Liwayway “BAKIT, basang-basa ka anak? Ano bang nangyari at namumugto ang mga mata mo?” magkakasunod na tanong sa akin ni mama habang haplos ang mukha ko. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin. Nakatulala lamang ako. Tumingin siya sa lalaking katabi ko. “Ano bang nangyari Benjamin?” Hindi siguro nila alam ang balita tungkol sa naganap kanina. Hindi ko na nagawang makapagmano pa kina tita bilang bungad sa kanila dahil nga wala ako sa kondisyon. Hindi ko alam kung paano sasabihin na wala na si Gab. Gusto pa naman niya ito dahil sa magandang pakikisama nito, napapasaya niya si mama. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “ahh…ma, wala na po si Gab.” Nabigla siya sa sinabi ko at napahawak ang mga palad sa bibig. Nanlaki ang mata ni mama sa bali

