Nakangiti ako habang nakasandal ang baba ko sa aking palad at nakatingin ako kay Hiro. Ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Hindi ko talaga maiwasan na hindi matuwa, kasi naman kasabay ko na naman siya mag-lunch ngayon. Sinusulit ko na, na pagmasdan ang kaniyang mukha kasi mamaya ay hindi ko na naman magagawa.
Hindi ko naman kasi siya nakakasama kapag may klase na paano ba naman kasi busy ako sa pag-pe-prepare ng venue para sa Christmas ball namin nitong mga nakaraang araw, two days na lang ay mangyayari na.
Nakakalungkot ngang isipin paano ba naman ilang araw ko na lang din masisilayan ang masungit at gwapong mukha ni Hiro. After naman kasi nang Christmas ball namin wala na kaming pasok at ilang weeks ko na siyang hindi na makikita.
Hay! Nakakalungkot talaga. Dati-rati naman excited ako every Christmas vacation dahil sa nag-ta-travel kami sa iba't ibang lugar sa Asia pero ngayon parang ayaw ko nang magkaroon ng Christmas vacation.
Napabuntong-hininga ako at sandaling uminom ng tubig na nasa gilid ko bago binalik ulit ang tingin sa kanya. Napapaisip tuloy ako, ano kaya kung yayain ko siyang makipag-date sa akin? Papayag naman siya siguro, hindi ba?
Ang kaso lang, naalala ko na naman ang Christmas ball. Iyon ang kailangan kong unahin bago ang mga bagay na ganito.
Hay, ano ba naman 'yan! Sana pala hindi na lang ako tumakbo ng President ng University kung ganito ang mangyayari. Kung alam ko lang talaga... kaya lang ito ang isa sa mga pangarap ko ang maging student president ng University na 'to.
Natauhan na lang ako nang bigla na lang magsalita si Hiro.
"Stop looking at me," naiiritang sabi ng nasa harapan ko.
Sungit talaga!
Sandali akong ngumuso bago nagsalita. "Hindi naman kasi kita tinitignan."
"Then where are you looking at?" balik niya mas lalo pa nga na kumulubot ang noo niya.
"Nakikita mong nag-da-day dream ako, 'wag ka ngang feelingero d'yan," sabi ko pa. "Masungit kang tao pero hindi ka feelingero tandaan mo 'yan."
"TSK. Stupid!"
"TSK. Masungit."
Tinignan ako nito nang masama. Mabilis naman akong ngumiti rito na parang nagbibiro lang.
"Na gwapo syempre," dagdag ko pa.
Umiling-iling lang ito at pinagpatuloy niya na ang pagkain niya. Nakakatamad kumain lalo na kung may ganitong ka gwapo na lalaki sa harapan mo. Titigan mo pa lang mabubusog ka na.
Napalingon ako sa isang grupo ng mga babae sa likod niya na mga Classmates lang naman namin ng masungit na 'to. Naiilang akong ngumiti sa kanila paano ba naman, tinitignan nila kami na may nang-aasar na ngiti.
Hindi ko nga rin maiwasan na hindi mapangiti paano ba naman lagi na kaming kinakantyawan ng mga Classmates namin. Alam na kasi nilang gusto ko si Hiro at nililigawan ko ito.
Nagulat nga ang mga 'yon dahil sa mga nalaman nila paano ba naman, first time lang nilang may ma-encounter na babaeng manliligaw. At isa pa sa mga ikinagulat nila na isang Franklin Yen Alvarez pa ang maglalakas na ligawan sa isang lalaki.
Napabuntong-hininga na lang din ako nang napalingon ako sa kabilang table namin. May mga iling students kasi na nakapansin sa kagwapuhan nito, kaya may mga kaagaw ako sa kanya.
Buti nga mabibilang ko lang sa kamay ko ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya unlike sa kakambal niyang si Zero, ang daming nagkakandarapa at naghahabol. Paano ba naman ang galing pumorma tapos ang mga kilos niya pa, nakakaagaw pansin talaga.
"Hiro!" Pagkuha ko nang atensyon nito at kinuha na ang Chubby at Rosas na nasa isang upuan sa gilid ko. Hindi ko kasi ito naibigay sa kanya kanina. Paano ba naman kasi late na akong pumasok at late na rin kasi ako nagising kanina kaya ayon hindi ko siya naabutan. Mabuti na lang talaga at nakasabay ko siya ngayon.
Agad naman itong lumingon sa akin nang nakakunot ang noo. Mabilis ko namang inilapag ang mga hawak ko sa lamesa.
"Ayan tulad ng ipinangako ko, araw-araw kitang bibigayan ng mga ganyan," nakangiti ko pa na dagdag. "Kinakain mo ba lahat ng mga binibigay ko sa 'yo?"
Hindi ito sumagot at tinignan lang ang mga nilapag ko sa lamesa. Ito na naman po kami kunwari ayaw niya at magpapapilit siya at the end ayan kukunin niya rin naman.
Napangiti na lang ako. Gustong-gusto niya talagang sinusuyo ko siya. Napapaisip tuloy ako minsan kung ako ba ang lalaki sa aming dalawa at siya itong super arteng babae.
"TSK. TSK." Umiiling nitong sabi at tumingin sa akin. "I don't need Roses, nakakabakla."
Gulat ko itong tinignan totoo ba 'tong narinig ko? Hindi siya mag-iinarte ngayon? Taena! Nag improve yata ang pagpapakain ko sa kanya ng Chubby.
"Chocolates is enough!" dagdag pa nito.
"G-ganoon ba?" hindi ko makapaniwalang sabi. Mabilis na sumilay ang ngiti ko sa aking labi. "S-sige. Ano pa ba ang Chocolates ang gusto mo?"
Malay mo nagsawa na siya sa lasa ng Chubby na lagi kong binibigay sa kanya at p'wede naman maghanap siya ng ibang klaseng Chocolates.
"TSK." Umiiling nitong sabi at yumuko pa. Hindi ko tuloy makita kung ano ang reaction ng mukha niya ngayon. Kung masaya ba siya o hindi.
"TSK. Sungit!" nkangisi kong sabi. Nagbabaka sakali na lumingon siya sa akin at makita ko ang mukha nito.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapakagat ng ibabang labi ko dahil sa nararamdaman kong panginginig na ito.
Hindi nga ako nagkakamali lumingon siya sa akin, ang kaso lang nakakunot at masama ang tingin niya sa akin.
"What are you saying?" masungit nitong tanong.
"N-nothing. I just want to ask you. Diary Milk or still Chubby?"
Hindi ito sumagot at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain niya. Nag-umpisa na rin akong kumain at paminsan-minsan pa ay napapalingon ako kay Hiro na nakatingin din sa akin.
Hindi ko alam kapag nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin ay bigla-bigla na lang siya na umiiwas nang tingin at agad na susubo para tuloy akong matatae dahil doon.
"Hiro!" tawag ko sa kaniya upang kunin ang atensyon niya habang naglalakad kami.
Halos katatapos lang namin kumain at ngayon naman kailangan niya nang bumalik sa Classroom. Mag-uumpisa na kasi ang klase nila ilang minutes na lang. Kaya ito ako ihahatid siya sa Classroom, tulad nang ginagawa ng isang manliligaw. Dapat safe siyang makarating sa room.
Hindi naman kasi ako p'wedeng um-attend ng klase namin ngayon lalo na at hinahabol namin ng mga kapwa ko SSG Officers ang about sa venue ng Christmas ball.
Hinawakan ko na ang braso nito para pigilan siya sa paglalakad . Ilang classroom na lang naman kasi ang dadaanan namin at makakarating na kami sa classroom namin. Naiilang ko itong tinignan nang lumingon ito sa akin.
Nakakatae talaga kapag tinititigan niya ako ng gan'yan. Kahit na masama pa ang tingin na ibinabato niya sa akin.
"Pwede ba kitang yayain na makipag-date sa akin mamaya?" tanong ko rito.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na para bang kailangan pang pag-isipan ang bagay na isasagot niya sa akin. Gusto ko kasi maka-date ang lalaking 'to.
Please sana pumayag ka! Sigaw ko sa aking isipan.
"H'wag kang mag-aalala ako nang bahala sa mga gagastusin natin." Dagdag ko pa. Baka kasi isipin niya ako na ang nag-ayang makipag-date sa kanya, siya pa itong magbabayad. Hindi ko siya pagbabayarin ako na lahat ako naman ang nanliligaw sa aming dalawa, eh.
Umiling-iling lang ito at nag umpisa na ulit naglakad. "Lets see."