Chapter 3: Parcel Received

2728 Words
     After 5 days Liwayway’s POV             “Benjamin Correa is delivering your order for today, for COD please prepare the exact amount. God bless and be safe!”             Ayan ang text sa phone ko ngayon pero hindi naman ako na-excite dahil yung mysterious box lang naman iyon. Dumating na kasi lahat ng in-order ko noong mga nakaraang araw. Pati yung make-up set ni Merin. Tuwang tuwa ang bakla at super thankful sa akin. Binanggit niya pa na dream come true daw para sa kanya iyon. Kaloka si bakla sarap ipatapon sa sapa. Charot! By the way, it’s morning ngayong umaga at later pang 3 PM ang klase namin hanggang 7 PM kasi dalawang subs lang naman kami today. Isang major at minor subject, isa na doon yung kay ma’am Phinay.             Walang tao sa bahay at ako lang. Wala din akong magawa, nakakainip. Waiting nalang siguro ako kay kuyang delivery boy. Si mama ay na sa club house ng village namin at nage-get to together ng mga oldies dito, kasama na si tita Merly at tito Leo.  It’s 10 AM pa lang today at parang muli akong dinalaw ng antok. Ringggggggg….             My phone is ringing and it caused para magising ako mula sa pagkakatulog ko. Kinuha ko ito and unknown number yung tumatawag. Ito na siguro yung order ko.             “Hello, sino po ito?” salita ko matapos sagutin ang tawag sa telepono.             “Ma’am, delivery po from Shozada. Labas na po kayo nandito na po ako sa harapan ng bahay niyo,” sagot sa akin ni kuya. Gusto ko yung speaking voice niya, ang hot! Nagising tuloy ang diwa ko nang bonggang bongga ng tawagin niya akong ma’am. Babaihan si bakla oo!             “Okay kuya! Pababa na po!” sagot ko sa kanya, matapos ay pinatay ang linya ng pag-uusap. Bago bumaba ay humarap ako sa salamin at nag-aayos muna ng sarili. Bahagya ko ding inamoy ang hininga ko dahil baka mamaya ay mapatay ko pa si kuya sa amoy nito.             “Liwayway Batungkahoy po?” bungad sa akin ng isang… Anghel ba ito? Why naman ang guwapo niya!? My gosh Lord, ang order ko ay mystery box, bakit mo naman ang binigyan ng inspiration para mabuhay? Charot! Jowa material itong si kuyang delivery boy e! Bigyan ko siya ng material pang-gawa ng bahay sige! Charrr!             “Hello, sir!?” pagtawag muli nito sa akin.                  “Ha? Ah….ay…sorry! Oo, ako si Liwayway,” nakangiting pagbabalik ko sa realidad. Nakakaagaw naman ng bisyon si kuya.             “Sorry, sir akala ko po ay babae ang kausap ko kanina. Mukhang babae po kasi ang boses niyo,” nahihiyang ani nito. Kaya pala tinawag niya akong ma’am kanina. So okay, medyo nag-wet lang naman ako ng slight doon. HAHAHA, charot!             Kinuha nito ang isang box sa harap niya. Isang maliit na box parang box ng zesto at iniabot sa akin. Ito na siguro ang mystery box. Pero bakit ganyan yung packaging? Kasuya! “Sir, picture lang po saglit,” ani sa akin ni kuya. Hmmm...wait pose muna ako ng sobrang nakaka-akit para kahit papaano ay mag-wet din siya sa akin. Charottt! Ngumiti lang ako ng isang ngiting pa-cute at kinuhaan niya na nga ako ng litrato tanda na natanggap ko na ang order ko na ide-deliver niya. “Kuya, zesto ba ito? Bakit ganito yung kahon?”  tanong ko kay kuya. “Hindi ko po alam sir. Kayo po ang um-order niyan e. First day ko lang po ngayon,” nakangiting sagot nito sa akin. May pagka-pilosopo din siya no!  “Sabi ko nga kuya, ako ang um-order nito!” natatawang wika ko at napangisi naman siya. “Ah okay…kaya pala bago ka ko ang deliver boy ng Shozada dito sa area namin,” dagdag ko pa. “Sa Univerity of Scholars and Normal Colleges din po kayo nag-aaral?” Nagulat akong tanong nito sa akin. “Yes, how did you know?” takang sagot ko. “Doon din po ako nag-aaral. At syaka po nakita ko yung logo sa shirt niyo,” paliwanag nito. Tinuro ng nguso niya ang lokasyon ng logo sa t-shirt ko. Shet suot ko nga pala ang pam-PE namin before. Kaya naman pala nalaman niya! “Shuta ka! Akala ko stalker ka na e!” pambibiro ko dito at tumawa ng mahina. “Hehehe. Sige,  mauna na po ako nang matapos ko na itong mga deliveries ko ngayong araw, salamat sir! Order po kayo ulit ha?” wika nito. “Sige kuya. See you nalang sa school! Salamat!” paalam ko. Inayos muna niya ang mga parcels bago lisanin ang aking paningin.  Muli ay gumora ako sa itaas upang buksan ang zesto box na ito gayundin ay upang ma-search ko din si kuya sa mga social media accounts niya! Hehe, charot! Remember tinext ng accompany nila yung complete name niya. Kaya huwag ako. Nasa akin ang alas. Eme! Nang makarating ako sa itaas ay pinicturan ko muna ang packaging ng in-order kong isang kahong zesto bago ito tuluyang buksan. Ay, char! Mystery box nga pala ito hindi zesto. Hindi ito bayad no! Zesto, beke nemen! Charot! I love giving reviews kasi sa mga shop na in-orderan ko, alam niyo para maka-help din sa ibang tao na need malaman if worth it ba bilhin yung isang product na iyon through reading the product reviews. So, after the picture ay kinuha ko naman ang blue kong gunting sa aking study table at ginupit ang mga bubble wrap na nakapalibot sa box ng product. Grabe sa layer ng bubble wrap no! Parang ayaw pabuksan sa iba e. Akala mo namang fragile itong product na ito, samantalang  piso lang naman ang halaga niya. May eksena pang wrap-wrap eme eme. Nang tuluyan kong mabuksan ang kahon ayyyyy…. Isang pamaypay? Oo, isang pamaypay ang laman nito. Ano ba iyan! Hindi ko expected na isang pamaypay ang laman ng box na ito. Tunay na mystery box talaga! Impernes panalo din ang seller hanes!? Kaloka! Sino ba naman kasi ang mag-e-expect ng isang pamaypay sa mystery box? Pero wait, saan ko naman kaya gagamitin ang makalumang pamaypay na ito? Ang itchura niya ay parang limang libon taon na ang edad. Amoy antique ganon, yung mga luma pero magagamit pa rin at hindi naaagnas. Useful pa din siya sa tingin ko ngunit looks oldy talaga ito pero it shines dahil sa mga glitters and it looks so mamahalin. Alam ko na para naman hindi masayang ang pamaypay na ito ay gagamitin ko nalang siya sa school namin. Madalas at minsan kasi mainit sa university. Tamang tama sa klase ni ma’am Phinay later, para kasing impiyerno sa room niya. Nuknukan ng init. May din sense naman pala itong piso na pamaypay! Worth it! Will order again! Give ko agad si seller ng 10k stars bilang rating sa sobrang helpful nung product niya. Niligpit ko ang mga kalat sa basurahan ko dito sa kuwarto bago bumaba dahil may naririnig akong parang kaluskos sa ibaba. Baka pinasok na kami dito ng mga very difficult person dito. Naku, malaman ko lang talagang may nanloloob sa amin. Maga-grass cutter ko talaga ang bibig nila. Mga impakta! Charot! “Oh anak, akala ko may klase ka mamayang 3?” bilang salubong sa akin ni mama nang makababa ako dahilan upang magulat ako at lumabas sa aking bibig ang mga hindi kaaya-ayang salita. “Ay putanginang hayop!” gulat na sigaw ko.  “Bibig mo!” tampal ni mama sa sakin na medyo gigil to the fullest. “Sorry po ma, akala ko kasi ay may kalabaw na pumasok sa bahay natin. At syaka bigla-bigla ka nalang kasi nasulpot. Buti nalang at hindi ko po na ihampas sa iyo itong bakal nating hagdan, pasalamat ka! Charot lang ma!” mahabang pambibiro ko na sinamahan ng tawa. “Kabaklaan mo talaga Liwayway! Naku- 2PM na. Ano bang akala mo?” sagot nito sa akin.  “Hala, true ba ma?” gulat na sagot ko. Gosh nawala na sa isip ko ang oras. Nalibang kasi ako kanina kay kuyang delivery boy. “Ayan oh,” wika nito. Tinuro niya ang isang malaking wall clock namin sa salas. “Laki-laki ng orasan natin, gulat na gulat ka diyan, gumayak ka na kaya! Gagawa nalang kita ng handwich and blended fruits,” dagdag pa nito. Oo nga shuta! Alasdos na pala! “Yiee, love u maa!” sagot ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at mabilis na lumarga pabalik sa aking kuwarto upang gumayak. After 45 minutes…             “Sis, bongga naman niyang pamaypay mo!” wika sa akin ni Merin. Nandito na ako ngayon sa school at kasalukuyan kaming nakatayo dito sa labas ng room ni ma’am Phinay at hinihintay siya. 2:55 na in the afternoon at 5 minutes nalang ay magsisimula na naman ang pagka-bored namin ng tatlong oras.             “Gaga, ito yung nabili ko sa Shozada na mystery box,” sagot ko sa kanya habang patuloy lang sa pagpaypay.             “Ang sosyal niyan ha! Mukha siyang antique. I like it na!” wika naman ni Pitu.             “True….” sagot ko sa kanya. Napansin niya din iyon. Kapansin-pansin naman kasi talaga!             “May chika ako sa inyo,” wika ko sa dalawang kasama ko. Binigyan nila ako ang ekspresyon tanda na maaari ko nang isiwalat sa kanila ang kwento ko.             “Ang guwapo nung nag-deliver sa akin kanina nitong pamaypay,” kinikilig na wika ko. Syempre kaunting kilig lang no, wala pa naman akong sakit sa utak upang mangingisay dito ng todolya!             “Ay ghorl, anong name?” tanong sa akin ni Pitu.             “Benjamin gurl, kilala mo siya?” sagot ko.             “Siya din yung nag-deliver sa akin, kanina. Ang guwapo nga niya impernes,” maligalig na saad ni Pitu.             “True ba? Sabagay, same village lang naman tayo kaya siguro niyang mai-deliver ang order ko ay gumora naman siya sa iyo,” wika ko kay Pitu. Hindi ko na sasasabihin sa kanya na dito nag-aaral si kuyang delivery boy. Gusto ko ay ako lang ang nakaka-alam non. Madamot kaya ako! Charr!             “Guys, on the way na si Ma’am,” saad ng mayor namin sa klase at binuksan niya ang pinto ng classroom ni ma’am Phinay. Nagpasukan na ang iba naming classmates na natatakot maubusan ng upuan. Akala mong mga kakainin ang upuan kung pag-agawan e. Parang mga hindi 4th year college student, jusko!             “Ghorl, gamit na gamit iyang pamaypay mo dito sa room ni ma’am, ang init kasi,” wika sa akin ni Merin habang papasok kami ng room.              “Naku-truth ka diyan, ghorl’rilya,” sagot ko sa kanya. Humanap kami ng tatlong bakanteng upuan para sa aming tatlo at doon pumuwesto. Maya-maya din ay dumating na si ma’am. Inayos muna niya ang mga gamit niya bago mag-umpisa sa pagtatalakay ng bagong aralin. Habang nakikinig ako kay ma’am Phinay na pagpapaliwang ng topic namin ngayon ay todo paypay lamang ako. Hindi ko na alam kung maka-agaw pansin ba ako sa ginagawa ko o nakaka-distract sa pagtuturo ni ma’am. Bigla na lamang kasing nadako ang atensyon ni ma’am sa akin at napatitig sa pamaypay na hawak ko. Ngunit nang mapasin iyon ng buong klase ay iniwas niya ang tingin niya at tinuon ang buong atensyon sa pagdi-discuss. Bet din ata ni ma’am ng pamaypay na ganito. Hindi sinabi.             “Ghorl, bet ata ni Ma’am iyang pamaypay mo,” mahinang bulong sa akin ni Pitu.             “True gurl, eksena si ma’am no!?” sagot ko sa kanya. Hindi naman kami mahahalatang nag-uusap ni Pitu dahil nakatingin si ma’am Phinay sa presentation niya.             Matapos ang ilang oras na pakikinig sa kanya sa wakas ay natapos na ulit ang klase namin for her. Isa nalang ang klase namin later at may 30 minutes vacant pa muna kami bago magsimula yon. Lalabas na sana akong room kasama ang aking dalawang kaibigan ngunit bigla akong tinawag ni ma’am…            “Ginoong Batungkahoy?”             Nagtataka akong lumingon sa kanya at ngitian ito.             “Yes po ma’am?”  Bakit kaya ako tinawag ni ma’am?             “Ginoong Daqah and Enriquez iwanan niyo muna kaming dalawa saglit ni Ginoong Batungkahoy, may pag-uusapan lang kaming mahalaga,” baling ni ma’am kay Pitu at Merin. Kaloka naman si ma’am kay lalambot naming tao, tapos ang itatawag niya sa amin ay ginoo. Stappler ko kaya bibig nito? Charot! Sumunod ang dalawa sa pinag-uutos ni ma’am at lumabas ang mga ito. Hindi kasi sila makakatanggi kay ma’am dahil maypagka-terror ito. Isang tanggi, isang baril agad ganon! Eme! Ngayon nga ay kami nalang dalawa ni ma’am Phinay sa room niya. Naku, I’m scared baka rapin ako ni ma’am dito? Mabobopis ko talaga ang kipay niya kapag ginawa niya iyon sa akin. Hindi kami talo no! Char lang ulit. Ang bad ng mind ko. Sorry!             “Saan mo nakuha iyang pamaypay na hawak mo?” agad na tanong sa akin ni ma’am gamit ang seryosong tono ng pananalita.             “Ah…bakit po ma’am?” takang sagot ko. “Bet niyo din po ba nito?” nahihiyang dagdag ko.             “Ang tanong ko ang sagutin mo, saan mo nakuha iyang pamaypay na hawak mo?” ani sa akin ni ma’am. Wild ka ma’am? Bakit ka nagagalit? Ito na nga, sasabihin ko na nga e, bakit need pang manigaw? Huhu, tadyakan ko kalaman mo, ma’am. Emeee! HAHAH!             “Ma’am sorry na, sa Shozada po in-order ko, kadarating lang po nito kanina lang,” paliwang ko. Ano bang mayroon sa kanya?             “Maaari ko bang hingin nalang iyan?” mabilis nitong hiling.  Sabi ko na nga ba e, bet ni ma’am itong pamaypay kaya sight siyang ng sight sa akin kanina sa discussion.             “Ma’am, hindi po puwede. Ibibili ko nalang po kayo ng iba bukas,” dahilan ko. Ayoko kasing binibigay ang mga in-order ko sa Shozada not unless e pina-order mo sa akin or in-order ko iyon para sa iyo. Ganon, kahit lumuha siya ng dugo dito ay hindi ko maga-grant ang hiling niya. Sorry, I am not a fairy God mother. I just look like a fairy but I don’t have magics.             “Sige na, bet na bet ko ang ganyang klaseng pamaypay e,” biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya. Mula sa pagiging seryoso ay naging betla ito. Talagang bet niyang makuha ang pamaypay at gumagawa pa siya ng paraan ha! Puwes ay ayoko talaga. Hindi niya ako mapipilit at mataas ang pride ko  pagdating sa mga personal orders ko.             “Ma’am, hindi po talaga puwede. I will buy you another one nalang po, bukas na bukas din agad,” mungkahi ko.             “Maari ko bang hawakan nalang iyan?” tanong nito sa akin. Si ma’am naman parang sobrang desperada, pamaypay lang naman itong hawak ko. Take note: Ordinaryong pamaypay at walang mga perlas o ginto na nakakabit.             “Sure, ma’am!” nakangiting sagot ko. Nilapit ko sa kanya at hinawakan niya ito.             “Ikaw nga,” mahinang wika niya habang nakatitig sa pamaypay. Mahina man ang pagkakabanggit niya ngunit sapat na ito upang marinig ko ang tinuran niya.             “Anong ikaw nga, ma’am?” naguguluhang tanong ko dito. Kaunti nalang talaga at matatakot na ako kay ma’am at baka akalain ko pa na nababaliw ito.             “Ahh....wala. Mukhang hindi naman na kita mapipilit kaya, iimbitahan nalang kita sa bahay ko at may importante akong ipagtatapat sa iyo, Liwayway. Papadalhan kita ng personal na mensahe sa social media account mo. Dalhin mo ang pamaypay at ingatan mo ito ng mabuti,”  mahabang wika ni ma’am Phinay sa akin.             Ang weird talaga ni ma’am. Nakakakaba siya pero gusto kong malaman kung ano ang ipagtatapat nito sa akin kaya sumang-ayon nalang ako sa kanya para hindi na humaba pa ang pag-uusap na ito at lumabas na ng kanyang silid. Baka ma-late pa ako sa last subject namin.               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD