Liwayway NGAYONG ARAW ang libing ni Gab, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Merin. Marahil hindi pa sapat ang mga araw na lumipas, hindi pa siya handang magpatawad. Gumagayak kami nina mama upang tumungo sa bahay nila Gab, sa kabilang city lang din ang sa kanila, malapit-lapit sa amin. Pero ako ay nandito pa sa kuwarto ko. Gusto ko munang i-text si Pitu bago ako bumaba at umalis. ‘Bakla, nand’yan ka na ba?’ Text ko kay Pitu upang malaman kung nandoon na ba siya. Oo, nakabili na kami ng bagong smart phone. Mahirap kasing mabuhay ngayon ng walang phone to communicate to your friends, and loved-ones kaya nagpabili agad ako. Mabilis lang nag mag-flash sa screen ang reply niya. ‘Oo, Liwayway. Kanina pa. Kasama ko si dad at mom ngayon dito. Kayo ba, na saan na? Bilisan

