CHAPTER 5

1226 Words
Napangiti ako nang makita ko ang sasakyan ni Hiro padating pa lang ito. Inagahan ko talaga ang paggising at pagpasok ko para lang hintayin siya rito sa Parking Lot. Kasi naman hindi ko siya nakita kahapon nang matapos kong ibigay ang dalawang balot ng Chubby sa kanya. Hindi naman kasi ako nakapasok ng Afternoon Class namin paano ba naman may problema about sa Christmas ball namin. Hindi ko tuloy nasilayan ang cute at masungit niyang mukha. But now, here he is. Katatapos niya lang i-park ang sasakyan niya nang lumabas ito at nakakunot ang noo na tumingin sa akin. Hindi niya yata expected na hihintayin ko siya rito. Naku! Kung alam ko lang kung saan ang bahay nila, baka ako na ang maghatid at susundo sa kanya. Gawain 'yon ng isang manliligaw, eh. Nakangiti akong naglakad papalapit sa kanya at iniabot ang hawak kong tatlong tangkay ng rosas at tatlong balot din ng Chubby tulad ng ipinangako ko sa kanya. "TSK. What's that?" kunot pa rin ang noo nitong tanong. Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Ang hirap manligaw ng isang tao lalo na kung slow at hindi alam kung ano ang tawag sa mga ibibigay mo. "Rose and Chubby," nakangiti ko na lang sabi. Ayaw kong maging mukha siyang temang sa harapan ko baka bastiden niya lang ako, mahirap na! First time ko pa naman magkagusto at manligaw sa isang tao at sa masungit pa. "I know that, don't make me stupid," ganoon parin ang boses nito napakasungit, akala mo may dalaw. Taena! Alam niya pala tapos magtatanong pa siya. Ang sungit na nga ng lalaking 'to ang gulo-gulo pang kausap. "Alam mo naman pala tapos magtatanong ka pa," balik ko sa kaniya. "TSK. Stupid! Bakit mo ako binibigyan nan?" naiirita nitong tanong. Ako pa talaga ang tanga? Siya nga itong tanga, eh. Pasalamat talaga siya at gusto ko siya kung hindi. Siya ang sasabihan kong tangang masungit. Napakamot na lang ako sandali ng ulo ko para naman mawala ang pagkainis ko sa masungit na ito. Ang gwapo gwapo nga, ang sungit sungit naman. "Nakalimutan mo na ba?" tanong ko sa kaniya. "Sabi ko naman sa 'yo hindi ba, bibigyan kita ng flowers and Chocolates ngayon?" "For what?" "Ano ba ang nangyayari sa 'yo at nakalimutan mo naman yata ang mga nangyari at sinabi ko sa 'yo kahapon lang?" saad ko. "Hindi ba sinabi ko rin naman sa 'yo kahapon na liligawan kita, hindi ba?" Napangisi ito na hindi makapaniwala. Cute rin naman pala siya kapag ngumingisi, eh. "You're so funny." "I'm not joking," sabi ko at tinignan pa siya nang seryoso. "Seryoso ako sa 'yo, liligawan talaga kita." "Stop pestering me," wika niya. "And please stop doing that." "Pero gusto kitang ligawan," pamimilit ko. Ayaw niya ba na may manliligaw sa kanya lalo na ako? Kung ibang lalaki 'yan lalo na ang mga gwapong istudyante rito sa University na may gusto sa akin I'm sure tuwang-tuwa ang mga 'yon. Syempre ako na ang naghahabol sa kanila, hindi na sila. "Really?" Tumango-tango ako at seryoso siya na tingnan. "Kaya sa ayaw o sa gusto mo tatanggapin mo 'to," tukoy ko sa hawak kong rosas at Chubby. "At kapag hindi ko tinanggap." "Mahiya ka naman ikaw na itong nililigawan, ikaw pa tong choosy," naiinis na sabi ko rito. "Kung ayaw mo sa akin edi pilitin mo." Problema ba 'yon? Tumawa ito. "TSK. Sinabi ko ba kasing ligawan mo ako?" tanong niya. "Hindi," muling sagot ko. Nilingon ko ang buong paligid kung meron ba na nanonood sa amin o wala. "Hindi ko rin naman sinabi na liligawan kita, eh." "Iyon naman pala, then why are you doing this?" "Kasi sabi nito." Tinuro ko ang sintido ko. "At ito." Tinuro ko rin ang kanang dibdib ko kung saan nakatago ang puso ko. "Sabi nila ligawan kita." "Stupid!" "Ikaw itong stupid diyan," naiinis kong balik sa kaniya. "And why me?!" "Wala ka man lang galang sa manliligaw mo," sagot ko. "Alam mong napakas'werte mo na nga at niligawan pa kita." Tumawa ito. Temang yata ang taong ito. "Too funny." "Gano'n lang ba ang tingin mo sa nararamdaman ko sa 'yo?" Tingnan ko siya sa mga mata at walang emosyon niya lang ako na ginantihan ng tingin. "Isang kalokohan?" Hindi naman kasi nakakatawa 'tong feeling ko sa kanya, eh. Bakit niya tinatawanan. "Liligawan mo ako?" Marahan ako na tumango. "Hindi ka lalaking para gawin 'yon." "Bakit lalaki lang ba ang pwedeng manligaw sa babaeng gusto niya?" Seryoso ko itong tinignan. "Paano naman kaming mga babae na may gusto sa isang lalaki? Tutunganga na lang ba kami at papanoorin siya na magkagusto sa iba?" sahaba ko na sabi rito. "Stupid! Can you just stop doing this nonsense things," balik niya sa akin. "Hindi ako magkakagusto sa 'yo, okay? Find another man na kaya kang mahalin at 'yon sila mismo ang liligawan ka hindi 'yong ganito ang gagawin mo." Binasted ko na nga silang lahat paano pa nila ako liligawan? Gusto kong ipamukha yon sa kanya, kaya lang baka sabihin niya napakayabang ko naman. Umiling-iling ako rito at tinignan siya nang seryoso. "Ah, basta liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo, hindi mo ako p'wedeng bastiden." "At bakit naman?" "Dahil isisigaw ko at ipapaalam ko sa lahat ng tao na bading ka," pananakot ko rito. "Hindi ako bading," depensa niya. Hindi nga talaga siya bading sa sungit niyang 'yan? "Edi, magpapaligaw ka na sa akin?" masaya kong tanong dito. "Hindi." umiiling na wika niya. Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya. Ang hirap niya naman papayagin na ligawan ko siya. Hindi siya babae, lalaki siya kaya 'wag siyang mag-inarte diyan! "Hindi ako bading at basted ka na ngayon pa lang," dagdag niya pa. "Hindi mo gagawin yan." Seryoso kong siya na tingnan. "Kasasabi ko lang, hindi ba?" "Okay, sige." Nginisian ko ito. "Bastiden mo man ako o hindi liligawan pa rin kita." Mabilis kong iniabot sa braso niya ang mga hawak kong rosas at Chubby na tatlong balot bago lumayo rito at dali-daling tumakbo. "Bye Mr. Sungit kita na lang tayo mamaya! Sasabay ka sa akin mag lunch, ha!" sigaw ko habang nagtatakbo papalayo sa kanya. Wala akong pakialam kung masungit siya basta siya ang gusto ko. Hindi ko na muli siyang nilingon pa. Hindi ko nga rin alam kung anong naging reaction niya at hindi rin naman kasi siya nagsalita pa. Nakangiti na lang akong naglakad papunta Guidance Office. Late na ako sa meeting namin dahil nga sa nagkaroon ng problema para sa Christmas ball na mahigit isang linggo na lang ay magaganap na. Sa pagmamadaling ginawa ko ay hindi ko aakalain na may mababangga akong isang tao at ang kakambal pa talaga ni Hiro. Naiinis ko itong tinignan. Hindi man lang kasi ako nito tinulungan na tumayo bagkus ay iniwan niya lang ako at naglakad papalayo sa akin. Batos! Sinundan ko nang tingin ang lalaking 'yon at kitang-kita ng dalawang mga mata ko na sinusundan niya si Freja. Kitang-kita ko ang pagkairita sa mukha ni Freja dahil sa pangungulit ng lalaking 'yon. "Freja ano ba?! Kausapin mo naman ako, oh!" Rinig kong sabi ng nagngangalang Zero. Mukhang may something sa dalawang 'to na hindi ko maintindihan. TSK. Bahala sila, mas okay na 'yan kaysa naman sila ni Hiro ang magkulitan, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD