Liwayway KINABUKASAN ay maaga akong nagtungo sa kanto kung saan narorooon ang labasan ng bahay nila Witwit. Habilin ko kasi sa kan’ya na magkikita kami ngayon at ipapamasyal ko siya. Actually, at kadarating ko lang dito. Maingay sa lugar nila. Gayundin, hindi kagandahan ang amoy sa paligid ngunit para masaya ko ang bata ay kaya kong maghintay. Kapansin-pansin ang maiitim na usok sa kalsada dulot ng mga maruruming tambutso ng sasakyan. Hindi lamang ito nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan natin kung hindi na rin pati sa ating inang kalikasan. May katabi ako ngayong tatlong babae, may kaniya-kaniya silang pagkakakilanlan, kanina ko pa narinig ang pinag-uusapan nila. Hindi naman ako chimoso pero dahil sa natural na malakas ang boses nila ay naririnig ko ang mga nakatatawang pagchich

