Chapter 4: Jowa?

1230 Words
Liwayway’s POV             “Bakla, anong chinika sa ‘yo ni, ma’am?” Tanong kaagad sa akin ni Merin nang makalabas ako ng room ni ma’am Phinay. Lumalakad muna ng kaunti upang dumistansya dahil baka marinig pa ni ma’am ang usapan namin.             “Tama ang chika ni Pitu. Bet nga ni ma’am ang Pamaypay na iter!” kuwento ko sa kanila habang winawagayway ang pamaypay na para bang isang madame.             “As what I have thought. Eh bakit hindi mo binigay?” si Pitu.             “Naku, alam niyo namang hindi ko pinapamigay kahit kanino yung mga bagay na nabili ko online.” Paulit-ulit ko nang sinasabi ang dahilang ito kaya naman alam kong rindi na ang mga mata nila sa pakikinig nito. Mata talaga? HAHAHA, charot!             “Sabagay. Ano kayang vibes ang maibibigay ng pamaypay na iyan sa kanya at bakit naman bet ‘yan ni ma’am?” agam-agam ni Merin.             “Ewan ko sa kaniya. Hindi ko naman alam ang iniisip no’n. Sabi ko ay bibili ko nalang siya ng another one same as this kung gusto niya talaga nito,” chika ko sa kanila.             “Sabagay no.” si Merin.             “Wala ka bang shift later after class?” tanong ni Pitu kay Merin.             “Mayroon sister. Hindi naman nawawalan. After class ay gora na rin agad ako. Kain naman kayo roon later,” sagot ni Merin.             “Ay oo nga no. Na-miss ko ring kumain sa fastfood niyo. Sige gora ako later. Text ko nalang si mama na hindi na ako mag-dinner sa bahay,” saad ko sa kanila. Ilang days na rin kasi akong hindi na kakakain sa pinapasukan nitong si Merin. Bet ko na ulit pero sana ay jumoin itong si Pitu para more more fun.             “Same! Na-miss ko na nga rin. Don’t worry awra ako later,” si Pitu. Ayon, buti naman at gogora rin siya.     So ayon, nandito na ulit kami sa labas ng room pero hindi na kay ma’am Phinay, sa ibang subject naman. Ito na ata ang last subject for this day at makaka-larga na kami ulitt. Grabe, gusto ko nang matapos ang araw na ito. Daming chika. Hindi rin nag-tagal ang paghihintay namin dahil agad ding dumating si ma’am. Hindi na siya nagturo at nagbigay nalang ng individual project to be submitted before final exam.        At fastfood chain             “Huy, jowa ba ni bakla iyon?” gulat na tanong ko kay Pitu. Paano ba naman kasi ay na-sight namin si bakla na papasok sa quarter nila para magpalit ng uniform tapos ay may lumabas na lalaki. Tapos ito ang ginawa, hinalikan siya sa labi then after that ay sabay silang pumasok sa loob. Oh, nakakagulat no?             “Hmmm… ewan? Nagulat ako roon. Hindi nagku-kuwento iyang si Merin about sa love life niya. Kaya pala nauubos ang pera ng bakla e dahil may jowa,” sagot ni Pitu.             “Grabehan naman sa nauubos ang pera dahil may jowa. Judgemental ka gurl?” Medyo may pagka-stereotype si ghorl’rilya. Hindi porket bakla ay peperahan na agad ng lalaki kapag magkarelasyon kayo. Hindi ba? Baka naman nagbibiro lang siya.             “Sis, eme ko lang iyon masyado kang seryoso riyan,” hayag niya sa akin habang naka-tingin sa phone. Kanina pa siya mayka-chat sa phone niya.             “Sobrang abala ka riyan sa phone mo no! Sige at ako ang na o-order dahil busing busy ka riyan sa ka-chat mo na i-go-ghost ka lang naman. Huwag kang feeling dahil ka babae,” wika ko sa kan’ya at bahagya ko siyang inirapan.  “Ganda ka!” sagot niya ngunit hindi ko na siya pinansin pa at naglakad na pagorang counter strike.             “What is your order, sir/ma’am?” bungad sa akin ni girlalut sa counter ng fastfood. Kung makangiti naman siya ay akala mo namang babahagian ko siya ng mga kayamanan ko. Charot! Nalilito pa siya kung itatawag niya sa akin ay ma’am or sir.             “Ma’am po,” nakangiting paglilinaw ko.             “Ah… sure, ma’am,” saad niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumingin na sa menu upang umorder. “Wala ba kayong lalaki ate?” tanong ko. Nagulantang naman siya sa sinabi ko. Syempre okray lang iyon. Bahagya pang natawa si ate bago sumagot.             “Hala, wala po ma’am pero mayroon po kami ritong dakilang hagdosa na I am sure na magugustuhan niyo.”             “Ano po iyon?” tanong ko. Super bago lang sa akin ang namesung ng food na iyon. Parang name palang ay mukhang juicy na! Medyo italian inspired kasi minsan ang na sa menu nila. Nahihilo na rin ako dahil paiba-iba minsan ang nasa menu.             “Iyan po ma’am oh!” Tinuro niya sa menu ang isang malaking hotdog na may dalawang itlog sa gilid, tapos may kung anu-ano pang toppings na nakapalibot. Kaloka si, ate! Pero mukhang masarap ang isang iyon. I wanna try, HAHAHA! Bakit ba?             “Sige, ate. Dalawa po niyang dakila hagdosa, syaka itong fryseeya cheechisa, then juiceqoulurd, next is that riceas, steakistees, and that sundaeholidaes, tig-two pieces each po ha,” order ko. Ka-haggard ang mga name ng foods nila. Ang bigkasin, para kang nag-tongue twister ganern. Iyong fryseeya cheesisa ay fries iyon, yung juiceqoulurd naman drinks iyon, then the riceas is rice, samantalang steakistess naman ay steak then the last one, iyong sundaeholidaes ay ice cream. Oh, anong say niyo sa maketing strategies kinemeng ganap nila? Tunay nga namang unique at kaagaw pansin no.             “I repeat your orders, ma’am. Dakila hagdosa, fryseeya cheechisa, juiceqoulurd, riceas, steakistees, and Sundaeholidaes, 2 pieces ang bawat isa po no?” paglilinaw niya. I gave her a smile to let her know that she’s correct. “1500 po, ma’am.” I paid the bill using digital wallet by scanning their code. May natira pa kasi sa binigay sa akin ni ate no’n last time. Hehe! After kong maka-bayad ay binigay ni ate ang number ko for waiting galour. Bumalik na ako sa kinalalagyan ng baklang may ka-chat na wawasakin lamang ang puso niya when the time comes. Pinakita ko kay Pitu ang receipts para naman siya ang magbayad. Ang dami na niyang utang sa akin. E kung tutuusin sa aming tatlo ay siya ang mas may datung.             “Jusko ghor’ilya. 1500 lang pala, okay. I’ll send you nalang sa digital wallet. Don’t talk to me muna, may kausap ako,” mabilis niyang turan at bumaling na naman sa phone niya. Che, suplada ng bakla. Hintayin ko nalang ang araw na iiyak siya ng limang kobreng luha sa akin. Kapag dumating ang araw na iyon ay hindi ko ilalaan ang matulungin kong mga kamay sa kan’ya. Charot!             “Sana ay mahal ka niyan ng tunay,” saad ko. Deserved naman nilang dalawa ni Merin na magka-jowa pero sana all ‘di ba? Lord, hindi ko ba deserved? Huhu. Hindi ko pa rin naman sure kung sino talaga ang kausap ni Pitu, baka hindi niya jowa iyon.             Tutal naman ay busy siya kaya magpapaka-busy nalang din ako habang hinihintay ang aming pagkain. Naisipan kong basahin ang social media account ko dahil bet kong i-search si Benjamin…              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD