"Sandali lang guys ha!" nakangiti kong sigaw sa mga kasama ko sa pag-aayos ng Venue.
Nagtatakbo ako patungo sa lugar kung saan nakatayo si Hiro. Nasa labas kasi siya ng Gym at nakasandal lang sa pinto.
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan iting sayang nararamdaman ko, hindi ko aakalain na pupunta pa siya rito para makipag-date lang sa akin. Balak ko nga sana na puntahan siya sa Classroom namin kanina kaya lang naging busy kami sa pag-aayos.
Hindi niya rin naman kasi sinabi kanina sa akin kung papayag ba siya o hindi. Akala ko kasi ayaw niya pero hindi pala ito siya at sinusundo pa talaga ako. Nakakatuwa naman!
"Wait lang Hiro, ha!" nakangiti kong bungad na sabi nang makalapit ako sa kanya.
Seryoso niya lang akong tinignan sa aking mga mata. Hindi ko nga alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na 'to.
"Tatapusin lang namin ang pag-di-design doon." May itinuro akong mga bilog na maliliit at may laman itong mga ilaw na maliliit. "After that mag-da-date na tayo."
Hindi ito sumagot tinignan nga lang niya ako na parang wala lang. Napanguso na lang ako at hinila siya papasok ng Gym at tinungo rin namin ang isang bench. Akala ko nga magpapapilit pa ito.
"Pasok ka muna, hintayin mo na lang ako d'yan. Sandali na lang 'to," masaya kong paalala habang patuloy pa rin siya na hinihila.
Tumango lang ito at agad na umupo sa isang bench na nasa tabi lang ng bag ko.
Dali-dali rin naman akong nagtatakbo pabalik sa mga kasama ko para mabilis naman namin matapos ang ginagawa.
Hindi na ako makapaghintay na maka-date si Hiro. First time ko kasing makipag-date sa isang lalaki tapos kay Hiro pa na gustung-gusto ko. Nakakatuwa lang talaga.
Umakyat na ako sa isang bangko rito para ikabit ang isang ilaw. Sa akin kasi nakataas ang pagkabit ng mga ito.
Sa hindi ko inaasahan ay muntikan na akong bumagsak sa sahig dahil sa hindi ko napansin na wala na pala akong matatapakan. Kaya ayon akala ko talaga babagsak at lalagapak ako sa sahig pero hindi.
Dahan-dahan ko na iminulat ang aking mga mata. Thanks God! Mabuti na lang at nasalo ako ni Khalil.
Naiilang akong tumingin dito.
"Thank you..." saad ko sa mahinang boses habang nakapalibot pa rin ang mga braso ko sa leeg nito.
Ngumiti lang ito sa akin. Yakap-yakap ako nito habang inaalalayan ang likod ko para hindi ako matumba. Mabuti na lang talaga at nandito ang lalaking 'to. Nagmadali na akong bumaba at naiilang na tumingin dito.
"Thank you talaga. Mabuti na lang talaga at nasalo mo ako kung hindi baka a-attend ako ng Christmas ball ng may pasa sa mukha," natatawa ko pa na sabi.
Ngumiti lang ulit ito sa akin at hindi na nagsalita pa.
Lumingon ako kung nasaan nakaupo si Hiro. Mabilis naman naglaho ang nakabalandrang ngiti sa aking labi nang makita ko itong tumayo.
Mabilis akong nagtatakbo at hindi na pinansin o nilingon pa si Khalil nang sumigaw ito at tinatawag ang pangalan ko.
"T-Teka lang Hiro," pigil ko sa kaniya nang malapitan ko siya.
Hinawakan ko na ang braso niya para naman hindi na siya magtangka pa na talikuran ako at maglakad.
Ano ba kasi ang problema niya sabi ko hintayin nkya ako pero ano 'tong ginagawa niya? Aalis na lang siya nang walang pasabi.
"Bakit aalis ka na? Hindi ba hihintayin mo pa ako?" dagdag ko pa at pinagmasdan ang mukha niya.
Gusto kong mabasa kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito kahit ngayon lang, ngunit wala talagang lumalabas.
"TSK!" pagsusungit nito. Ano na naman ba problema niya at nagsusungit siya siya. "Nabo-boring na ako rito, tara na."
"Pero hindi ba—." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang magsalita na naman ito.
