darating din tayo riyan, Liwayway. Hintay-hintay lang,” katiwaran niya habang nakatingin sa daan. He’s driving.             “Kailan pa kuya iyon kuya? Eh parang mag-30 years old ka na? Baka maka-iwanan ka niyan ng henerasyon mo!” salita ko. Nagiging komportable na akong kausap si Kuya. Para na kaming mag-asawa gano’n. Ems.             “Nope. That would never happen. Nakakadilig naman madalas ang kuya mo,” saad nito sa akin at ngumisi. Hala! Nakakadilig daw? Awu, sana ako rin ay madiligan niya! Charot!             “Syempre ikaw pa ba kuya,” ani ko. “Hot mo kaya,” mahinang bulong ko pa.             “Paano mo naman nasabing hot ako?” Shet! Narinig niya iyon? I cannot. Kainin mo na ako soil, please, eat me na this time! Hindi ako makasagot dahil nahihiya ako. Namula tuloy ang pisngi ko, feeling ko.             “Ang lakas ng aircon ng kotse pero parang pinagpapawisan ka,” wika pa ni kuya. Mga betla nakakahiya kasi. Baka mamaya ay hindi pala nagugustuhan ni kuya mga sinasabi ko at bigla nalang niya akong simuraan sa loob ng kotse niya.             “Ahh… ku-yaa…” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil biglang nag-ring ang phone niya. Aws, this saved me. Buti nalang talaga, gosh! Sinagot ni kuya ang tawag dahil mukhang importante ito.             “Yes, ma malapit na po.” Tumingin ako sa daan at napansin ko ngang malapit na kami. Nang makarating kami sa bahay nila ay mabilis na akong bumaba at nagpasalamat kay kuya. Nakakahiya ang araw na ito. Promise!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD