Liwayway “MA’AM, bakit po kayo nandito?” gulat kong tanong kay ma’am Phinay. Pagkalingon ko sa gilid ni Benjamin ay nakita ko ang nakakubli niyang wangis. Na-cancel ang pagninilay nito, bumaling sa akin suot-suot ang kumikinang na puting damit na pinalilibutan ng mga glitters. Poon ba si ma’am? Bakit ganiyan ang outfit niya? “Malamang, makikipaglibing din ako. Anong gusto mo? Ikaw lang ang may karapatan na pumunta rito?” sagot sa akin ni ma’am. Oo nga naman, ang bagal ng proseso ng utak ko roon. Lahat naman nga ay welcome na makipag-attend sa libing. Amunan ang katayuan mo sa buhay, pinaniniwalaan, at kung ano pa man. “Ah, baby, kani-kanina pa nandito si ma’am. Hindi mo lang ata napansin,” sabat ni Benjamin. Oo tama ka, hindi ko na nga napansin kaya