"Kung hindi ka sasama sa akin ngayon, hindi mo na ako makaka date kahit kailan," pananakot niya.
Ngumuso ako at sandali siyang tinignan. Napakasungit talaga ng lalaking 'to.
"Teka lang magpapaalam lang ako sa kanila."
Lilingon at tatakbo na sana ako pabalik sa mga kasama ko. Bigla na lang nitong hinawakan ang braso ko at hilahin ako papalapit sa kaniya bago inakbayan.
"Kapag lumapit ka pa sa kanila iiwanan na kita." Naramdaman ko ang pagsandal ng baba niya sa ulo ko habang bumubulong.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi kiligin at matae dahil sa ginawa nito. Nakakabigla at nakakagulat naman kasi siya, eh.
"Pero hindi pa ako tapos doon sa ginagawa ko, eh," mahina ko ring sabi rito.
"I don't care," Walang pakialam nitong sabi.
"Pero Hiro kas—."
"Basted ka na sa akin."
"Huh?!" gulat kong sigaw at tinignan ito. "Hindi pwede 'yon. Hindi mo ako pwedeng bastiden at saka kahit na bastiden mo ako liligawan pa rin kita."
"Edi, hindi ko na tatanggapin ang mga Chocolates na binigay mo," balik niya na sagot. "Ibigay mo na lang sa iba at humanap ka na lang ng ibang liligawan mo."
Bumuntong-hininga na lang ako at sandaling ngumuso. "Oo na, oo na. Sandali lang pala magpapaalam lang ako."
Sa ikalawang pagkakataon susubukan ko sana muling lumingon sa mga kasama ko nang mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso na para bang binabantaan ako sa balak ko na gawin.
"Anong sabi ko kanina?" seryoso niya na tanong.
Sa ikalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga na lang ako. Pati pagpapaalam bawal din?
"Oo na," mahina kong wika. Sorry guys!
"TSK. Madali ka lang naman pa lang kausapin." Hinila na nkya ako habang nakaakbay ang braso niya sa balikat ko.
Kahit na nalulungkot ako dahil iiwanan at hindi na ako makakatulong sa mga kasama ko. Hindi ko pa rin maiwasan na hindi mapangiti at mapakagat ng labi. Ito kasi ang pinakamalapit ko na pagkakadikit kay Hiro at nakaakbay pa nga talaga ang braso niya sa akin.
Natigil na lang ako ng may maalala ako. "Wait teka lang 'yong-."
Mabilis nitong pinakita ang hawak-hawak ng kanang kamay niya, ang bag ko. Akala ko talaga na iwan ko.
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Para tuloy kaming mag-oyfriend at girlfriend dahil sa itsura namin na ito.
"Hiro," nakangiti kong sabi rito nang matapos niyang binalik ang hawak niyang menu sa waiter.
Hindi ko talaga aakalain na makaka-date ko siya bago mag-christmas vacation. Unexpected talaga.
Tulad nang lagi niyang ginagawa. Seryoso niya lang akong tinignan at hindi nagsalita. Sungit talaga!
"Ano kasi," nahihiya ko pa na sabi at marahan napakamot pa sa gilid ng panga ko.
Malay mo magkagusto siya sa akin kasi ang cute ko dahil sa ginagawa ko. Edi good opportunity 'yon para sa akin.
"May date ka na ba sa Christmas ball?" dagdag ko pa. Naiilang akong tumingin dito. Sana wala ng ako ang date mo.
Sila kasi ng kakambal niyang si Zero ang special student na a-attend sa Christmas ball. Paano ba naman sila ang mga sikat na students ngayon sa loob ng Campus.
Napangiti ako nang umiling ito. Mabuti na lang! Wala rin naman kasing maglalakas ng loob na lapitan siya lalo na iyong mga schoolmates namin, paano ba naman sobrang sungit ng lalaking 'to. Minsan, okay rin pa lang masungit -to, nang walang nagtatangkang lumapit sa kanya maliban sa akin. Ang s'werte ko naman!
"Mabuti naman. Ako ang date mo ha!" saad ko. Kahit umayaw siya pipilitin ko pa rin siya.
Hindi ito sumagot. Silent means Yes!
Nakangiti akong tumango-tango rito. Hinintay na lang namin ang waiter na bumalik at may dala na itong mga pagkain. Nag-umpisa na rin kaming kumain.