"Guys sorry talaga, ha," nahihiya ko na sambit at ngumuso pa sa harapan nila.
Nakakahiya kasi, sila na ang tumapos sa lahat ng mga hindi pa namin natapos nang umalis kami ni Hiro kahapon.
"Okay lang, nuh!" nakangiting saad ni Kkorna.
Tinignan ako nito nang nakakaloko. I'm sure aasarin at pag-ti-tripan na naman ako ng babaeng 'to. Alam niya naman kasi na may gusto ako kay Hiro at alam niya rin ang ginagawa kong panliligaw roon sa tao.
"Musta naman ang date ninyo ni Mr. Sungit?" dagdag pa nito at binunggo-bunggo pa ang balikat ko.
Naiilang akong tumingin dito bago sumagot. "Ano ba 'wag mo nga akong inaasar ng ganyan lang, i-level up mo naman."
Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.
Nakakatuwa lang maalala ang nangyari kahapon. Kahit na hindi niya ako kinakausap at kinikibo okay lang. Nakakakilig pa rin naman kasi siyang kasama. Sabi nga nila kapag kasama mo ang isang tao, kahit na hindi kayo nag-uusap okay lang 'yon.
Feeling ko nga may spark na sa aming dalawa at ramdam ko rin na kami talaga ang para sa isa't isa. Kung hindi man? Edi, pipilitin ko.
"Musta naman ang date niyo?" Hindi pa rin niya mapigilan na hindi matawa.
Ngumiti ako sa kaniya. "Ayon okay lang, hinatid nga niya ako sa bahay." Tumingin ako rito. "At hindi siya tumanggi nang ipinakilala ko siya kanila mommy at daddy, and guess!" Hindi ko mapigilan na hindi mapasigaw. "My Parents like him."
"Naks naman," Pang-aasar nito.
Niyakap ko ito at tumingin pa sa bintana bago nagsalita. "Sana talaga magkagusto na siya sa akin."
Napalingon ako kay Khalil na palihim ako na pinagmamasdan. Pinapanood at pinapakinggan niya ang lang ng mga sinasabi at ginagawa ko.
Seryoso niya lang akong tinitignan ni hindi nga siya nagsasalita o ngitian man lang ako ay hindi niya rin ginawa.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapaisip paano ba naman kasi napapansin ko nagiging seryoso na siya nitong mga nagdaang araw.
Minsan niya lang din ako kibuin at kausapin kapag kailangan lang. Kung ngitian niya ako pilit pa. Naramdaman ko iyong nagiging cold ang pakikitungo niya sa akin since dumating at mag-transfer dito ang kambal na Dawson.
Ewan ko nagseselos yata siya dahil doon, masisisi niya ba ako kung si Hiro talaga ang laging bukhang bibig ko sa kanila. Kasi si Hiro lang naman ang nagustuhan ko sa lahat ng mga istudyante na lalaki rito at ang nakakapanibago pa niligawan ko pa talaga.
I know until now he still likes me, but I'm sorry to say na kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Kung hindi niya tanggap. Pilitin niya pa rin.
Mabilis naman itong umiwas nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Bumuntong-hininga na lang ako.
"Bakit?" tanong ng katabi ko nang maramdaman ang pagbuntong-hininga ko.
Umiling-iling ako. Pinagpatuloy na lang namin ang pag-aayos at paglilinis sa Venue konti na lang kasi matatapos na namin. Kailangan na rin naman namin na magmadali kasi naman kailangan pa naming mag-ayos para mamaya.
Mamaya na ang Christmas ball at kailangan kong maging maganda sa paningin ni Hiro. Mamaya kasi baka may makita siyang magandang babae, tapos magustuhan niyaito at ligawan niya. Paano na ang loves story naming dalawa?
Nang matapos naming maayos ang Venue para mamaya ay nagpasya na kaming magsiuwian. Nakangiti akong naglakad palabas ng University.
Nauna ko na kasing pinauwi sila Kkorna at ang ilan pa na mga organize ng Venue. Kaya 'yon dalawa na lang kaming natira kanina ni Khalil para i-double check ang mga mic, speaker at ilan pa na mga ilaw para mamaya.
Natigil ako sa paglalakad at lumingon sa katabi ko nang magsalita ito. Seryoso niya akong tinignan.
"Franklin!" tawag nito sa akin. "Ihatid na kita gusto mo?"
