Chapter 2: Mystery Box

3374 Words
Liwayway’s POV             “Sinabi ko na nga ba ma, na malengke ka kaya nung dumating ako dito ay wala ka,” wika ko kay mama nang makababa ako sa kusina. Kasalukuyan siyang naglalagay ngayon ng mga pinamili niya sa ref.             “Oo, hindi ba’t sinabi ko naman sa iyo kanina na ako ay tutungo sa palengke upang bumili ng mga gamit dito sa kusina. Ikaw talaga, apura kasi iyang pagce-cellphone hindi mo na ako narinig,” dahilan ni mama sa akin.             “Sorry ma,” nakangiting saad ko. “Nasaan po pala yung iluluto ko?” “Ayon, umpisahan mo na,” wika ni mama sa akin at tinuro nito ang isang eco-bag na kulay asul. Kinuha ko ito at inusisa kung ano ang laman.             “Parang andami naman po nung baboy, ma? Isang lingo ba natin itong iu-ulam?” tanong ko. Parang andami kasi ngayon nung baboy. Mostly kasi kaunti lang binibili ni mama. Isang kilo ata itong baboy e, samantalang dalawa lang naman kaming kakain nito. Parang naparami ata si mama ng bili.             “Oo anak, sinobrahan ko talaga dahil dadalhan ko si Merly mamaya. Naipagmalaki ko kasi sa kanya ang luto mo kanina. Nabanggit kong sobrang sarap mong mag-luto ng abodo. Hindi ba’t tama naman ako? Masarap naman talagang magluto ang anak ko,” mahabang paliwanag ni mama. Pinagmalaki pa nga ako! HAHA!             Ayon naman pala! Si tita Merly yung bff ni mama simula nang lumipat kami dito sa village. Hindi niya pa ata natitikman ang luto ko. Puwes ay sasarapan ko ito ng todo-todo dahil pogi yung anak ni tita na police man. Single pa iyon kaya magkakaalaman kaming dalawa mamaya. Makikita niyo, eme!             “Ah okay, ma. Sama ako mamaya kapag nagdala ka,” wika ko. Syempre mga ghorl’rilya para makita ko si kuya Steven mamaya. Hmmm… ready na mag-wet ang kuweborla ko latur. Hahaha!             “Bahala ka,” ani ni mama sa akin.             Omg, ang sarap-sarap kaya ni kuya Steven kaso hindi kami medyo close. Alam niyo na, super straight kasi siya. Lalaking lalaki ganon. Pero promise ko sa inyo na ang guwapo niya. Kaya niyang basagin ang mga bungo niyo sa kilig sa pamamagitan ng simpleng ngiti niya lamang. Hayst, kuya Steven tatadtarin ko talaga ng gayuma itong abodo para ma-adik ka na sa akin starting later. Maghanda ka na!             “Anak, aba’y lutuin mo na ‘yang abodo kung gusto mong pumunta kila mareng Merly,” utos muli sa akin ni mama.             “Ito na nga po, ma,” nakangiting sagot ko dito. Natulala pala ako kanina kaka-imagine kay kuya Steven. Sorry na!             Ayon na nga, kinuha ko ang baboy at maiging hinugasan ito. Matapos kong mahugasan ang mga baboy ay nilagay ko ito sa sobrang clean na lalagyan dahil ayokong madumihan ang mga ito. Germs are not allowed to join in the adobo ‘cause it will be the ulam of my bebe Steven latur.             Kailangan ko pa ba i-ellaborate all the procedures? Huwag na, medyo nakakatamad kaya no. Sapakin ko kayo diyan e. Papahirapan niyo pa ako.             “Ay ma, naka-usap ko nga po pala si ate kanina. Tinatanong kayo,” pagka-usap kong muli kay mama. Nag-aayos pa din siya hanggang ngayon ng mga kung ano-anong pagkain sa loob ng ref. Pasok ko din kaya siya sa loob ng ref? Tapos ilaga ko bukas? Hmmm… ay puta iyon! Charot! Sunugin ko ngala-ngala niyo e.             Tumigil panandalian si mama sa ginagawa niya at bumaling sa akin. “Oh, ano naman ang sabi sa iyo? Magka-usap kami non kagabi, ang sabi niya sa akin ay tatawag ka lang daw sa kanya kapag hihingi ka ng pambili sa Shozada.”             “Naku ma, huwag po kayong maniwala kay ate,” pagkukubli ko. Si ate talaga, kapag ako nanggigil sa kanya ay sasabihin ko kay mama na may jowa siyang afam at binebenta niya ang katawan niya para magkapera ng super dami. Joke!             “Ang sinasabi ko lang sa ‘yo, magtipid-tipid ka sa pagastos. Aba’y hindi tayo kasing yaman ng mga Sy, yung may-ari ng SM. Nauubusan din tayo ng pera,” seryosong saad ni mama sa akin.             “Ma, alam ko naman po iyon. At syaka ayon lang naman po ang kasiyahan ko, let me na  po,” nakangiting wika ko. I’m doing paawa and pa-cute emotions.             “Hindi ka na bata, Liwayway!” paalala sa akin ni mama. Muli ay tinuon niya ang pansin niya sa naudlot na gawain. Lumapit ako sa kanya at inayakap ito. Gusto ko lang maglambing sa mama ko. Matapos niyan ay tinuon ko naman ang atensyon ko sa gagawin kong pagluluto. Btw, ambango talaga kapag ginigisa yung baboy sa sibuyas at bawang no? Hihi, promise magugustuhan ito ni kuya Steven. Batid ako na tatayo dito ang dapat tumayo sa kanyang gitna. Charrr! Subo ko siya e. Hoyyyy, eme lang! Bibig niyo!             Natapos si Mama sa pag-aayos ng mga kung ano-ano sa ref at nagpaalam itong maliligo muna. Buti naman at naisipan ni mama na maligo. Naamoy ko kasi, nananapak ang amoy niya kanina. Hahaha, charot!             Habang pinapalambot ko ang karne ng baboy ay napagdesisyunan ko na binuksan ang tv sa kusina upang manood muna ng Youtube. Kahit ganito ako ay, I love watching inspirational talk, like nila Oprah, Tony  Robbins, Nick Vujicic and such. Mabait kaya ako no, super malandi at maharot lang madalas. Pero I sware, I have a good heart.             Matapos ang kalahating oras, sa wakas ay natapos na din ako sa pagluluto. Sinalin ko sa tupperware lahat ng ulam na niluto ko at wala na akong tinira pa para sa amin. Bibigay ko na kay kuya Steven ang lahat ng ito. Charot! Syempre, nagtira din ako para sa amin no! Common sense naman. HAHAHA! Habang hinahanda ko ang ulam na dadalhin kila tita Merly ay napansin kong pumasok si Mama sa kusina. Super fresh na niya ngayon at mukhang nakaligo na at natanggal na ang sukang amoy. Charot! Kung makapagpa-fresh si mama akala mo ba’y siya ang may bet kay kuya Steven.             “Iyan na ba ang para kay tita Merly mo anak?” bungad ni mama at tinuro nito ang kulay pink na tupperware. Correction ma, hindi iyan para kay tita Merly, para lamang iyan kay kuya Steven no! Joke!             “Yes ma,” magiliw na sagot ko dito. Hindi na ako sinagot ni mama bagkus ay kinuha niya ang tupperware na nakalagay sa lamesa at pinaloob iyon sa hawak niyang eksaheradang paper bag.             “Go na tayo ma?” tanong ko sa kanya. Tila nagmamadali ito! Akala mo naman super layo ng bahay nila tita Merly. Hay, ewan ko dito kay mama.             “Yes,” nakangiting sagot nito sa akin. Tignan niyo!             “Wait ma, I’ll change lang po my clothes,” wika ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis na gumora sa room ko para magpalit ng damit. Parang bata lang ih. Amoy bawang kaya na ako no! Ayokong maamoy ako ni kuya Steven ng ganito. Baka isipin niyang super burara ko. Iw, ayokong mangyari iyon. Shuta, ang drama ko! As if naman sure akong, naka-uwi na siya galing worksung.             …..             “Mars, may dala kaming ulam for you,” saad ni mama kay tita Merly nang pagbuksan kami nito ng kanilang gate. Nagliwanag ng todo ang aking mga mata nang masilayan ko ang Chevrolet silver car ni kuya Steven sa kanilang garage. So it only means, he’s already here!? Omg, nanginginig tuloy ako.             “Naku, mars Agnes. Ayan na ba ang luto ni Liwayway? Halika’t pumasok kayo,” wika ni tita Merly sa aming mag-ina.             “Oo, mars. Iyan na ang best recipe ng anak ko, adobong baboy! Nakakatitiyak akong magugustuhan niyo iyang apat,” nakangiting sagot ni mama.             Super proud talaga si mama sa luto ko. Well, ako din naman ay ganon, proud din ako sa luto ko dahil masarap talaga akong magluto at handa akong makipagpustahan doon. Tarayyy! Competitive si bakla oh!             “Oh, great! Halika’t pumasok muna kayo,” buong loob na paanyaya sa amin ni tita Merly sa kanilang magarang tuluyan.             “Sige mare,” wika ni mama dito at naglakad papasok sa loob.             “Naku tamang-tama iyan at maagang naka-uwi si Steven at Jane galing sa kanilang mga trabaho,” nakangiting sagot ni tita Merly. Tumugon lang din kami ng ngiti kay tita.  Sabi ko naman sa inyo e, nandito na si bebe Steven. #Kay Bebe Steven Lang Kakalampag Ang Papag At Yayanig Ng Matindi Ang Banig. Charot!             “Guysss, we have visitors,” bungad ni tita Merly nang makapasok kami sa bahay nila. Mas malaki ang bahay nila kumpara sa amin at mas bongga ito. Kaso ngalang para siyang amoy anghit. Charot! Ang fresh lang kaya ng amoy.             Nabungadan ko si tito Leo na naka-upo sa couch nila at kasalukuyang nakatutok ang atensyon sa panunuod ng wrestling. Nang madinig nito ang wika ng asawa ay humarap ito sa amin at ngumiti. Si tito Leo ay isang retired pilot. May sakit na siya kaya nahihirapan siyang tumayo. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Si Tita Merly naman ay tumabi sa asawa samantalang si Mama ay umupo din sa sofa.             “Iha, bakit nagawi kayo dito?” nahihirapang pagka-usap ni tito Leo sa akin. Iha ang tawag nito sa akin kahit mukha akong doorman, charot!             “Hon, dinalhan nila tayo ng ulam na luto ni Liwayway,” nakangiting linya ni tita Merly sa asawa.             “Ayos iyan, matitikman ko na din ang luto ni Liwayway, parating pinagmamalaki iyan ng mama mo sa amin kapag na-eskuwelahan ka,” saad ni tito Leo at muling bumaling sa akin.             “Ganon po ba? Nakakahiya naman po. Si mama talaga,” nakangiti at nahihiyang sagot ko. Saglit akong luminga-linga sa paligid upang hanapin ang pakay ko dito at ayon ay walang iba kung hindi si kuya Steven.             “Kamusta ang pag-aaral, Liwayway? Ilang araw buwan nalang ay makakatapos ka na,” pagbubukas ng usapan ni tita Merly.             Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. “Ayon po tita, sobrang stressing po pero happy naman po and striving harder.” Akala mo naman talaga ay nag-aaral ng sobrang tino hano? Samantalang puro tawa lang naman kami nila Merin at Pitu sa university.             “Ganon talaga ang pag-aaral iha, mapait pero siguradong matamis na bunga ang naghihintay sa ‘yo kapag nakatapos ka na. Sa una lang ang hirap, sa huli ay walang hanggang sarap,” nakangiting linya sa akin ni tito Leo.             “Nakaka’motivate naman po iyon, tito! Salamat po,” nakangiting sagot ko. Ang guwapo din ni tito Leo kahit matanda na ito. Manang-mana sa kanya si kuya Steven pagdating sa hulma ng kaguwapuhan. Speaking of kuya Steven, na sa kuwarto kaya siya ngayon? Ano kaya ang ginagawa niya doon? Gorahan ko kaya siya at maglampungan na agad kami? HAHAHA! Ha? Eme, mga ghorl’rilya kayo! “Basta, laban lang sa pag-aaral,” muling saad ni tito Leo sa akin. Ngitian ko ito at tumungo. Bumaling naman siya ngayon kina mama at tita Merly. Busy-busyhan nalang muna ako sa wrestling na pinapanood ni tito Leo. Pretending na parang nag-e-enjoy kahit hindi naman talaga. Mema lang, for formality lang ganerns. HAHAHAH!             “May tao po pala!” Gulat na ani ng isang pamilyar na boses. Napalingon kaming apat sa taong nagsalita at nakita kong si kuya Steven ito. Wait! Naka-topless lang siya ngayon. Jusko, baka hindi ko ma-handle ang laway ko at tumulo ito. Ang sarap kasi!             “Bihis lang po muna ako,” naka-ngiti niyang wika. Tumalikod siya at muling lumisan para bumalik sa kanyang silid upang bihisan ang hubad na katawan. Sila mama naman ay, tinuloy muli ang kanilang chikahan. Kuya Steven, kahit hindi ka naman na magbihis, e look presentable ka pa rin sa mga mahaharot kong mata. Alam ko na! May plano ako mamaya. Gusto niyong malaman!? Oh sige, ito, susunugin ko lahat ng damit ni kuya Steven para all day siyang hubad? Bet niyo ba iyon? HAHAHA! Chaka! Ilang minuto lang ang nakaraan ay nakabalik muli si kuya Steven. Nang makita ako nito ay ngumiti siya sa akin. At ayon na ang naging sanhi sa pagkamatay ng bakla. Charot! Sa wakas naman at may makakausap na ako dito. Balak balak ko na sanang makisali sa wrestling kanina sa TV e dahil sa sobrang pagkabagot!             “Kayo pala iyan, tita Agnes at Liwayway,” nakangiting salita ni kuya Steven sa amin ni mama. Lumapit siya kay mama at nag-mano ito. Parang musika ang dating ng boses ni kuya Steven sa aking mga tainga. Maaari ka nang magsalamin sa puti ng mga pantay niyang ngipin. Jusko nalang talaga! Magiging bahadera na dito laturia!             “Anak, dinalhan tayo ng ulam ng tita Agnes mo at ni Liwayway,” banggit ni tita Merly kay kuya. Nakita ni kuya Steven ang eleganteng paper bag na nakalagay sa maliit na lamesa at napangiti siya dahil doon. .             “Nice ang sweet naman. Thank you po, tita and Liwayway,” wika ni kuya Steven. Nginitian kami nito ni mama matapos ay umupo sa tabi ko.             “Wala iyon anak. Sigurado akong magugustuhan niyo iyang luto ni Liwayway,” sagot ni mama kay kuya Steven. Ayon nga at pinagmalaki ulit ako ni mama. True ka diyan ma, abe naman full force ang ginawa kong pagluluto diyan. Ang lahat ng nalalaman ko sa mundo ay ginamit ko upang mapa-sarap lang ang ulam ni kuya Steven. HAHAHA!             “Hello, kuya Steven. How’s your day?” nakangiting pagka-usap ko kay kuya.             “Tiring, I need some massage. Maybe later I go after dinner,” wika nito sa akin. Lalaking lalaki magsalita si kuya pero kinda sweet at the same time. Naamoy ko ang hininga niya at ang bango nito. Parang gusto ko nalang tumambay sa bibig niya habang buhay. Naku kuya, ako nalang mag-massage sa ‘yo. I am super willing to be your slave. Charot!             “Oh, marami sigurong cases na inaral o maraming pasaway kanina sa station?”sagot ko kay kuya. I need to pretend normal and keep this conversation going. Sila mama, tito at tita ay nagchichikahan pa din ng mga buhay nila at nagsasapakan na din sila ngayon. Charot!             “Parehas, dami talagang pasaway na tao ngayon,” medyo na-sad si kuya. “Pero wala akong magagawa ito ang pinili kong propesyon at kailangan lang ay panindigan at mahalin ko ito,” nakangiting sagot nito sa akin. Ay kuya, beke nemen pwedeng mehelen me den eke?              “True kaya diyan kuya!” ani ko. Nasa kasarapan na kami ng pag-uusap namin ni kuya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Ayoko sanang pansinin ito ngunit si kuya na ang nagsabi.             “Check it,” nakangiting wika nito.  Ginawa ko ang nais niya at tinignan ko kung ano itong abala na ito. Nakita kong nag-chat si Ma’am Phinay sa GC tungkol sa dicussion namin kanina na Battle of Mactan. Gagawa daw kami ng reaction paper with minimum of 5 pages. The deadline will be mamayang 9 PM. I immediately checked the time on my phone and I saw that it’s 7:10 in the evening na. It asserts, I only have two 2 hours to finish the act. Si ma’am naman, bakit ngayon niyo lang sinabi!? Kung kalian kausap ko si kuya Steven ngayon pa magkakaganito. Medyo na-irita tuloy ako. Huhu! Pinatay ko ang cellphone ko at nakabusangot na tumingin kay kuya Steven. “Why?” natatawang tanong niya sa akin. “Nag-chat si ma’am kuya. May rush activity na ibinigay,” paliwanag ko dito. “Oh adi, gawain mo na agad!” nakangiting saad niya. “Kayang kaya mo iyan!” dagdag pa nito at tinapik pa ang kaliwang braso ko. Aray naman, kuya! Keleg ako! Para sa iyo ay kakayanin ko.             Ngumiti at tumgo ako sa kanya matapos ay bumaling kay mama.             “Ma, need ko na pong umuwi,” wika ko. Lumingon si mama sa akin at sumagot. “Bakit naman? Maaga pa, sabay na tayo.”  Naudlot tuloy ang pag-uusap nila ni tita Merly.             “May sinend po kasing rush activity ang prof ko, need ipasa ng exactly 9 PM,” paliwanag ko.             “Ganon ba?” wika ni mama. Hatalang hindi siya masaya kasi medyo saglit pa lang kami dito. Ayaw niya pa sigurong umuwi. “Yes, mama, pero kahit ako nalang po ang maunang umuwi!” mungkahing sagot ko.  “Oh mars at pars bukas naman ulit. Mauuna na kami ni Liwayway para makain niyo na iyang dinala namin, chat mo nalang ako for the feedback,” nakangiting pagpapaalam ni mama kina tito at tita. Hay si mama naman. Puwede naman siyang maiwanan muna dito pero ayaw niya. Nagpaalam na din ako sa kanila pati na din kay kuya Steven. Gusto ko pa sanang maka-usap si kuya kaso ayoko din namang bumagsak kapag hindi nagawa ang activity na binigay ni ma’am. ……………………             Sending…             Sent!             Hayst! Finally at ayan na-send ko na din kay ma’am Phinay ang pinapagawa niya. Dinalhan na ako kanina ni mama ng pagkain dito sa kuwarto dahil sobrang stressing at hindi ko na nagawa pang bumaba sa kusina upang kumain. I needed to read again all the information sa powerpoint. Hindi kasi ako focus sa pakikinig kanina kay ma’am Phinay sa discussion kahit ang galing galing niyang magpaliwanag at super maalam siya sa topic.  Naloka nga ako, akala mo ba’y nandoon talaga siya sa labanan nila Lapu-lapu at Magellan noong unang panahon. Ang detailed kasi ng explanation niya, hindi ko kinaya at lahat kaming mga magkaka-klase ay namangha talaga sa galing ni ma’am. Actually na-take na namin iyang Readings in Philippine History before, ang kaso ewan ko kung bakit inulit na naman ngayong fourth year namin, iyang topic kay Magellan at Lapu-lapu. Siguro need lang ulitin kasi para ma-cultivate talaga ang love for mother land. According kasi kay ma’am Phinay e, many young Filipinos today are being forgotten the heroine acts of our native hereos and rich historical events that helped shaped our nation and our own identity.   By the way hindi naman namin iyan major subject. Minor lang na feeling major subject ganon. Aminin niyo, may mga ganyang kayong prof na feeling major subject iyong subject nilang minor lang naman talaga. Mga eksena lang hanes? Pero need talagang mag-aral at pumasa. Kaya susunod nalang tayo.             When I finished doing my stuffs,  I opened the Shozada app then here I goooooo, shopping naaa! After kong mag-add to cart ay kinuha ko muna ang book ko at tinuloy ang pagbabasa ng favorite story ko na fantasy story, entitled, Darnae: Ang Baklang Darna. Sobrang Laugh trip ng storyang iyan. Maiihi kayo kakatawa for sure!             Matapos ang matagal na pag-aabang. Nag-alarm ang cellphone ko tanda na ito na ang oras na pinakahihintay ko, 11:11 naaaa!! Super nagmadali talaga ako, and I placed order na agad lahat ng nasa carts ko kasi selected and reviewed ko na iyan kanina. Ayoko din kasing maubusan pa ako ng stocks kagaya nalang last time. I double checked my orders and I shocked when I saw that mystery box with a price of 1 peso. Did I accidentally order this one? What!? I ordered a one peso mystery box? Paano!? Ayan ang shunga! Hindi muna nagche-check ng cart items bago mag-place order. Buti nga sa ‘yo! Wait, bakit ba ako nako-konsensya? 1 peso lang naman ang halaga ng item. Walang value no!  Hayaan niyo na! Baka mamaya ay pure box lang talaga ang laman non kasi nga ang muraaa! Pero malay niyo naman, iphone 25 pala iyon. Life changing na agad! Charot! Cheee, I am excited to receive my orders! Pero ano kayang laman ng mystery box na iyon?  Gaga! Mystery box nga ‘di ba? Ghorl’rilya ka talaga! Hayaan ko nalang, piso lang naman at syaka ganon naman talaga sa mystery box ‘di ba? It’s either mahopya ka or ma-winner ka. Alin lang sa dalawa pero hindi naman ako mahohopya dahil 1 peso lang naman ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD