Liwayway “HUWAG ka nang sumama sa amin! Ayoko nang makita ang mukha mo!” Nagulat kami sa biglang pagsigaw sa akin ni Merin nang hawakan ko siya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Natigilan kaming apat sa aming paglalakad. Bakas ang pagtatanong. “Ba-bakit?” nauutal na tugon ko. Gusto ko lang naman siyang namadayan? Parang mainit ang dugo niya ngayon? Galit kaya siya sa akin? Parang sa ginawa niyang pagsigaw ay, oo ang sagot. Ngayon lang niya ako nasigawan ng ganiyan habang nanlalaki ang mata at may kasamang galit. Kuwago ka girl? Charot! “Huwag mo nang itanong Liwayway. Huwag ka nang magbulag-bulagan dahil alam mo na sa sarili mo ang sagot!” makahulugang wika nito. Nangungusap ang mga tingin niya. Naghahayag ito ng negatibong mensahe sa ak