Sandali akong natigil at nag-isip kung tatawagan ko pa ba ang driver namin para sunduin ako baka mag-isa na lang ako rito sa University kasi tulad ni Khalil uuwi na rin ito para mag-ayos ng kaniyang sarili.
Tumingin ako rito at ngumiti.
"Sure!" sagot ko.
Pinasok kasi nito ang sasakyan niya rito sa loob ng campus. Hindi niya man lang ni-park sa parking lot or sa labas ng campus.
Nakangiti nitong binuksan ang pinto ng sasakyan niya para sa akin. Akmang sasakay na ako nang makarinig kaming dalawa ng busina sa isang sasakyan sa labas ng campus.
Nilingon ko ito at nakita ko ang paglabas ng isang lalaki sa sasakyan na bumusina.
Teka anong ginagawa niya rito? Gulat at nagtataka kong tanong sa sarili ko. Sinusundo niya ba ako? Pero hindi, eh. Wala naman akong sinabi, saka susunduin niya ba ako sa lagay na 'to? Wala naman siyang gusto sa akin.
Lumingon ako kay Khalil bago nagsalita, "Sandali lang, ha!"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at nagtatakbo na papalapit sa labas kung saan nakatayo at nakasandal si Hiro sa sasakyan niya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" nagtataka ko na tanong.
Hindi ko maiwasan na mapakagat ng labi para pigilan ang ngiti na konti na lang ay lilitaw na. Akala ko kasi mamaya ko pa siya makikita, pero ito siya nandito sa harapan ko.
Kung nandito siya para sunduin ako, ibig sabihin lang no'n may chance na may gusto na rin siya sa akin or na di-develop na siya sa akin. Pero imposible yata 'yon.
"Get inside," simpleng utos niya nang lingunin ako.
"T-talaga?" hindi makapaniwalang ko na tanong. "Sinusundo mo ba ako?"
"I said get inside, hindi ko sinabing magtanong ka pa nang kung anu-ano d'yan," walang preno nitong sambit.
Napanguso na lang ako. Sungit talaga!
Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang sasakyan ni Khalil na nasa gilid ko na. Hindi ko aakalain na sa isang iglap lang ay nandito na siya.
"Franklin halika na at ihahatid na kita!" nakangiti nitong sabi sa akin at sandali pa na lumingon kay Hiro.
Lumingon ako kay Hiro na ngayon ay nakatingin lang din kay Khalil, sandali akong lumingon kay Khalil na gano'n pa rin ang titig kay Hiro. Para nga silang ewan sa nakikita ko, kulang na lang nga iyong tinginan nila sa isa't isa ay magkasuntukan na sila. Hay, ewan ko ba sa kanila!
Muli ako lumingon ako kay Khalil at tawagin ito para kunin ang atensyon niya. "Khalil sorry ha, kay Hiro na ako sasabay," sabi ko rito.
"Gano'n ba? Sige!" Tumango lang ito at inumpisahan niya )nang paandarin ang sasakyan niya hanggang sa maglaho na ito sa paningin namin.
Napangiti akong lumingon kay Hiro nang makita ko itong ngumisi. Hindi ko alam kung bakit pero kahit na gano'n natuwa ako. Ang gwapo talaga ng lalaking 'to.
"Anong nginingiti ngiti mo d'yan?" masungit na tanong ng lalaking nasa harapan ko.
Mabilis akong umiling-iling at ngumiti rito. "W-Wala nuh! Sinong ngumingiti?" balik ko rito. "Ikaw yata eh, ikaw 'tong nakita kong ngumingisi ng walang dahilan d'yan."
"TSK! Stupid!" umiiling-iling nitong sabi at sumakay na sa sasakyan niya.
Kung hindi ko lang talaga gusto ang lalaking 'to, naku hindi ko pagtya-tyagaan ang pagsusungit niya sa akin. But sorry to say. Gustung-gusto ko talaga siya at lalo na ang pagiging masungit niya.
Napatalon na lang ako sa gulat nang bigla na lang akong binusinahan ng masungit na lalaking 'to.
"Sasakay ka ba or iiwan kita d'yan?" masungit nitong tanong.
Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya at sumakay. Baka kasi totohanin niya ang sinasabi niya. Mahirap na. Imbis na siya ang maghatid sa akin ay baka iyong driver pa namin.
"TSK. Stupid..." rinig ko pa na bulong niya at umiling-iling pa. Inumpisahan na rin nitong paandarin ang sasakyan niya.